Taray 3

267 6 0
                                    

Taray 3

Kinabukasan


"Sky! Sky! gising na jan.", gising sa akin ng Mama ko habang niyu-yugyog ako sa mga balikat ko.


"Oh Ma, andito ka na?.", tanong ko sa kanya na papungas pungas pang bumangon sa kama. Wednesday ngayon at wala akong pasok.


"Yes Baby, actually kagabi pa ko dumating at ng pumasok ako dito sa kwarto mo ay tulog ka na kaya hindi na lang kita ginising.", sagot sa akin ng Mama ko.


"Ah, ganon po ba? Siguro po dahil sa pagod kaya nakatulog na po ko agad, hindi ko na po tuloy kayo naintay.", sabi ko habang inaayos na yung pinaghigaan ko.


"It's ok Anak. Pagkatapos mo jan ay bumaba ka na agad at ipinagluto kita ng pagkain mo.", nakangiting niyang sabi sa akin habang palabas ng kwarto ko.


"Naku! na-miss ko yang luto mo Ma.", sagot ko at sumunod na sa pagbaba niya.


"I know.", sagot naman ng Mama ko at magkaagapay na kaming bumaba papunta sa breakfast room namin.


Palapit pa lang ako sa breakfast room namin pero amoy ko na ang mga pagkaing alam ko ay ang Mama ko ang gumawa. Pagpasok ko dun nakita ko marami ng pagkaing nakahanda. Umupo na ko sa isa sa mga upuan doon.


"Ma ang dami naman nito.", sabi ko sa kanya ng maka-upo na ko.


"Hindi naman, gusto ko lang bumawi sayo kasi isang lingo kitang hindi nakasalo sa pagkain.", sabi niya sa akin habang nilalagyan na ng mga pagkain ang plato ko.


"Ayos lang naman yun Ma. Alam ko namang trabaho ang ginagawa niyo at para sa akin din yun.", nakangiting sagot ko sa kanya at sinimulan ng kumain.


"Tama ka jan Anak. Para sayo lahat ng ginagawa ko because what I only  want is the best for you.", sabi niya sa akin habang hinahaplos ngkaliwa niyang kamay ang mukha ko.


"I Know Ma.", sabi ko naman at hinawakan ang kamay niyang humahaplos sa mukha ko.


"Hay! Kumain na nga tayo.", sabi niya kaya naman pinagpatuloy na namin ang pagkain.


Siya si Shiela Mae Diaz, ang nag-iisang NANAY KO at tumayo na ring TATAY KO. Siya ang nagturo sa akin ng lahat ng bagay. Ang magsalita, maglakad, tumakbo, mangopo, magmano, magkaroon ng respeto sa matatanda, magsulat, magbasa, magluto, maglaba, maglinis ng bahay, magkaroon ng takot sa Diyos at higit sa lahat ang maging matapang sa lahat ng unos sa buhay. Siya ang lahat ng nagturo sa akin non.


Siya ang naging karamay ko sa lahat bagay. Siya ang laging nanjan sa tabi ko sa tuwing nadadapa ako at nagkakamali, Siya ang lagi kong kasama sa bawat tagumpay ko. Siya ang numero unong tagapagtanggol ko sa tuwing naaapi ako. Siya ang nag-iisang NANAY at TATAY KO. Ang taong alam kong hindi ako iiwan kahit kailan.


Sa ngayon ay pinamamahalaan niya ang Diaz Group of Company at  ilang mga business na iniwan ng mag-asawang Diaz sa amin. Kasama na jan ang Hotel and Restaurant at Architectural Firms na naglipana sa buong bansa at maging sa ibang bansa. Isa ang mga Diaz na kinikilala na pinakamayaman at pikamakapangyarihang pamilya sa Pilipinas kaya naman marami kaming kakumpitensyang ibang kompanya, pero nanatili pa ring matatag ang aming kompanya.

Ms. Mataray meets Mr. Nerd?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon