13 (Alyssa)

1.4K 36 1
                                    

Dennise

Ilang araw ng di ko nakikita si Charmagne. Dahil sa kanya nag-iba ang pananaw ko sa buhay.  Para yata nag-iba ang ihip ng hangin. Kahit niyaya ako nila Ate Fille naanood ng softball ayoko talaga. Kasi di ko maintindihan e. Tapos ngayon minsan tumatakas ako sa practice namin sa cheerdancing dahil manonood ako ng practice nila Cha sa basketball. Kaso halos puno na kaagad ang gym, andami kasi nilang fans lalo na si Cha. Sarap talaga tusukin mga mata.

"Kyyaaaahhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!" Sigawan nila. Ngabi kung makasigaw parang wla nang bukas. Pagtingin ko, tinaas pala ni Charmagne ang upper jersey niya at pinunasan  ang pawis sa noo.

"Kita niyo yun? Grabeng abs!!!" Tili ng isang babaeng parang namudmod sa harina.

"Oo nga! Grabe! Napaka-yummy ni Charmagne mylabs!" Sabi ng isamg babae na nagmumukhang clown. Boyset! Anlalandi! Tsk!

Nang matapos ang practice nila ay nanatili pa rin ako sa bleacher. Nakita kong may lumapit sa kanila na isang maliit na girl. Inabutan niya ng gatorade si Charmagne. At nakipagbeso pa siya. Litse! Humanda ka sakin. Dali-dali akong bumaba at lumapit sa kanila.

"Charmagne!" Sigaw ko. Napalingon naman silang lahat sakin.

"Oh? Dennise.. Bakit?" Tanong ni Alyssa at lumapit sakin. Nakipagbeso na rin siya. Hay.... Nawala yata ang pagka-badvibe ko sa ginawa niya.

"Ah, e.. Wala napadaan lang ako. Hehehe.." Sabi ko. Shit! Anong klaseng palusot yun?

"Ah.. Ganun ba? Sabay kana samin, ay.. Si Ella pala kaibigan ko. Ells, si Dennise." Sabi niya atnpinakilala yung maliit na girl. Mukha naman siyang mabait.

"Hi Dennise, nice to meet you." Sabi ni Ella at nagbeso rin sakin. Friendly ha.

"Hi Ella, manowk kha bah?" Biglang sabi ni Amy. Natawa naman ako dahil may pagka-slang siya.

"Oy! Si Amy dumadamoves na!" Sabi ni Ria. At umabay pa siya kay Amy.
"Ahm.. Bakit po?" Sabi ni Ella.

"Ikaw lang kase laman ng pusow kow.. Kahit Chicken mo pa!" Sabi ni Amy. Hahaha. Aba si Amy namula pa.

"Owww! Galing-galing.." Sabi ni Bea at pumalakpak pa.

"Let' s go, gutom na ako." Sabi ni Marge.

"Hahaha.. Di ka pa rin nagbago Margarita!" Sabi ni Ria.

"Let's go. Nasa naghihintay na raw si Madam Caymo satin." Sabi ni Ella.

"W-what?! Madam Caymo?" Tanong ko.

"Oo, madam Caymo invited us sa bahay nila. Gusto niya kasing makilala kayo. Tara..." Sabi ni Cha at hinawakan ako sa kamay. Shemms... Nakuryente ako! Balita ko pa naman tumaas na naman ang bayarin sa Meralco. Magkano na kaya babayarn ko nito. Charot!

"Dennise? Are you okay?" Tanong sakin ni Cha sakin. Palinga-linga naman ako at shems.. Kami nalang pala ang nandito.

"Oo.. Ay hindi. Okay pang ko." Seryoso? Yun ang nasabi ko? Nakakahiya naman.

"Hahaha... Cute cute mo.. Hmmpp!!" Sabi ni at pinanggigilan ang magkabilang pisnge ko.

"Awww..." Grabe! Ganun pala siya manggigil. Nakakilig.

"Mamaya na landi! Gutom na ako!" Sigaw ni Marge. Binatukan naman siya ni Bea. Hahaha.. Buti nga! Istorbo.

"Kailangan ipagsigawan Margarita?!" Sabi ni Bea.

"Hahaha... Kulit nila noh?" Sabi ni cha at inakbayan ako. Hmmm.. Ambango niya, amoy chocolate.

Nasa Van na kami at dahil huli kaming sumakay, nasa hulihan kami. At ang ingay nila promise. Si Cha naman ngingiti.

"Miss Green" (AlyDen - GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon