Charmagne
Birthday ko pala bukas pero wala naman akong plano na mag-celebrate. Di ko na rin feel na birthday ko na bukas. Madam Caymo gave me credit card para daw sa mga gastusin ko. My cash din siyang binigay sakin, o san kapa? Haha.. Pero di ko naman sinamantala yun. May pagkain naman dito sa dorm ko kaya di ako masyadong nakakagasta. As usual, aral, training, bonding time sa mga friends tapos uwi. Kinabukasan balik na naman, aral, training, bonding tapos uwi. Ito yung daily routine ko. Nandito na ako ngayon sa bed, pero di pa rin ako dinalaw ng antok. Kinuha ko ang phone dahil naiisip ko na naman si Dennise. Si Maddie nga pala at Bea mukhang nagkakamabutihan na. Ano ba gagawin ko, should I call her or text her.
"Hmmm.... What?! Umaga na?!"
Nagising nalang ako sa sinag ng araw. Saturday and walang pasok at training ngayon. Bumangon na ako at nagluto ng makakain ko. Pagkatapoa kong kumain ay nilinis ko ang room ko. Pinalitan ko na rin yung matres ng kama pati yung mga kurtina at naglaba na rin ako. Grabe nakakapagod pala pero ayos lang.
Nandito ako ngayon sa mall, wala lang... Gusto ko lang magpalamig, nagwindow shopping na rin ako.
"Idol? Charmagne?" May tawag sakin kaya naplingon ako. Wow! Ganda niya.
"Oh, hi.. Ah.."
"Laura.. Remember?" Sabi niya.
"Of course.. Kumusta?"
"Hahaha... Akala ko nakalimutan mo na ako kaagad. Ayos lang naman ako, ikaw? Long time no see ah." Sabi niya at hinampas pa ako sa braso.
"Ayos lang din naman.. Medyo busy lang sa school. Alam mo na, student atlete." Sabi ko at tumango tango naman siya.
"Yeah I heard it tho. Sino nga pala kasama ngayon?" Usisa niya sakin at may patingin-tingin pa siya sa likuran ko.
"Ah, wala.. Ako lang... Haha, nabored kasi ako sa dorm. Kaya naisipan kong dito nalang pumunta atleast may nakikita akong tao." Sagot ko sa kanya.
"Hahaha... Pareho pala tayo, nabored din ako kaya ako napunta dito." Sabi niya.
"Talaga, so ano ba gusto mong gawin?" Tanong ko.
"Hmmm.. Arcade tayo?" Sabi niya at hinila niya ako papuntang arcade.
Para kaming mga walang bukas kung maglaro. Hanggang sa napagod kami at naisipan naming pumunta ng ice cream parlor. Mahilig kasi ako sa ice cream at ganun din pala siya. Ansaya niyang kasama at antakaw niya rin pala. Nang magsi-six na ay nagpaalam na siya dahil may trabho pa daw siya. Kaya ako, nagpunta muna ng park malapit sa dorm ko.
"Ate, bili na po kayo sampaguita. Preskong-presko pa po ito." Sabi ng batang babae sakin. Sa tingin ko nasa 8-9 na taong gulang siya.
"Magkaano ba yan? Gabi na ah dapat di kana naglalabas sa ganitong oras bata." Sabi ko sa kanya.
"Kailangan ko po kasing maibenta lahat ng ito, para may pagkain kami ng mga kapatid ko. May sakit kasi si mama." Naluluhang sabi niya. Naawa naman ako sa bata.
"Taga saan kaba bata? Ilan kayong magkapatid at bakit ikaw lang ang naghahanap buhay? Wala ka bang kuya o ate?" Tanong ko sa kanya. Ambata pa niya kasi para maghanapbuhay.
"Jan lang po ang kami nakatira sa Fatima Street. Apat po kaming magkakapatid, ako po yung panganay. Bilhan niyo naman po ako ate." Sabi niya.
"Sige, bibilhin ko lahat yan. Magkano ba lahat yan?" Tanong ko sa kanya. Nalaki naman ang mata niya at ngumiti.
"120 po ito lahat. Pero dahil bibilhin niyo po lahat, ibibigay ko nalang po ito ng 100 sa inyo." Masigla niyang sabi.
Kumuha ako ng 1000 sa wallet ko at binigay sa kanya, bale dalawang 500 yun.
BINABASA MO ANG
"Miss Green" (AlyDen - GxG)
Hayran KurguSa isang iglap, at dahil sa isang simpleng babae. Lahat ng paniniwala ko nawala. Lahat ng pinaghahawakan ko nawala. Lahat ng meron ako gusto ko sa kanya. Ayokong maging mali. Natatakot ako. Pero dahil sa kanya gusto kong subukan. "We live in awfull...