2 (Cha to the rescue)

2.5K 44 6
                                    

Woohh!!! Nakakapagod naman! Anglaki naman pala ng skul na ito. Nandito ako sa VSU (Valdez State University[imagine nalang may ganitong skul na nag-exist]). Ako nga pala si Charmagne Lavilles. Mahilig sa sports at matalino. Mahirap lang kami at sa Mindanao ako lumaki.

Actually transferee ako dito sa VSU. Full Scholar ako dito. Inirefer kasi ako ng isang bussinesswoman na natulungan ko samin.

Flashback........

Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng maalikabok na daan. Galing ako nagpaload. Tatawagan ko kasi sina nanay na padalhan ako ng allowance ko. Napansin kong may isang Van na biglang hinarangan ng dalawang motorsiklo. Kaya nagtago ako bigla sa may halaman. Tahimik ang lugar dito at magkalayo ang mga bahay. Wala ring gaanong mga sasakyang dumadaan dito.

Nakita ko, may inilabas na baril ang apat na tao na sakay kanina sa motor. Tinutukan nila ang Van. Mukhang alam ko na kung ano ang nangyayari. Kinuha ko agad ang cellphone ko at tinext ko ang landlord namin na pulis. Sinabi ko sa text ang lahat nang nakita ko. Pati kung saan ako. Text lang. Tipid ako sa load. 15 lang ang load ko. Di ko pa nga naregister sa unlicall and text eh.

Napansin kong bumaba ang driver ng van at pinukpok sa may bandang leeg agad yun ng isang maskuladong may hawak na baril. Ayon, bagsak at di na gumalaw. Akmang manlaban ang isang lalaki, siguro body guard yun. Kaso binaril siya nung isang pangit sa tiyan. Medyo napasigaw ako sa nakita ko. Dali-dali ko ring tinakpan ang bibig ko. Napansin kong palinga-linga ang dalawa.

"Puta! Bakit mo binaril?!"

"E nanlaban e. Bilisan niyo na nga jan baka may makakita pa sa atin dito."

"Baba!! Bilis!!"

Utos nung isang bakulaw sa taong nasa loob. Teka? Babae? Mga walang hiya, laki ng ngisi nila.

"Misis, holdup to. Alam mo na gagawin mo..."

Manyak na sabi nung isang unggoy.

"Kunin niyo na lahat ng gusto niyo. Wag niyo po akong saktan."

Nanginginig na sambit ng babae. Sa tingin ko nasa 45-50 ang edad pero maganda siya. Sabagay, mayaman kaya ganun ang beauty niya.

"Wow! Ang sarap ng boses mo. Panu nalang kaya kung matikman mo ang manoy ko... Hehehe"

Malanding sabi nung lalaki na may kalakihan ang katawan at inaamoy-amoy pa ang buhok ng babae. Nandiri ako sa nakita ko. Litseng mga hayop na yun.

"Tara na pare! Dami nito."

Sabi nung isa na bitbit ang bag na kulay itim.

"Tara! Dalhin na rin natin to. Sarap to pare!.. Hehehe.."

"Sige, pero dapat ako ang unang iiskor yan!"

"Ano?! Ako ang unang nakahawak sa kanya! Kaya ako dapat!"

"E bakit di natin sampulan dito? Wala naman makakakita satin dito.

Sabi nung isa na may tattoo. At siniil ng halik ang babae. Nagpupumiglas ang babae. Uminit ang ulo ko sa ginawa nila. Ang iba kasi hinahawakan ang puwet ng babae. Nagngingit ako at dumilim ang paningin ko. May nakita akong bato. Hinubad ko sapatos ko pati medyas ko. Sinidlan ko ng batong kasinglaki ng kamao ang medyas ko.

"Wag!!.... Maawa kayo."

Sigaw nung babae. Pinunit ng lalaki ang blouse ng babae. Mga puta kayo. Lumabas na ako at Kinuha ko na rin yung baseball bat na nasa motor nila. Di nila ako napansin dahil busy sila sa kahibangan nila. Ang dalawa ay hinahawakan sa magbilang kamay ng babae. Ang isa hawak ang cellphone at kinunan ng video ang ginawa ng kasama niya. Kinulbit ko muna ang nakatayo at tinuhod ang bayag niya. Wala namang itlog yun. Ayun nangingisay sa sakit. Sinipa ko na rin ng buong lakas ang mukha niya. Tulog. Di pa rin nila ako napansin. Mga halimaw kayo.

"Miss Green" (AlyDen - GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon