Continuation
Hanggang ngayon ay nandito pa rin kami sa may rooftop, halos 3 oras na kaming nandito ni Cloud pero hanggang ngayon wala pa ring nagbubukas ng pinto sa amin.
"Mukhang trap na nga talaga tayo dito.", sabi ni Cloud at umupo sa may sahig sa gilid.
"Oo, talagang trap na tayo at dahil yun sayo!", sabi ko at umupo na rin sa may sahig at medyo malayo sa kanya.
"Sorry na, hindi ko naman kasi alam eh.", sagot niya sa akin.
Hindi ko na lang siya pinansin at sumandal na lang sa dingding at tumingala sa langit.
"Ang ganda ng langit no?", tanong niya sa akin habang nakatingin na rin sa langit.
"Oo, pero mas maganda sana kung hindi ikaw ang kasama ko ngayon.", sagot ko sa kanya.
"Eto naman. Tayo na nga lang magkasama dito, inaaway mo pa ko.", nagpapaawang sabi niya sa akin.
"Ewan ko sayo!", sagot ko na lang sa kanya.
"Gabi na ah, hindi ka ba hahanapin sa inyo?", tanong niya na lang sa akin.
"Hindi, wala doon ngayon yung Mama ko.", sagot ko sa kanya.
"Ah. Eh yung tatay mo? Panigurado nag-aalala na yun sayo.", tanong niya nanaman.
"Paano mag-aalala sa akin yun? Eh hindi ko nga alam kung saang lupalop siyang nandon.", sagot ko.
"Bakit naman?", tanong niya uli.
"Dahil iniwan niya na kami, matagal na.", medyo may bahid ng galit na saad ko sa kanya.
"Ah.", sagot niya. Napansin niya sigurong wala akong balak pag-usapan ang anuman tungkol sa kanya.
Namayani ang katahimikan sa amin at tanging mga ihip na lang ng hangin ang maririnig. Nanatili na lang kaming naka-upo doon habang nakatingala sa langit.
Maya-maya ay bigla na lamang namatay lahat ng ilaw dito sa may rooftop at nagulat na lang ako ng biglang sumiksik sa akin si Cloud at hinawakan ang aking mga kamay.
"Ui! ano bang ginagawa mo? Bakit hinahawakan mo yung kamay ko? Alisin mo nga yan!", sabi ko sa kanya habang pilit na tinatanggal ang mga kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay ko.
"Eh kasi takot ako sa madilim eh, kaya jan ka lang ah?", medjo kinakabahang sagot niya sa akin.
"Kalalaki mong tao pero takot ka sa dilim.", nang-aasar na sagot ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Nerd?
ChickLitPaano kung isang araw magising ka na lang sa isang katotohan na, You are already falling in love with the person you least expected. Sa isang taong wala ng ginawa kundi ang sirain ang bawat araw mo. Sa isang taong kahit taray tarayan mo na ay nanati...