Taray 13

252 7 12
                                    

Dedicated sayo, Maraming maraming salamat sa pagbabasa neto at nagustuhan mo yung story ko. :)) Keep on reading. ^____^


Sky's Pov


"Oh Shit!", bulalas ko ng makita ko si Cloud sa medyo malayong parte ng dagat na tila parang nalulunod.


Kanina habang hinahanap ko sya napadpad ako dito sa parte ng beach na hindi masyadong maraming tao at ng mapalingon ako sa dagat nakita ko sya. Akala ko kanina kinakawayan niya lang ako pero yun pala nalulunod na sya at humihingi na ng tulong. Kakaibang kaba yung naramdaman ko nang makita ko syang tuluyang tangayin ng dagat pailalim at di ko na muling nakita yung mukha niya.


My instinct tells me to save him. Kaya naman hindi na ko nagdalawang isip at lumusong na agad ako sa dagat para puntahan sya.


Nang makalapit na ko sa kanya agad ko syang hinatak paitaas at nakita kong wala na syang malay. Mas doble atang kaba ang naramdaman ko ngayon. Pakiramdam ko lalabas na yung puso ko sa sobrang kaba.


"Hoy Nerd! Gumising ka jan!", sigaw ko sa kanya habang buhat siya at hatak-hatak sa may bandang leeg niya papunta sa pangpang.


"Hoy! Gumising ka na jan! Hindi ka pa pwedeng mamatay, marami ka pang kasalanan sakin.", patuloy na pagkausap ko kay Cloud kahit alam kong hindi niya naman ako naririnig.


Kapag di pa talaga to gumising bibitawan ko na to eh.


"Bakit kaya mo ba?", sabi nung konsensya ko.


Tss. Kahit ganito sya concern din naman ako sa kanya kahit hindi halata. Ayoko namang mamatay sya sa harap ko mismo. Paano na ang konsensya ko nun?


Malapit na kami sa pangpang, unti na lang makakarating na kami dun kaya naman humingi na ko ng tulong dahil alam kong may makakarinig na sakin.


"Tulong! tulungan niyo ko!", sigaw ko habang hinihingal na dahil sa paghatak kay Cloud, mabigat di naman sya.


Agad namang may lumapit samin para tumulong at nakita kong kasama don ang mga Classmate namin at si Sir Del mundo. Tinulungan nila ako na buhatin si Cloud para maihiga sa may pangpang.


"Anong nangyari jan Sky?", tanong sakin ni Prof Del mundo nang makalapit siya samin at batid ko ang pag aala sa boses niya.


"Hindi ko din alam Sir, nakita ko na lang kanina na nalulunod sya doon sa medyo malayong parte ng dagat.", sagot ko sa kanya habang hinihiga na namin si Cloud sa may pangpang na hanggang ngayon ay walang pa ring malay.


Nagdalawang isip ako kung gagawin ko ba sa kanya yung mouth to mouth resuscitation. Huwag na kayong magtanong kung bakit, alam niyo naman na yun. Syempre pag ginawa ko yun magdidikit ang lips namin at Kadiri yun! Marami pa namang virus na taglay tong lalaking to.


"Sky wag ka nang mag inarte jan! Gawin mo na ang kailangan mong gawin. Baka matuluyan pa yan, sige ka.", singit nung konsensya ko.

Ms. Mataray meets Mr. Nerd?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon