Taray 5

223 4 1
                                    

Sky's Pov

 As usual nandito nanaman ako sa school kong MAGANDA at PANG MAYAMAN! Kasalukuyan akong nandito ngayon sa room namin at nakikinig sa prof. naming napakaboring magturo nang may kumalabit sa akin.


"Ano?", hindi tumitinging sagot ko sa kanya.


"Pwede mo bang ipaliwanag sa akin yung mga tinuturo niya. Hindi ko kasi masyadong maintindihan.",  bulong sa akin ni Cloud.


"Makinig ka kasi para maintindihan mo.", pabalang na sagot ko sa kanya at ibinalik ko na uli ang atensyon ko sa prof. namin.


"Nakikinig ako no!, kaso lang sadyang ang hina ng boses niya kaya di ko masyadong maintindihan yung tinuturo niya.", sagot niya naman.


"Linis-linis kasi ng tenga pag may time.", sabi ko naman.


"Malinis kaya ang tenga ko! Dali na turuan mo na ko", sabi niya at nilapit pa ang upuan niya sa akin.


"Oo na. Makinig kang maigi ah, ayoko ng paulit-ulit!", sagot ko sa kanya at sinimulan ko na ngang ipaliwanag sa kanya yung tinuturo ng prof. namin.


"Ano naintindihan mo na ba?", maya-maya'y tanong ko sa kanya pagkatapos kong magpaliwanag.


"Ahmm. Pedeng paki ulit?, ang bilis mo kasi eh. Isa na lang promise.", pakiusap niya sa akin.


Pinaliwanag ko na nga uli sa kanya and this time mas mabagal. Ewan ko na lang kung hindi pa niya maintindihan. 


"Oh naintindihan mo na ba?", maya-maya uli ay tanong ko sa kanya.


"Ahhmm. Hindi pa rin eh.", sagot niya sa aking habang kumakamot sa kanyang ulo.


"Ano? Hindi mo pa rin naintindahan eh dalawang beses ko na inulit sayo. Ano ka ba, mababa ba ang I.Q mo o sadyang tanga ka lang?", mataas na boses na sabi sa kanya at dahil doon ay nakakuha kami ng atensyon.


"What's the problem Ms. Diaz?", tanong sa akin ng prof. namin.


"Nothing Ma'am.", sagot ko sa kanya at masamang tumingin kay Cloud.


"Then why are you shouting?", nakataas na kilay na tanong niya sa akin.


"Siya po kasi Ma'am ang tanga-tanga!", sagot ko sa kanya habang nakaturo kay Cloud.


"Hindi ako tanga no! ang bilis mo lang kasing magpaliwanag.", sagot niya sa akin.


"Anong mabilis ka jan? Eh ang bagal ko na ngang mag paliwanag eh. Ang sabihin mo sadyang aanga-anga ka lang!", naasar na sabi ko sa kanya.


"Hindi nga sinabi kasi ako aa--", mataas na boses na sabi niya na pinutol ng prof. namin.

Ms. Mataray meets Mr. Nerd?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon