15 (Down)

1.2K 38 0
                                    

Dennise

Falling in love with a girl is already hard and very complicated for me. I'm straight. Or atleast I was. Then suddenly everything changes, because in a blink of an eye, like lightning striking a point in one place. I felt billion of voltage in my body caused by her touches. A whole butterfly everytime she's so close.

"Ganun? Di na namamansin? Nagkasyota lang, may ganun na?" Reklamo ni Ej.

Nasa classroom sila ngayon at naghihintay ng prof. Habang hinahatid kasi ni Charmagne si Dennise ay may mga bulong-bulongan siyang naririnig.

"Di naman sila bagay e. Di naman kagandahan si Dennise. Si Charmagne naman magaling sa sport pero si Dennise hindi."

"Answerte naman ni Dennise! Balita ko sila na daw ni hotty Charmagne."

"So, totoo pala? Pero, hindi naman pinapayagan ng simbahan ang ganyang relasyon diba. Mga kadiri sila."

"Gwapo si Charmagne, di sila bagay ni Dennise. Tingnan mo nga walang hinaharap! Panu niya paliligayahin si Cha niyan? Kami ang bagay ni Charmagne."

"Anong nangyari jan?" Tanong ni Fille na kararating lang.

"Ewan ko jan. Di yata naka-score kagabi! Hahaha...." Sabi ni Ej. Nanlaki naman ang mata ni Dennise sa narinig niya galing kay Ej kaya walang ano ano ay hinampas niya sa kamay si Ej.

"Arayyy! Kita mo ate Fille, ganyan ka dati e. Yung nabitin ka dahil..." Di na natapos ang sinabi ni Ej dahil kinurot siya ni Fille.

"Anong pinagsasabi mo jan? Pati ako dinamay mo pa! Baka ikaw ang di nakaiskor kagabi?" Sabi ni Fille. Sumangot naman si Ej.

"Ano ba kayo? Di ba kayo naiilang sa mga pinagsasabi niyo?" Sabi ni Dennise.

"Bakit naman kami maiilang? Hahaha... Hayaan mo yan sila. Wala lang magawa sa buhay." Sabi ni Ej.

"Alam mo kasi Dennise, wag kang papaapekto sa mga naririnig mo sa mga bitch sa labas. Inggit lang sila sayo. Atsaka, wala naman tayong inapakan tao. May inagrabiyado na tao." Sabi ni Ate Fille at nagwink pa kay sakin.

"Love is love. Kapag mahalaga ka sa isang tao, ibig sabihin mahal ka nun.  Kapag nasaktan ka ng isang tao, di ka love nun. Yung mga narinig mo sa labas at nasaktan ka, ibig sabihin di ka mahalaga sa kanila.. Di ka love nila." Sabi ni Ej at hinawakan ang kanang kamay ni Dennise.

"Panu niyo nalaman na yun ang naiisip ko?" Takang tanong ni Dennise sa kanila. Dati naman kasi wala siyang pakialam sa mga naririnig niya pero ngayon, lahat yata ng narinig niya ay naapektuhan siya.

"Hay naku! Di kaya kami bingi. Antanga naman kasi nila magbulungan. Hahaha..." Sabi ni Ej.

"Basta, maging masaya ka lang. Ipakita mong ikaw si Dennise Lazaro at ikaw lang ang nababagay kay Charmagne Lavilles!" Sabi ni Ate Fille na may halong kilig.

"Yeah! Group huggggg!!" Sigaw ni Ej. Loko loko talaga to. Magkatabi nga lang kami tatlo may pasigaw sigaw pa.

"Ahem!! Miss Laure, Miss Cainglet and Miss Lazaro..." Tawag samin ni Ma'am Gayam. Paktay!

"Yes ma'am.." Sabi ni Ej na todo ngiti pa.

"You were excuse in my class at puntahan niyo ang mga girlfriend niyo. Nasa clinic sila ngayon." Sabi ni Ma'am Gayam.

"Whatttt??!!" Gulat naming tatlong tanong.

"You heard me. Nakipagsapakan lang naman sila sa gym kanina. Kaya sige na." Sabi ni Ma'am.

"Miss Green" (AlyDen - GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon