25 (Kilay)

3.6K 67 29
                                    

AN: Third person nalang ang flow ng story na to. Medyo nangangapa kasi ako pag POV ng bawat tauhan ang gamitin. Please sana di kayo maguluhan sa story ko dahil ako medyo naguluhan na. Hahaha...

No hate. Just love.

---------------------------------------------

Nagising si Dennise  na parang nilalamig siya at kanyang napagtanto ang dahilan kung bakit nilalamig sya. Hubo't hubad sya. Naalala niya ang pinaggagawa nila ni Alyssa at napangiti sya dahil kahit na makulit si Alyssa ay nanatili naman ang respito nito sa kanya. Nagtaka sya dahil mag-isa na lamang sya sa kama at tiningnan niya ang orasan, 5am palang at wala na si Alyssa sa tabi niya. Naalala niya bigla ang sinabi ni Mela sa kanya. Naisip niya na di niya pala napagbigyan si Alyssa ng husto sa kung ano talaga ang gusto nito.

Hala! Sana okay lang si Alyssa ko ngayon. Sabi ni Den sa sarili niya.

Tumayo na sya at nagsuot ng rob. Tinungo niya ang banyo ngunit wala si Alyssa doon. Bumaba sya at nagbabakasali na makita niya si Alyssa, wala naman ito sa sala kaya tinungo niya ang kitchen at wala ito doon.

"Alyssa, nasaan ka ba?"

"Hala, baka nambabae na yun Dennise! Ayan kasi pakipot kapa! Naghanap tuloy ng ibang ka-tsuk tsakan!" Sabat agad ng epal niyang konsensya. Litse, buhay pa pala to.

"Subukan niya lang at kakalbuhin ko silang dalawa at tatadtarin ng pinong-pino!"

Naisipan nalang ni Den na tawagan si Alyssa. Umakyat na sya ngunit habang nasa hagdan sya ay nakarinig sya ng ungol mula sa kabilang kwarto.

"Hesus maryohusep! Anlakas naman umungol ni Mela. Ano kaya pinaggagawa nila ngayon?"
Sabi ni Den sa sarili.

"Hay naku! Tinatanong pa ba  yun Dennise? Alangan namang nagro-rosaryo sila ngayon?"
Sabat ng epal na alipores niyang konsensya.

"Ahhhhhhh....."

Napatalon naman si Den sa lakas na ungol na iyon, sabay na kasi si Kim at Mela. Dali-dali naman siyang pumasok sa kwarto nila Alyssa. Di man niya aminin ay nakaramdam sya ng init sa katawan. Ramdam na ramdam pa niya ang expertong labi at dila ni Alyssa sa bawat parte ng katawan niya lalo na sa kayamanan niya.

"Oh gooossshhh...."
Sambit ni Den at dali-daling pumasok sa banyo. Naisipan niyang maligo to cool down her throbbing being. Malamig ang tubig na dumadaloy sa katawan niya ngunit di niya alintana yun. Ang tanging pakay niya ay maibsan ang naramdamang init sa katawan niya na wari hinahanap ang bawat haplos, yakap at halik ng mahal niyang si Alyssa.

Makalipas ang kalahating oras ay lumabas na sya at nagbihis. Hinanap niya kaagad ang phone niya and dialled Alyssa's number. Nakarinig sya ng phone na nagring. Hindi pala dala ni Alyssa ang kanyang phone. Naiinis namang pinatay ni Dennise ang tawag niya. Bumaba na sya bka makita niya si Bang o sino man para matanong kung saan matatagpuan ang mahal niya. Kinabahan na kasi sya dahil hindi gawain ni Alyssa ang umalis ng hindi nagpapaalam sa kanya.

"Hi bebe Den, good morning..."
Bati sa kanya ni Bang na nagkakape.

"Good morning, nakita mo ba si Alyssa? Di niya kasi dala phone niya kaya di ko alam kung saan ang bakulaw na yun!"
Nakakunot na ang noo ni Den na tila nagsusumbong kay Bang.

"Hindi eh.. Di ba nagpaalam sayo bebe Den?"
Tanong ni Bang at mabilis naman syang umiling.

"Ready kana mahal?"
Biglang sulpot ni Ara. Gwapo rin nito eh! Naka-cargo shorta sya at sky blue v-neck tsirt.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"Miss Green" (AlyDen - GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon