Taray 2

308 5 3
                                    

Taray 2

"KKKRRRRRIIIIINNNNNGGGGGG"

Tunog yan ng alarm clock ko, means kailangan ko ng gumising at maghanda para sa pagpasok ko sa school. Medyo inaantok pa kong bumangon sa higaan ko. Ang aga pa kasi, ala sais na ng umaga at 7:30 ang klase ko ngayon. Agad naman akong naligo at inayos ang sarili ko. Pagbaba ko ng hagdan binati naman ako ng mga maids namin.


"Good Morning Ma'am!", bati sa akin nung isang maid namin. 


Tinanguan ko lang sya at dumerecho na sa breakfast room namin. Nakita ko may nakahanda ng pagkain para sa akin. Umupo na ko at sinimulan ng kumain. Hay! mag-isa nanaman akong kakain ngayon. Wala kasi ngayon ang Mama ko at wala rin naman akong kapatid kaya tanging mga maids lang namin ang kasama ko dito sa Mansion namin.


Actually pag-aari pa to ng mga taong kumupkop sa amin ng Mama ko. Salamat sa kanila, kaso lang wala na sila matapos silang maaksidente sa isang car accident. Kaya pinamana na lang nila ang lahat ng ari-arian at business nila sa nanay ko dahil wala naman silang maiiwang anak at ang tinuring na nilang anak ay ang nanay ko.


Sabi ng nanay ko noon muntikan na daw kaming mabundol ng mga ito habang lutang siyang naglalakad sa kalsada at karga karga ako dahil kamamatay lang noon ng kanyang ina, ang aking lola. Dalawang taong gulang pa lang ako noon ng mangyari iyon.  


Wala naman kaming natamong galos ng nanay ko pero dahil sa sadyang mabait ang mag asawang Diaz eh dinala nila kami sa ospital. Nalaman rin nilang wala kaming matutuluyan noon dahil lahat ng meron kami ng nanay ko noon ay ibinenta niya na para sa pambili ng gamot at pang paospital sa lola ko.


Magmula noon kinupkop na nila kami ng nanay ko at tinuring na parang isang pamilya kaya pati apelyido namin ay nabago. Wala rin naman kaming kamag-anak noon na malalapitan dahil halos lahat sila ay nasa malayong lugar. Kung itatanong niyo naman kung nasaan ang tatay ko?.


Well, hindi ko din alam kung nasan siya at wala akong balak alamin kung nasaang lupalop man siya ng mundo.

Dahil galit ako sa kanya, GALIT NA GALIT.


Bakit?


Dahil iniwan niya lang naman kami ng nanay ko! Niloko at pina-asa lang niya ang nanay ko pagkatapos buntisin. Nakakainis talaga ang mga lalaki noh? Pagkatapos nilang mag pakasasa sa katawan mo at buntisin ka, iiwan ka lang pala sa ere. Ayos lang sana kung iwan at lokohin ka lang eh pero ang masakit binuntis ka pa pero hindi ka naman pala kayang panagutan. Huwag kasing gagawa ng bagay na hindi mo naman kayang panindigan. Remember that readers!


Magmula ng ipanganak ako ay hindi ko pa nasisilayan ang tatay ko. Lumaki akong walang kinalakihang Ama. Naging tampulan ako ng tukso noong bata pa ko dahil wala akong mapakitang tatay sa kanila. Tuwing may family day o kung ano mang school event na may kinalaman sa pamilya sa school namin ay hindi ako umaatend. Lagi akong nagpapanggap noon na may sakit para lang hindi maka-attend kasi nahihiya ako dahil wala akong maipakitang isang buong pamilya ko. 


Habang lumalaki ako mas hinahanap ko ang pag kalinga ng isang Ama. Lagi kong hinihiling noon kay santa Claus na sana ang matanggap kong regalo tuwing darating ang pasko ay bumalik na ang tatay ko. Na isang araw ay kakatok na lang siya jan sa may pintuan namin at sasabihing hindi na niya kami iiwan kailan man. Pero sa tuwina lagi na lang akong nabibigo hanggang sa mapagod na ko sa kakahintay sa isang taong hindi naman na babalik kailanman at natutunan ko na ring tanggapin na wala na talaga sya at iniwan na niya kami.

Ms. Mataray meets Mr. Nerd?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon