Taray 4

212 5 0
                                    

Continuation


Pagpasok namin ay inassist na kami ng isang waiter sa isang bakantang mesa at ng makaupo na kami ay inabutan niya kami ng menu at umalis na rin siya.


Binasa ko na agad ito at saktong pagbaba ko ng menu sa mesa ay may lumapit na waiter sa amin para kunin na ang order namin.


"Good Evening Ma'am!  Ano pong order nila?", tanong sa amin nung waiter.


Parang pamilyar sa akin yung boses niya kaya naman agad akong lumingon sa kanya.


"NERD??", gulat kong turo sa kanya.  


Anong ginagawa niya dito at bakit siya waiter?.


"Oh Sky! Ikaw pa la yan.", medyo gulat na sabi niya sa akin.


"Magkakilala kayo?", tanong sa akin ng Mama ko habang  nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Cloud.


"Ah kak--", sagot ko kaso lang agad namang sumingit si Cloud.


"Ahmm.Opo! Ako po si Cloud kaibigan ni Sky, ikinagagalak ko po kayong makilala.", pakilala niya sa sarili niya sabay lahad ng kanyang kanang kamay sa Mama ko.


"Hindi ko sy--", sagot ko sana kaso pinutol naman ng Mama ko.


Bakit ba hindi nila ako pinatatapos magsalita?.


"Nice meeting you too Cloud. Im Shiela Mae Diaz. Sky's Mother but you can just call me Tita", nakangiting saad ng Mama ko at tinanggap ang pakikipagkamay ni Cloud.


"Ah, ok po Tita. Anong pong order niyo uli?", tanong niya sa Mama ko.


"Ahmm. Give us 2 Fettucine Blognese and 2 Chicken Caesar Salad and a lemon juice for our drink.", sagot ng Mama ko habang nakatingin sa Menu.


"Ok Ma'am. I'll repeat your order, 2 blah, blah.", pag-ulit niya lang sa inorder na tinanguan ng Mama ko.


"Ok Ma'am. Just wait 5 mins. and your order will be served.Thank You Ma'am.", sabi niya at umalis na.


"Ikaw ah, hindi mo sinasabi sa akin may kaibigan ka na pala.", nakangiting sabi niya habang tinatanaw ang papalayong si Cloud.


"Hindi ko siya kaibigan. Siya lang ang nag-proclaim na kaibigan ko sya.", sagot ko sa kanya.


"Mukhang mabait sya ah and that's good na meron ka na ngayong kaibigan.", balewalang sagot niya sa sinabi ko.


"Ma! sinabi ko na ngang hindi ko siya kaibigan at ayokong magkaroon ng kaibigan.", pagkontra ko sa sinabi niya.


Ms. Mataray meets Mr. Nerd?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon