Taray 11

221 5 0
                                    

*In Cebu*

Sky's Pov

9:00am lumapag ang sinasakyan naming eroplano dito sa Cebu at dumerecho na kami sa Resort na tutuluyan namin in one week. At andito na nga kami sa Crimson Resort and Spa, Mactan. Well ano pa bang ieexpect ko sa lugar na to eh di syempre napakaganda at amoy mayaman talaga. All expense namin dito ay bayad na namin for one week.

(A/N: Huwag niyo na po akong tanungin tungkol jan sa resort na yan dahil wala talaga akong alam sa lugar na yan. Inosente po ako. Nakita ko lang yan sa web at nagandahan ako kaya yan na lang ang inilagay kong lugar dito. Ayan yung pic nung lugar sa taas. Search niyo na rin para makita niyo yung kagandahan niyan.)

Sa ngayon andito kami sa may lobby at pinagdidiskusyonan kung paano ang aming magiging arrangement sa kwarto. Ayaw kasi ng Prof namin na mag isa isa kami ng kwarto, gusto niya rin kasing makapag bonding bonding kaming mga classmate. You know 4th year na kami and maybe it will gonna be the last time na magbabonding kami so gusto niya sulitin na namin

"Ok this will gonna be your arrangement, it will be a pair in every room. Kaya kung sino man yung kabuddy niyo or yung partner niyo he or she will be also your partner in your room. Are we clear guys?", paliwanang ni Sir sa magiging arrangement ng rooms namin.

"Yes Sir!", sagot nila

So kung kapartner ko yung makakasama ko sa room it only means na makakasama ko sa iisang kwarto ay si.. si.. si CLOUD?! SI CLOUD NA NERD?! HINDI PWEDE TO!

"Sandali lang po Sir Del mundo.", pagtawag ko sa pansin ni Sir.

"Yes Ms. Diaz, do you have any problem?", tanong niya sakin

"Yes Sir! A Big Big Problem.", sagot ko.

"What is it Ms. Diaz?",nagtatakang tanong niya sakin.

"Di ba sabi niyo po yung kapartner namin sa project ang makakasama din namin sa room?", tanong ko uli. Tumango naman si Sir.

"Eh kasi po Sir ang kapartner ko pa ay si Cloud, so magsasama kami sa iisang room?", di makapaniwalang tanong ko.

" Yes Ms. Diaz, so what's the problem with that?", taka niya pa ring tanong sakin.

Yung totoo, Prof ko ba talaga to? O baka may pagka shunga din. Bakit hindi niya makita yung point ko?

"Pero Sir lalaki sya at babae ako. Bakit kami magsasama sa iisang room?, baka kung anong gawin sakin neto.", nag aalalang sabi ko with matching turo pa kay Cloud na nasa tabi ko lang.

"Ano ka ba Sky?! Ang tanong lalaki ba yan? Hahaha", malakas na sabi nung isa kong asungot  na Classmate at nakitawa din naman yung mga utak palaka na iba kong pang Classmate.

Sinamaan ko na lang lahat sila ng tingin, ayun tumahimik naman sila. Takot lang nila sakin.~_^

"Sky malaki na kayo alam niyo naman na siguro kung ano ang tama sa mali di ba? Kaya nasa inyo na yun kung may gagawin kayong kababalaghan sa loob ng kwarto niyo. Atchaka wag kang mag alala mukha namang walang gagawin sayong masama si Mr. Fontanilla, hindi ba?", nakangiting paliwanag ni Sir.

Haist. Malabo na ata ang mata ni Sir. Mukha pa lang kaya ni Cloud alam na alam ko ng hindi maganda ang dulot sakin niyan.

"Of course Sir, not until she says so.", nakangiti ring sagot ni Cloud.

"ASA KA PANG NERD KA!", naiinis na bulyaw ko sa kanya.

Kainis talaga siya! Ang kapal kapal talaga ng mukha niya. San kaya sya nakakakuha ng lakas ng loob?

Ms. Mataray meets Mr. Nerd?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon