Sky's Pov
"Huhuhuhu! Nakakainis talaga yung lalaking yun Sky! Ang kapal ng mukha niyang ipagpalit ako sa isang mukhang hipon!", ngumangawang sabi ng pinsan kong si Aleena.
Nandito kami ngayon sa room namin at kasalukuyang inaantay ang prof namin habang nasa tabi ko naman tong si Aleena na klasmeyt ko rin at kanina pa ngawa ng ngawa dahil iniwan daw siya ng boyfriend niya.
"Tumahimik ka na nga jan! Nakakarindi ka na, kanina ka pa ngawa ng ngawa jan!", naiinis na sabi ko sa kanya.
"Grabe ka talaga!, imbis na i-comfort mo ko dito eh tinatarayan mo pa ko.", humihikbing sabi niya.
"Kasi wala naman ng magagawa yang iyak mo. Kahit na umiyak ka pa jan ng isang dam di na babalik yang boyfriend mong bisugo! Sinabi ko naman kasi sayo lolokohin ka lang niyan at iiwan din sa huli. Oh tignan mo nangyari, di ba tama ako?, pinapaintindi kong sabi sa kanya.
"Nasasabi mo lang yan dahil hindi ka pa naiinlove ng tulad sa akin.", sagot niya sa akin na hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak.
"Kung alam mo lang minsan na rin akong nagpakatanga dahil sa pag-ibig na yan.", bulong ko.
"Ano yun? May sinasabi ka ba jan?", sbi niya sa akin.
"Ang sabi ko tumigil ka na jan sa kakangawa mo, baka maabutan ka pa ng prof natin.", sabi ko na lang sa kanya.
"Oo na!", sagot niya sa akin habang sumisinghot pa.
Ako nga pala si Shiekhaina Marie Diaz, pero mas kilala ako sa tawag na Sky. Ang ganda ng pangalan ko noh? Syempre MAGANDA ang may-ari eh. 20 yrs. old na ko at isang 4th yr. architecture student sa Elite University. At tulad ng sabi kanina ni Aleena, Mataray ako. Yes Mataray talaga ako lalo na sa mga taong hindi ko kilala.
Chaka ko na lang ikukwento sa inyo ang talmbuhay ko, matagal pa naman tayong magsasama eh atchaka anjan na yung prof namin eh.
"Good Morning class!", bati sa amin pagpasok ng prof ko.
"Good Morning Ma'am Rosales!", bati naman namin.
"Ok class, you will gonna have a new classmate for this second semester.", sabi sa amin ng prof. namin.
"Sino naman kaya yun?", student 1
"Oo nga, sana gwapo!", kinikilig na sabi ni student 2
"Ngayon pa lilipat kung kailan second sem na.", bulong ko habang binabasa yung mga notes ko.
"Mr. Fontanilla please come in.", sabi ng prof namin habang nakatingin sa may pintuan.
Ako naman ay patuloy pa rin sa pagbabasa ng notes ko, wala rin naman akong pakielam kung sino man yang new classmate namin.~.^ . Kung hindi niyo naitatanong eh matalino din naman ako at consistent dean's list kaya nagbabasa na ko ngayon dahil panigurado may quiz nanaman kami mamaya sa prof. na to.

BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Nerd?
ChickLitPaano kung isang araw magising ka na lang sa isang katotohan na, You are already falling in love with the person you least expected. Sa isang taong wala ng ginawa kundi ang sirain ang bawat araw mo. Sa isang taong kahit taray tarayan mo na ay nanati...