Flashback
Sky's Pov
"Congratulation Sky!"
"Congrats. Ang galing mo talaga Sky. Idol!."
"Nice one Sky! Ikaw nanaman ang Top 1 natin sa buong 4th yr student for the 3rd Grading. Iba ka talaga!"
Ilan lamang yan sa mga bati ng mga classmate ko pagpasok ng room namin na tinugunan ko lamang ng tipid na ngiti. Kakapost lang kasi kanina sa Bulletin Board ng school ang mga masuswerteng estudyanteng nakapasok sa top 20 ng buong 4th yr students for the 3rd Grading at ako nga ang nag Top, kaya halos lahat sila binabati ako.Hindi naman sa pagmamayabang pero hindi na bago sakin ang pagbati nila dahil simula ng lumipat ako dito sa GreatLand Academy nung 1st year ako, I'm always on the Top 20.
"Congrats Bessy!", masayang bati sakin ni Natalie, ang nag-iisang bestfriend ko.
Yup! Sya ang bestfriend ko, si Natalie Castro. Ang nag-iisang taong bumasag ng pader na pinalibot ko sa sarili ko dahil noon pa man ilag na ko sa mga tao. Ayaw na ayaw kong nakikihalubiho sa mga tao dahil ayaw kong dumating ang araw na masyado akong ma-aattach sa kanila at dadating sa puntong iiwan din nila ako. Alam kong masasaktan lang ako kapag nangyari ang bagay na yun kaya hanggat maaari iniiwasan ko sila. Hindi ko alam pero yun siguro ang naging epekto sakin ng ginawa samin ng tatay ko.
Noong namulat ako sa mundo at pakiramdam ko iba ako sa mga batang nakakahalubilo ko dahil wala akong Tatay na nakagisnan, doon ako nagsimulang hanapin siya sa Mama ko. Ang sabi niya sakin nasa malayong lugar daw yung Tatay ko nagtatrabaho para sa pamilya namin. Nalungkot ako nun pero naintindihan ko dahil alam kong ginagawa niya yun para sa amin. Pero isang araw sinabi na lang sakin ni Mama na wala na daw siya, iniwan niya na kami. Hinding hindi ko malilimutan ang araw na yun dahil doon ko nakita kung gaanong sobrang umiyak at nasaktan ang Mama ko.
"Sorry Anak, sorry. Hindi ko sinasadya. Iniwan na tayo ng Tatay mo, hindi na sya babalik pa satin." , humahagulgol na saad ng Mama ko habang yakap niya ko sa mga bisig niya.
Unti unting tumulo ang luha ko hanggang sa napahikbi na ko sa kaalamang yun.Hindi na babalik ang Tatay ko kahit kailanman.
"Sana mapatawad mo ko Anak pagdating ng araw dahil sa nagawa ko.",
Hindi ko maintindihan kung bakit sinasabi sakin ni Mama yun pero hindi ko na siya magawang tanungin dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Wala akong nagawa kung hindi umiyak na lamang sa mga bisig niya.
Magmula nun nagalit na ko sa Tatay ko. Alam mo yung pakiramdam na sa araw-araw ng buhay mo ipinapanalangin mo na sana dumating yung Ama mo sa labas ng pintuan ng bahay niyo tapos yayakapin ka niya ng mahigpit at sasabihin sayo na hindi na sya aalis pa muli? Pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos lagi kang nabibigo sa pag-asang dadating sya hanggang sa isang araw natauhan ka na lang na imposible na palang mangyari yung hinihiling mo dahil matagal na niya kayong iniwan at hindi na babalik pang muli.
"Salamat Bessy. Congrats din sayo dahil ikaw ang Top 2.", masayang tugon ko sa kanya.
"Yah always in The Top 2. Laging Second lang dahil laging ikaw ang Una."
Napalingon ako dahil sa sinabi niya at may nabanaag akong lungkot at galit na dumaan sa mga mata niya na bigla rin namang nawala. Baka guni-guni ko lamang yun.
"Pero syempre ok lang yun Bessy. Sanay naman ako basta ikaw ang Top 1.", nakangiting saad niya.
Napangiti na lang din ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Nerd?
Literatura FemininaPaano kung isang araw magising ka na lang sa isang katotohan na, You are already falling in love with the person you least expected. Sa isang taong wala ng ginawa kundi ang sirain ang bawat araw mo. Sa isang taong kahit taray tarayan mo na ay nanati...