Chapter 9~ Diba E cow ay Scotish Dr. Mark Tan

89 3 0
                                    

Nagtataholan ang mga aso sa cage at nag iingay ang dalawang matsing na nakabitin sa puno ng duhat na katabi lang ng aking Veterinary Clinic. Lumabas si Champaka sa clinic na may hawak ng dustpan na may mga ipot ng aso at hawak niya ang isang ng itlog nang Python para tingnan kung sino ang nasa labas ng clinic at nagkakalasan ang mga hayop.

Paglabas ni Champaka, nakita niya ang isang matikas na lalaki na nasa 6'2 ka taas. Nangungusap ang mata nito na parang hazel brown, may mga freckles sa mukha na bagay naman ito at nakangiti ito at labas ang kagwapuhan nito sa kanyang dimples. Naka sando ito at makikita mo ang hurma ng kanyang mga muscles at naka board short ito at may hinihilang Siberian Husk na aso.

Nagsalita ito na may Scottish Accent " Oh Champ! Ang laki mo na! Do you remember me? I am Mark, ang classmate ng ate mo Jasmaine ng Elementary! I just arrived two days ago from Scotland. Is this your Clinic? Wow believe ako sayo at na fulfill mo rin ang gusto mo na maging Veterinary Medicines."

Napanganga si Champ sa nakita niyang gwapong lalaki sa kanyang harapan at napisa niya ang itlog na hawak niya sa kilig. Hindi niya akalain na ang aking classmate na si Mark na dating ugly duckling ngayon parang si Wolverine sa kakisigan at kagapuhan. Tinapon ni Champaka ang hawak niyang ipot ng mga aso sabay ng napisang itlog.

Lumapit siya kaagad kay Mark at naghug ito at inamoy amoy ang kilikili nito na parang feeling niya rebulto ito ng nagmimilagrong Santo.

Sumisigaw si Champ sa labas ng clinic at lumabas si Papang Ernesto at ako. Hindi ko napansin kung sino ang gwapong lalaki na kasama ni Champaka pero para siyang familiar ito sa akin.

" Ate Jasmaine naalala mo siya, Si Mark ang classmate mo na nakasabayan ko magpatuli diyan sa Barangay Hall. Ang gwapo na ni Mark ate, ito na siguro ang tinatawag nating Destiny. Ako na ata si Destiny Rose." wika ni Champaka habang pinipisil si Mark.

Natahimik ako dahil hindi naman ako makapagsalita dahil ang laki ng pinagbago ng kanyang mukha. Sobra silang maappeal at ang ganda ng kanyang mga ngipin habang nakangiti. Hindi ko alam kung ako ay nakikiliti or parang naiihi.

Lumapit si Mark sa akin at nag beso beso at nag mano siya kay Papang Ernesto sabay wika ito kay Champaka " Naku naalala mo pa ang tuli moments natin. I remembered that so well kasi hindi ka tinatablan ng anesthesia that time. Kaya ginawa nila tinakpan nalang ng pasador ang mouth mo because you are screaming so hard, but look at you, The screaming little Champ is now a Champion of Animals"

Sumabat si Papang Ernesto, " Hindi yan Champion ng mga hayop, Champion yan sa labahan dahil hindi yan nag-aaral ngayon dahil naghihintay nalang sila ma discover sa kanyang mga kalandian sa youtube. Gusto ata talunin si Maria Sophia Love, Siya daw si Maria Divine Mercy"

Nagtawanan kami. Ang cute ng kanyang Siberian at pangalan nito si Silver. Dinala niya kasi medyo nawawalan ng gana ang aso. Pinakita pa ni Mark ang kanyang tatoo sa tagiliran na may nakasulat na "Silver" same sa name ng kanyang pet.

Naekwento ni Mark na isa na siyang Pulmonologist dahil doon niya tinapos ang pag-aaral sa Scotland pero bumalik na siya dito for good sa Pilipinas dahil member siya ng isang International NGO na nagbibigay ng kalinga at tulong medical sa mga kapos at naghihirap.

He used to be my competition in Elementary dahil siya ang Valedictorian samantala ako ay Salutatorian lang. Pero lahat ng competition namin ay aming nalimutan ng kami ay nagkita.

Ginamot ko si Silver at ang kanyang walang gana sa pagkain ay dahil meron siyang cyst sa kanyang pantog. Kaya agad agad na inoperahan ko nalang ito at na confine muna sa amin ng dalawang linggo until it fully recovers. Pabalik pabalik si Mark sa aming clinic at minsan nagtatagpo sila ni Sir Paul kung bumisita ito.

Ayaw ko na maging felingera pero feeling mo nanliligaw silang dalawa sa akin. Pero tinanong ko si Mark why he is giving me flowers and chocolates at sumagot ito " Because I like you, I want you and I am courting you" namula ang aking ilong pati ang aking tenga at nagmukha na ako si Roger rabbit kasi di ko alam kung ano ang magiging reaction.

Si Sir Paul naman hindi ko natanong kasi parang na awkward ako sa kanilang dalawa.

Pero may feelings na rin ako sa kanilang dalawa kaya minsan kinakanta ko nalang ang song na " Mahal Ko or Mahal Ako" dahil nalilito na ang pusod ko. Yes ang pusod ko.

ALDUB: My Baka Boss (E cow na kaya?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon