Taray 8

227 6 2
                                        

Sky's Pov


Mabilis na tumulin ang mga araw, halos dalawang linggo na rin kaming magkakilala ni Cloud at halos dalawang linggo niya na ring binubwisit ang buhay ko.


Papunta na ko ngayon sa may school gate namin para umuwi na at maglalakad lang ako ngayon kasi coding ako. Ayos lang, malapit lang naman ang bahay namin mula rito sa school. Aabutin lang siguro ako ng mga 15 mins. pag nilakad ko.


Nasa may labas na ko ng gate nang may tumawag sakin. 


Sino pa nga ba?


Eh di si Cloud. 


"Oh bakit nanaman?", tanong ko sa kanya pagkahinto ko sa paglalakad.


"Maglalakad ka lang?", tanong niya sa akin pagkalapit.


"Oo", sagot ko sa kanya.


"Bakit? Asan yung kotse mo?", tanong niya uli.


"Coding ako ngayon, kaya nasa bahay yung kotse ko at sisimulan ko ng maglakad ngayon kaya mauna na ko sayo.", pagpapaalam ko sa kanya at sinimulan ng maglakad.


"Sandali lang! Ihahatid na kita sa inyo.", pag-aalok niya sa akin.


Huminto naman ako sa paglalakad at nilingon siya.


"Huwag na, kaya ko naman ang sarili ko eh atchaka magkaiba naman tayo ng dadaanan.", pagtanggi ko sa alok niya.


"Ayos lang. Ihahatid na kita sa inyo, gabi na oh delikado na sa kalsada.", paggigiit niya.


"Wag na nga. Ayos lang ako.", sagot ko at tumalikod na.


"Sa akin hindi ayos yun. Paano na lang pag napahamak ka jan sa kalsada? Alam mo naman na ang panahon ngayon kahit panget pinapatulan na ng mga rapist basta may katawan, ayos na sa kanila.", sabi niya habang nakasunod sakin.


Napahinto ako at napalingon dahil sa sinabi niya. Ayos na sana eh, akala ko concern na sa akin pero humirit pa.


"So anong ibig mong sabihin? Ha?", nakataas na kilay na tanong ko sa kanya. ~.^


"Ang ibig kong sabihin ay halika na. Ihahatid na kita bago pa lumalim ang gabi.", sagot niya sa akin at hinatak na yung kamay ko para simulan na namin ang paglalakad.


Nagpatianod na lang ako sa gusto niya. Kaya naman magkasabay kaming naglalakad pauwi.


Habang naglalakad kami may nakita kaming highschool lovers at todo PDA sila.


"Tigan mo yang mga batang yan, kung makapglampungan parang kala mo sila lang ang tao sa mundo.", napapa-iling na sabi ko habang nakatingin dun sa lovers.

Ms. Mataray meets Mr. Nerd?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon