Dedicated sayo kasi ngayon ko lang napansin nasa Reading List mo pala to. Haha Salamat ng marami. Keep on reading. ^__^
Sky's Pov
"Pierre", gulat kong sambit sa pangalan ng taong nasa harapan ko ngayon.
Makalipas ang apat na taon, hindi ko inaasahang makikita ko syang muli.
Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko sa mga oras na to at ang muling pagkabuhay ng galit sa puso ko na matagal ko ng pilit na ibinabaon sa limot.
"Ikaw nga Sky! Grabe akalain mong dito pa tayo magkikita?", masayang pahayag niya na para bang tuwang tuwa siyang makita ako.
"Oo nga eh napakaliit talaga ng mundo. Akalain mong magkikita pa tayo?", kalmadong sagot ko matapos kong makarecover sa gulat. Ngunit mukhang di ata ako nagtagumpay na itago ang panunuya sa boses ko.
"Sky galit ka pa rin ba sakin hanggang ngayon? Hindi mo pa rin ba ako napapatawad hanggang ngayon?", nananantyang tanong niya sakin.
Hindi ko alam pero parang may lungkot akong nabanaag sa mga mata niya. Pero imposible yun, malamang guni-guni ko lamang iyon.
"I've already forgive you but I will never forget what you did to me.", madiing sagot ko sa kanya.
"Alam ko mahirap kalimutan yung ginawa ko sayo pero Sky that was already 4yrs ago. Hindi ba dapat kinakalimutan na natin yun ngayon?", saad niya.
"Ha? Kalimutan? Nagpapatawa ka ba? Napakadali para sayo na sabihin yan dahil hindi ikaw ang naagrabyado, hindi ikaw ang nasaktan at higit sa lahat hindi ikaw ang nagmukhang tanga kundi ako! Tama ka nga that was already 4 yrs ago but seeing you right now feels it was just only happened yesterday?", madamdaming sambit ko at hindi ko maiwasang pagtaasan sya ng boses.
Nakita kong natigilan sya sa mga sinabi ko at ginamit ko yun na pagkakataon para makaalis na kami ni Cloud sa lugar na yun.
"Halika na Cloud."
Agad namang tumalima si Cloud at sumunod sakin.
"Hindi lang ikaw Sky ang nasaktan at nagmukhang tanga dito. Ako din kaya wag mong saluhin lahat ng sakit.", pahabol na sabi ni Pierre na nakapagpahinto sakin.
"Siguro nga. Pero sana alam mo kung sino ang mas nasaktan dito.", saad ko ng hindi lumilingon sa kanya at nagpatuloy na kami sa pag-alis ni Cloud.
Sumakay na kami sa dapat naming sakyan para makabalik sa Resort. Tahimik lang kami sa buong byahe, alam ko maraming katanungan si Cloud ngayon pero mas pinili niyang manahimik na lang muna na ipinagpapasalamat ko.
Cloud's Pov
Walang kahit isa samin ni Sky ang nagsasalita habang nasa byahe. Ayoko rin namang magtanong sa kanya ngayon kahit na napakaraming katanungan ang nasa isipan ko ngayon. Mukha ding napakalalim ng iniisip niya ngayon habang nakatanaw siya sa malayo.
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Nerd?
Chick-LitPaano kung isang araw magising ka na lang sa isang katotohan na, You are already falling in love with the person you least expected. Sa isang taong wala ng ginawa kundi ang sirain ang bawat araw mo. Sa isang taong kahit taray tarayan mo na ay nanati...
