Chapter 1~ E cow na talaga Dr. Banky Funky!

399 11 1
                                    

Pagkatapos ko mag graduate ng Veterinary Medicine sa UP Los Banos as Magna Cumlaude umuwi ako sa aming probinsiya sa Laoag para tuparin ang pangako naming mag-ama sa aking Ninong na nagpaaral sakin mula elementarya hangang sa Veterinary Medicine proper ko. Sa kanila ako magtatrabaho bilang assisstant veterinarian habang nag selfreview ako para sa exam to be a licensed and registered Veterinary Physician.

Malaki ang livestock industry ni Ninong Don Mariano kaya sa kanilang Bakahan ako na assign at paminsan minsan sa kanilang poultry and swine tumutulong din ako. Pag naging lisensyado na ako, ako na ang gagawing Chief Veterinarian dahil matanda na rin ang kanilang pinagkatiwalaan na si Dr. Banky Funky na nasa edad 65 na at mukha atang nagbibilang nalang ng buwan at mauuna pa ata mamatay sa isa namin alagang baboy na may swine flu.

Blessing ang unang araw ko sa pagiging assistant Veterinarian dahil nanganak ang isang baka at ako ang nagpaanak dito dahil hindi nakapag duty si Dr. Banky Funky dahil nagka Varicella (chicken pox). Kung saan pa tumanda at malapit nang kainin ng lupa duon pa siya binulutong.

Tinulungan ako ng kanilang katiwala at akin din kababata na si Lharby sa bakahan para sa panganganak ng baka. Nasipa pa nga sa kaliwang pisngi si Lharby pero ang advantage nito naging rosy cheek siya for 2 weeks dahil sa lakas ng sipa sa mukha.

Lalaki ang batang baka at pinangalanan namin ni Lharby na "Pochocho". Pina-dede kaagad ito ni Lharby gamit ang feeding bottle dahil medyo mahina pa ang kanyang mother cow at hindi pa alang ang motherly instinct nito.

Isang malaking pagkakamali ang bigyan ng pangalan ang mga hayop na ang silbi aside for the balance of ecosystem ay para sa human consumption dahil magiging parte ito ng buhay mo,magkakaruon ka ng attachment dito at masasaktan ka pag binenta or kinatay.

Nag-eenjoy ako sa trabaho lalo na pag umaga at kinakausap ko ang mga alagang baka sa farm at alam kung masaya ang mga baka dahil ganado itong kumain.

Naramdaman ko na malakas ang koneksyon ko sa mga hayop dahil parang may mga infrared at may mga bluetooth ito dahil sa lakad ko palang alam na nila na papasok na ako sa barn at maririnig ko na ang unison na chorus nila na pag "Moo" daig pa ang Philharmonic Orchestra. Ang tataas ng timbre ng boses para lang kumakanta ng Chandelier.

Ganado ako magtrabaho at mag-aral sa gabi dahil kasama ko si Lharby na katuwang ko at marami din akong natutunan sa kay Dr. Banky Funky at halos mga theory at practical learning na tinuro niya sakin lumabas sa examination.

Huwebes ng umaga, day off ko at kabubukas ko ng twitter account nakita ko ang tweet ng classmate ko na si Sage Salvaje sakin at nakatweet " @JasDoIt congrats mare! Topnotcher sa Vet exam! #PaLechonNayan " nagreply ako sa tweet niya " @Sage_salvage totoo? Hmm typhoon prank? Joke? " Hindi na siya nakapag tweet back baka nawalan ng kuryente dahil di nakapag reload sa Prepaid Kuntador ng kuryente.

Narinig ko ang malakas na kalabog ng pinto at tumatalun sa tuwa si Papang Ernesto dahil may dalang balita! Nagising ang kapatid kung si Chamomile, Chrysantemun at ang bakla naming bunso na si Champ na tinawag na Champaka dahil lahat kami pinangalan ng aming namayapang nanay na si Rosa Rosal sa bulaklak. Nahulog pa si Champaka papanaug sa hagdang dahil sa gulat at malakas na boses ni Papang Ernesto na akalain mo nanalo ng House and Lot with Macapuno Tree sa raffle ng Gatzby (siya lang ang kalbo na gumagamit ng wax sa ulo,dapat nga floorwax nalang).

"Sumabog na ata ang bahay bata ko! Tulong!" Sigaw ni Champaka dahil nahulog ito sa hagdan. "Tumigil ka sa kabaklaan mo Champ ha! Anong sumabog na bahay bata?! Ikaw ay taga punla sa bahay bata! Pantog mo ang sumabog! Daisy nueve kana at umiihi kapa sa pajama mo! Umayos ka!" bulyaw ni Papang Ernesto kay Champaka habang mabilis na umakyat ulit at nagbihis dahil napaihi ng mahulog sa hagdan.

"Ang lakas niyo naman Papang kung makapag dabug at magsisigaw! Akala ko bumagsak si Thor at Hulk sa bahay" sabi ng nakatatandang kapatid namin na si Chamomile.

"Chamomile,Chrysantemum at Champaka hali kayo tingnan niyo ang newspaper nakapasa ang ate niyo sa Exam!Narinig ko pa kanina sa radio na topnotcher pa siya!" Rosa Rosal (tumingin sa litrato ni Mamang at tumingin paitaas) Doctor na ang anak mo! Salamat sa Diyos! Alam ko tuwang tuwa ka diyan!,Ito may dala akong kwintas ng sampaguita, isa para sayo at isa para sa Mahal na Inang Maria!" mangiyak ngiyak na pagkasabi ni Papang na puno nang tuwa at galak sa balita. Nilagay ang sampaguita sa larawan ni Mamang at ng Birhen Maria sa altar. "Salamat talaga sa Diyos dahil dininig niya ang mga dasal natin! (Binasa ang newspaper at hindi namin nakita ang pangalan na Jasmaine Natividad sa listahan,at nagtaka kami) Papang, Bakit wala dito pangalan ni Jasmaine? (nagtinginan kaming magkakapatid at medyo nangamba)" sabi ni Chrysanthemun (2nd to the last sa magkakapatid).

"Hay naku ito pala, naibalot ko sa dala kung Okoy dahil walang dalang pambalot na plastic ang nagtitindang si Juanita kaya newspaper pinambalot ko,ito mainit-init pa yan ang okoy hati-hati kayo,nasa gitna ang pangalan ni Jasmaine!" dagdag ni Papang habang iniabot ang newspaper na pinambalot niya ng Okoy. Tumambad sa amin ang katotohanan na nakapasa talaga ako at sa likod na parte ng newspaper nakalagay ang top 10 at rank 1 ako sa nag exam out of 3,500 takers at 800 lang kami pinalad makapasa.

Nalaman ni Ninong Don Mariano na nakapasa ako at pina lechon niya ang dalawang baboy para sakin bilang regalo. Hindi na siya nakapunta sa aming munting selebrasyon dahil dala ng katandaan dahil nasa 85 na ito. Pero nagpaabot ito ng liham at pinadala sa kababata kung si Lharby na may dala ding maraming bulaklak na Jasmaine na hiningi niya sa orchard nila ni Ninong Don Mariano kung saan ang mama at papa niya ang tagapangalaga nito.

Binisita din ako ni Dr. Banky Funky na naging mentor ko sa 4 na buwan sa Barn. Napaiyak pa nga ako sa kanyang sinasabi sa akin habang pinapapak niya ang parteng buntot ng lechon na tila may pinapahiwatig at tagubilin.

" Iha mahalin mo ang mga inaalagaan mong mga hayop. Hayop man silang ituring pero may damdamin din silang natatakot, tensionado at nalulungkot at na stress din. Bahagi sila ng ating buhay at bawat paghinga natin at paglalakbay ang mga alagang ito ay may naiambag sa ating physical na pangangailan. Hayop man kung tawagin pero minsan tayo na tao ang mas hayop ang ugali. Sila hindi nagrereklamo at kusang sinasakripisyo ang buhay para tayong mga tao ay madugtungan ang subalit pero tayong mga tao ang daming daing,pag-iimbot at reklamo. Kausapin mo ang mga alaga mo araw araw, naririnig ka nila at makakatulong ito sa kanila"

Hindi ko mawari ang sinabi ni Dr. Banky Fanky kaya niyakap ko siya ng mahigpit. Nagulat ako habang nakadikit dibdib ko sa katawan niya parang may pumipintig at pumipitik akala ko tibok ng puso niya nararamdaman ko yun pala nag vibrate ang cellphone niya at may kausap sa WeChat.

Pinakita niya ni Dr. Banky Fanky ang picture ng kanyang ka chat sa WeChat at una kinalibutan ako pati si Lharby na katabi ko dahil si Lelia Cuntapay pala ang ka WeChat ni Dr. Banky Funky. "Akala ko naman Doctor sundo mo na yan! Girlfriend mo ba ay isang scheduler?" Tanong ni Lharby kay Dr. Bangky Funky. " Hindi siya scheduler, isa siyang Kristo!" sagot ni Dr. Banky Funky. "Kristo??? Babae yan pano naging Kristo? Death Angel Siguro!!" sabay napagkasabi namin ni Lharby.

"Why you gotta be so rude? don't you know she's human too! I'm gonna marry her anyway! Natural ako ay beterenaryo maghahanap ako ng compatible and a human who will complement me! Si Lelia ay Kristo sa derby ng mga manok kaya perfect match kami kahit mag FLAMES kapa ang labas Marriage" paliwanag ni Dr. Hanky Funky na nakatawa parin kahit di maganda ang pagkasabi namin ni Lharby dahil iba ang pagkaintindi namin sa salitang "Kristo" .

Masaya ang buong gabi ng aking celebration at panay videoke pa namin at last song pa ni Dr. Bankey Funky as we all thought "My Way" ang kakantahin pero hindi pala. Kinanta niya ang "Remember me this way" na soundtrack ng Casper the movie. Pang Star on 45 lang ang peg ni Dr. Banky Funky.

Inihatid siya pauwi ni Lharby sa Barn si Dr. Banky Funky dahil may pinagawan siya ng room dun. Sabi pa daw niya kay Lharby na magdamayan kami at magtulungan at magtiwala sa isat isa.

ALDUB: My Baka Boss (E cow na kaya?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon