14 (YES)

1.5K 39 2
                                    

Dennise

Sa isang iglap, at dahil sa isang simpleng babae. Lahat ng paniniwala ko nawala. Lahat ng pinaghahawakan ko nawala. Lahat ng meron ako gusto ko sa kanya. Ayokong maging mali. Natatakot ako. Pero dahil sa kanya gusto kong subukan. Dahil kay Charmagne Lavilles nababawasan ang takot ko.

"Dennise, may nagpapabigay po sayo." Sabi ni Marlon na classmate ko.

"Sino ang nagpabigay?" Tanong ko.

"Pasensya na Dennise, di pinapasabi. Pinabigay lang talaga yan sayo." Sabi niya. Tinanggap ko naman. Hmmm... Anbango, gusto niyong malaman kung ano ang binigay? Hehehe... Isang bouquet ng tulips and it's color blue. Ay! Wait may note, ito basahin ko.

Blue.... I'm taking the courage to let you know I feel... The first day I'm gonna show that I am for real.

-C.L

Yeiihh... Kinikilig ako. Waahhh... C. L?

"Oy! Grabe, baka maihi ka niyan sa kilig girl!" Biglang sabi ni Ej. Ito talagang babae na ito ang epal.

"C. L.? Parang, Charmagne Lavilles? Answeet naman! Sana ganun din si Mich kaso, walang kasweetan sa katawan yun." Sabi ni Jia. Pero wag kayo, inlove na inlove pa rin siya kay Mich. Atat na atat na nga e.

"Hey! Istorbo. Wala ba kayong pasok?" Tanong ko sa kanila. Nandito kasi kami ngayon sa field. Nanonood ng practice nila Ate Gretch sa softball.

"Kailan ka pa naging ulyanin girl? Alam mo namang magkakaklase lang tayo. Ikaw, wala ka bang klase? Hahaha.." Sabi ni Ej. Oo nga naman. Hay naku bat ba nabobo na ako.

"Che!" Sabi ko nalang.. Ewan, ganito pala ang mainlove?

"Hahahaha...." Tawa nila. Kainis, ako na naman ang nakikita.

Si Charmagne naman, tinudo ang panliligaw. Inaabangan niya ako sa parking area tuwing umaga at hinahatid sa claasroom ko. Siya na rin ang nagbitbit ng mga gamit ko. Oh diba, para lang siyang 3 in 1. Suitor, bodyguard at alalay. Hehehe. Di joke lang, syempre na-appreciate lo naman lahat ng yun.

Kinabukasan......

"Good morning Meme.." Bati ko kay Lola. Syempre, ayaw magpatawag ng lola yun... Tatanda daw lalo siya kapag lola ang tawag sa kanya.

"Good morning Denny... Oh somebody drop by and she told me to give this to you." Sabi niya at kinuha ang bouquet ng tulips at binigay sakin.

"Sino po siya Me?" Tanong ko. Hmmp. Mukhang alam ko na naman kung sino, gusto ko lang manigurado.

"Ayaw pasabi ng name e. Pero, magandang gwapo siya. At magalang siya ha." Sabi ni Meme.

Inamoy-amoy ko ang tulips at may note na nakaipit.

Yellow.... Second day and I HOPE continues to linger... Please accept this flower and smile is what I whisper.

- C.L.

Napangiti naman ako. Yiihh...

"Wag mo nang pakawalan yan." Bulong sakin ni Meme. Hay.. Namiss ko tuloy siya.

Aral.... Aral... Aral.... Practice cheerdancing... Tambay sa gym. Ito ang ginawa ko ngayon. Nanonood kami ng basketball ngayon dito sa gym. May friendly game sila laban sa Holy Trinity College. Kasama ko ngayon si Ella, Ej, Maddie at Jirah.

"Grabe, nakakatakot ang mukha ng kalaban nila." Sabi ni Ella.

"Oo nga! Ang papangit!!" Sabi naman ni Ej.

"Miss Green" (AlyDen - GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon