Taray 7

195 5 1
                                    

Cloud's Pov

"Bakit, ano bang nangyari dati? Pwede mo bang i-kwento sa akin? Ako na lang laging nagkukwento sayo eh kaya ikaw naman ngayon. Wala man lang akong alam kahit ano sayo naturingang magkaibigan tayo. Kaya sige na, mag kwento ka na. Makikinig ako sayo.", sabi ko sa kanya.


Ramdam ko may mabigat na dahilan kung bakit sya naging ganyan ngayon at gusto kong malaman kung ano iyon.


"Ui! ano na?, magkwento ka na. Dali na, wag ka ng mahiya sa akin.", sabi ko sa kanya.


Pero hindi pa rin sya nasagot kaya nilingon ko na sya at tulog na pala sya.


"Kaya pala hindi na sumagot, tinulugan na ko.", sabi ko habang nakatitig sa kanya.


Maganda rin pala siya, ngayon ko lang napansin. Atchaka mukha syang mabait pag tulog siya.


"Sana lagi ka na lang tulog para hindi mo ko tinatarayan atchaka para mukha kang anghel. Ang taray-taray mo kasi lagi eh, nagmumukha ka tuloy demonyita.", pagkausap ko sa kanya habang hinahaplos ang kanyang mga mukha.


Maya-maya biglang bumagsak yung ulo niya sa may balikat ko. 


Inayos ko naman yung ulo niya para maging komportable sya. Hanggang ngayon magkahawak pa rin kami ng kamay, para ngang ayaw ko ng bitawan yung mga kamay niya.


Maya-maya nakatulog na rin ako.


Kinabukasan


"Iho, iha! gising na jan", narinig kong sabi ng isang boses matanda.


Pagmulat ko nasilaw ako sa sikat ng araw na tumama sa mga mukha ko. Umaga na pala, ginising ko na si Sky.


"Sky gising na. Umaga na, bukas na yung pinto.", paggising ko sa kanya.


Maya-maya ay gising na rin siya.


"Ano bang ginagawa niyo dito sa rooftop ha? at mukhang inabot pa ata kayo ng umaga.", tanong nung matanda sa amin.


"Na-lock po kasi kami dito kahapon, eh wala naman pong nagbubukas ng pinto kaya po inabot na kami ng umaga dito.", sagot ko habang tumatayo na.


Tumayo na rin si Sky at kinuha na ang bag niyang nasa sahig, ganun na din ang ginawa ko.


"Ay ganun ba? Naku may sira kasi yung lock dito atchaka bibihira lang ang mga estudyanteng pumupunta dito buti na lang pala at naisipan kong umakyat dito ngayon para maglinis kung hindi baka sa lunes ko pa kayo napagbuksan.", sabi niya sa amin, siya pala yung janitor namin.


"Maraming salamat po kung ganun!", pagpapasalamat ko.


Ms. Mataray meets Mr. Nerd?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon