Taray 9

261 7 1
                                    

Sky's Pov

Kabababa ko lang ngayon sa aking MAGANDANG sasakyan at papunta na sa aking classroom.


"Good Morning Sky!", masayang bati sakin ni Cloud. Sino pa ba?


"Morning", walang kagana-ganang sagot ko sa kanya. Pano naman ako gaganahan kung umagang umaga pa lang siya na agad ang makikita ko di ba?.


"Mukhang kulang ka ata sa tulog Sky.", puna niya sa akin.


"Hindi. Actually mahigit 12 oras nga ang tulog ko eh, kaso lang nung nakita kita parang gusto ko uling bumalik sa kama ko at matulog maghapon.", panonopla ko sa kanya.


"Ayan ka nanaman! Ang aga-aga tinatarayan mo nanaman ako.", naka-pout nanamang sabi nia.


"Whatever", sagot ko sa kanya at binilisan na ang lakad. Agad naman syang sumunod sa akin.


As usual, ang ingay ng room pagpasok namin.


"Ui Good morning Sky at Cloud! Mukhang madalas ata kayong mgakasama ngayon ah.", sabi ni chismoso 1


"Oo nga. Kahapon lang magkasabay kayong umuwi ah, tapos ngayon magkasabay naman kaung pumasok.", segunda ni chismoso 2


"Ayyiieehhh! Baka kayo na!", gatong naman ni chismoso 3 na naging dahilan kaya yung mga klasmeyt ko nagsiingayan.


Iba na talaga ngayon ang mundo noh? Makita lang magkasabay na umuwi at pumasok, sila na agad?. 


"Magsitigil nga kayong lahat! Hindi pa magugunaw ang mundo para magkagusto ako sa kanya kaya tumigil na kayo jan!", malakas kong sabi sa kanila kaya mejo tumahimik sila.


"At ikaw, ikaw at ikaw.", isa-isang turo ko dun sa tatlong chismoso.


"Kung wala kayong magandang sasabihin pwede ba pakitikom na lang yang mga bibig niyo! Nakakadagdag lang sa polusyon eh!", mataray kong sabi sa kanila.


"Yes Ma'am!", sabay-sabay nilang sabi na may kasama pang saludo. 


Para lang silang mga tanga. Dumerecho na ko sa upuan ko at syempre nakabuntot pa rin tong nerd na to sa akin. Pagkaupo ko agad naman akong tinanong ni Aleena, remember her? ung pinsan ko.


(A/N: nasa chapter 1 po yun kung hindi niyo na natatandaan.)


"Ui! totoo ba yun, kayo na ba talaga ni Cloud?", nakangiti niyang tanong sa akin habang nagkakalikot ng kung ano sa kamay niya.


"Ano ka ba talaga? Boba o tanga? Di ba sinabi ko na kanina na hindi? Ano paulit-ulit tayo?", naiinis na sagot ko sa kanya.


"Oo na, hindi na kung hindi. Masyado kang defensive eh, tinatanung lang eh.", mejo inis na sabi niya sa akin.


Ms. Mataray meets Mr. Nerd?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon