Dedicated to you Carla Dimaguila :D Salamat sa pagbabasa neto. Natouch naman ako.Hehehe :) Enjoy Reading!
Aleena's Pov
Haist. Wag na daw balikan ang mga bagay na dapat kinakalimutan na, pero ang totoo hanggang ngayon di niya pa rin nakakalimutan ang mga bagay bagay kaya ganyan pa rin siya. Kasi kung nakalimutan niya na yun dapat hindi na siya magiging ganyan, babalik na sya dun sa dating Sky na nakilala ko.
Yung Sky na kahit medyo aloof sa tao eh marunong pa ring makisalamuha at makipag-usap sa ibang tao. Yung Sky na marunong din ngumiti at tumawa kahit sa mga simpleng bagay. At yung Sky na hindi mataray, yung Sky na laging may nakahandang ngiti para sa lahat.
Hay, naaawa talaga ako sa pinsan ko. Hanggang ngayon hinahayaan niyang patuloy syang lamunin
ng takot ng nakaraan. Kailan kaya siya makaka move on sa past?
Ay! sandali lang, bago pa ko magdrama dito magpapakilala muna ko. Si Sky kasi di man lang inintroduce ng maayos yung napakaganda niyang pinsan. Hehe
Ehem, ehem!
Im Aleena Santiago, 20 yrs of age from Davao City! At naniniwala sa kasabihang Masarap Magmahal lalo na kung mahal ka nang mahal mo kung hindi naman, ok lang yan teh! in demand ang martyr ngayon. That's all, Thank you! (",)
(A:N: Aleena hindi beauty contest to, umayos ka.)
Hehe, sabi ko nga eh. Ok serious na tayo.
Ehem! Ako nga po pala uli si Aleena Satiago, 20 yrs old at 4th yr student na sa course na Architecture. Isang babaeng ubod ng ganda, sexy at puti pero di naman masyadong mayaman at di rin katalinuhan pero maganda pa rin. Oh serious na yan ah. ^O^
Maniwala kayo sakin wag niyong kong deadmahin. May mahalaga din akong papel sa kwento na to, di ba Ms. Author?
(A/N: Pag-iisipan ko.)
Pinsan ako ni Sky sa mothers side niya at tulad nga ng sabi ko kanina galing kaming Davao. Masyado kaming malayo sa kanila noon pero nung dumating ang pinakamalaking grasya kela Sky ay hindi kami kinalimutan ni Tita Shiela na puntahan at dalhin dito sa Maynila kasama ang Nanay at kapatid kong lalaki at magkaroon ng bagong buhay. Nagbago nga talaga ang buhay namin ngayon mula sa mahirap eh ngayon nakakaahon na kami sa buhay at sa tulong yun nila Sky.
Si Sky close kami niyan dati lahat ng bagay ikinukwento niyan sakin ultimo panty niyang suot alam ko. Pero ngayon ni paborito niyang kulay hindi ko na alam. Masyado na talagang malaki ang pinagbago niya. Sana dumating na yung time na hahayaan niya naman na maging masaya na siya.
******
Ngayong araw napagdesisyunan namin na magrelax muna dito sa Resort bago gawin yung dahilan talaga ng ipinunta namin dito. At ngayon napagkasunduan nila na mag swimming sa beach, maganda kasi ang panahon atchaka di masyadong masakit sa balat yung sikat ng araw.
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Nerd?
ChickLitPaano kung isang araw magising ka na lang sa isang katotohan na, You are already falling in love with the person you least expected. Sa isang taong wala ng ginawa kundi ang sirain ang bawat araw mo. Sa isang taong kahit taray tarayan mo na ay nanati...