Dedicated to sayo kasi nalaman ko binabasa mo pala to.Hihi kakahiya, ayan nag update na ko para sayo. :)
*Out of town*
KRRIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGG!!!
(A/N: tunog po yan ng alarm clock.)
Kinapa ko agad yung alarm clock ko sa bedside table para tignan kung anong oras na.
"5am na pala, kailangan ko ng maligo at mag ayos.", humihikab na sabi ko at pinatay na rin yung alarm clock ko. Tumayo na ko saking higaan para maligo at mag ayos na. Ngayon nga pala yung Out of town project namin. Sabi ni Sir kailangan 6am pa lang daw andun na sa school at ang mahuhuli daw ay iiwan na ng bus na nag aantay sa school papuntang airport kaya naman binilisan ko na aking kilos para hindi ako mahuli.
*Sa School*
Pagdating ko dito sa school nakita ko agad yung mga classmate ko dito sa may parking area at nakapila na sa harap ng bus na sasakyan namin. Agad na kong pumunta dun ng marinig kong may sinasabi sa kanila si Prof. Del Mundo.
"Siguro naman kumpleto na kayo ngayon. Kaya pwede na kayong sumakay sa bus pero bago yun gusto ko kung sino man ang kapartner niyo sa project niyo ay sya ring magiging ka-buddy niyo magmula sa pagsakay natin sa bus na ito hanggang sa maka-uwi tayo uli dito. Maliwanag ba yun?", paliwanag ni Sir.
"Yes Sir!", sabi namin.
"Sige pwede na kayong sumakay sa bus with your buddies.", sabi ni Sir at sinimulan na nga naming umakyat sa bus.
Pag akyat ko naghanap na ko agad ng mauupuan ko at ng makahanap ako sa may bandang dulo umupo na din ako.
Maya-maya umakyat na rin si Sir Del Mundo.
"Class may kulang pa ba sa inyo? Kumpleto na ba tayong lahat?", tanong ni Sir samin.
Bigla ko tuloy naalala si Nerd. Mag kapartner nga pala kami sa project na to at kailangang kasama ko siya ngayon. Nang maalala ko yun tumayo ako at inilibot ko ang paningin ko dito sa loob ng bus para makita kung nandito na ba sya. Ngunit nakatatlong balik na ata ako ng tingin pero di ko sya makita dito sa loob ng bus.
"Sir Mr. Fontanilla is not yet here.", malakas na sabi ko kay Sir,tama lang para marinig niya.
Huwag mong sabihing hindi siya sasama? Aba! Ano sya sinuswerte? Ako lang ang maghihirap maghanap ng magandang tanawin sa Cebu para sa project namin. HINDI PWEDE YON! But in second thought mabuti na rin yun ng walang mang aasar sakin. Pero hindi pa rin pwede kailangan andito sya.
"Ok, Let's wait for Mr. Fontanilla in 15 mins. Baka nalate lang o kaya na-traffic.", sagot sakin ni Sir na tinanguan ko naman.
"Kahit kailan talaga yung Nerd na yun sakit sa ulo! Humanda talaga sya sakin kapag di sya dumating.", naiinis na bulong ko.
BINABASA MO ANG
Ms. Mataray meets Mr. Nerd?
ChickLitPaano kung isang araw magising ka na lang sa isang katotohan na, You are already falling in love with the person you least expected. Sa isang taong wala ng ginawa kundi ang sirain ang bawat araw mo. Sa isang taong kahit taray tarayan mo na ay nanati...