Chapter 6 ~ E cow Sir Paul ang sama-sama mo!

99 6 0
                                    

Naging Out Patient case si Rozel, nilapatan lang anti-histamine via Intramuscular Injection at nilagyan lang ng ointment ang mga site na may pantal at na stung ng bee,binigyan ng pain reliever and after 4 hours of staying in the hospital pinag discharge din.

Pag-uwi nila ni sa mansion nag freak out parin si Rozel at tinawag si Rufo para putulin ang punong mangga. "You can't do that madam! If you cut that tree and removed the root canal of that 200 years old manggo tree, the whole Laoag will disappear in the map because the root canal of the tree is creeping all over the city." mala pinay henyo na paliwanag ni Rapunzel.

" You are sick Brenda! May Brain damage ka! If you can't do it let me cut it! Hand me the axe hurry up!" Pagsisigaw at pagwawala ni Rozel habang patungo ito sa kalalagyan ng punong manga. Tahimik lang nagmamasid si Ninong Don Mariano at nanlulumo sa ugali na pinapakita ng fiancee ni Paul.

Kinuha ni Rufo ang Axe at binigay naman ito kay Rozel at paghawak palang nito at waring bubuhatin muntik na ito matumba at medyo nag jerk pa ang joints sa kanyang kanang shoulder. "Paul will you cut that freaking tree for me! I think it is infested by bad spirits that's why I sustained all these skin ailment!" Utos ni Rozel kay Sir Paul. Pero tumatakbo si Lharby patungo sa kanila dahil sumisenyas si Ninong Don Mariano na abot tanaw sa mansion na pigilan si Sir Paul. "Sir Paul, huwag po ninyong putulin yan! Mahalaga po sa alaala ng pamilya niyo ang punong yan po!" pakiusap ni Lharby. " Sino kaba? One scratch one beak (Isang kahig, isang tuka) Huwag ka makinig diyan babe putulin mo na yan! Don't you dare giving a command to your king hampaslupa! Hurry up! Cut it!" Bulyaw ni Rozel kay Lharby.

Mabilis na lumapit si Sir Paul sa punong mangga at malakas na hinataw ng palakul ang trunk ng mangga. Naitulak ni Lharby ng bahagya si Sir Paul. Nagulat si Sir Paul sa nagawa ni Lharby at sinuntok ito at natumba. Hindi pa nakuntento si Sir Paul at sinipa-sipa niya pa ito. Tumakbo kami ni Clark para awatin si Sir Paul. Hinila ko ang damit ni Sir Paul at napunit ko ito at natigilan siya sa nagawa ko. "Grabe naman kayo makapanakit ng kapwa niyo! Kung ano ka bait ng lolo mo ganun ka naman ka salbahi at delinquente! Hindi lang buhay ng punong yan ang papatayin mo pati ang buhay ng kaibigan ko! Palibhasa kasi wala kang alam sa hirap at lahat easy going lang sayo!" umiiyak at galit na panunumbat ko sa masamang ginawa ni Sir Paul kay Lharby. Nilapit ni Sir Paul ang sarili sakin at kinuha ang kamay ko ng marahas at pinahawak sa mukha niya para sampalin ako at tuluyan kung punitin ang damit niya at matapang na nagsalita habang namumulala at nanlilisik ang mga mata "Yan ang gusto mo,sige sampalin mo ako at punitin mo na ang damit ko para makaganti! Don't you ever tell me how harsh life is coz you never had an idea what i've been through".

Hinugot ang palakol na nakakapit pa sa punong mangga at tinapon sa kanyang harapan at hinawakan sa braso si Rozel na medyo pumipiglas dahil nasasaktan sa pagkahawak ni Sir Paul at lumakad pabalik ng mansion.

Kumaripas ng takbo si Twinkle papunta sa amin at sinabihan pa nito ang kapatid na Sir Paul " Walang hiya ka talaga Kuya! I hate you and I hate you bitch!". Hindi na sumagot si Sir Paul pero si Rozel sinigawan din si Twinkle na "Loser".

Niyakap ni Twinkle si Lharby at humihingi ng despinsa pero medyo dumistansya si Lharby at sabi ni Clark "Hayaan mo muna kami Madam" umiyak si Twinkle at di makapaniwala na binugbog ng kanyang kuya si Lharby. Bumalik si Twinkle sa mansion na masakit ang loob sa nangyari.

Dinala namin si Lharby sa kwarto ni Clark at nilagyan ng yelo ang pisngi at bibig nitong pumutok. Umiiyak ang nanay at tatay nito sa sinapit ng anak. "Nay,Tay okay lang ako! Patawad po at napasali ako sa gulo!" pangungusap ni Lharby sa magulang. "Wala kang kasalanan anak, mas pinahanga mo nga kami sa katapangan mo dahil hindi ka nanlaban anak! Ginawa mo lang ang tama anak at patawad nasaktan ka ng husto. Susugurin ko mamaya ang apo ni Don Mariano para kausapin kahit ikawalan pa natin ng trabaho, di tayo pababayaan ng Diyos!" sabi ng tatay ni Lharby.

"Huwag na Domeng! Hayaan mo na,ang Diyos na bahala dun,mas masakit sa akin bilang ina at parang tinutusok ng punyal ang aking puso na makita ko ang ating anak na sinisipa at hindi nanlalaban. Ipagdasal nalang natin ito at tingnan nalang natin kung gaano kabuti ni Don Mariano sa atin" umiiyak na sabi ng nanay ni Lharby.

Bigla kaming may narinig na katok sa pintuan at binuksan ito ni Clark at si Ninong Don Mariano ang nasa labas ng pintuan. Pinapasok namin si Ninong Don Mariano at pinaupo ito malapit sa higaan ni Lharby at nagsimula itong mangusap. "Pumunta ako dito hindi para ihingi ng tawad ang apo ako, ako mismo ang hiyang hiya sa nagawa ni Paul sa iyo Lharby at sainyo Domeng at Estreng. Patawarin ninyo ako dahil hindi ko na gabayan ang batang yan. Kung gusto ninyong maghabla laban sa kanya hindi ako magagalit sa inyo dahil kailanman ang katarungan ay dapat maibigay sainyo. Hindi ko maaring kunsintihin ang ginagawa niya kahit pinakamamahal ko itong apo. Dahil ako man sa katayuan ng magulang mo iho gagawin ko ang para sa aking anak na karapatan"

"Don Mariano, wala po ito. Naintindihan ko po ang galit ni Sir Paul at para yun sa kanyang fiancee. Huwag po kayong mag-alala. Itutulog ko lang at ipahinga bukas okay na po ako" mahinahon na pagkasabi ni Lharby kay Ninong Don Mariano habang nilapitan si Lharby at hinawakan ang kamay nito at pinisil ito at nagpapasalamat sa pagiging selfless nito sa kabila ng ginawa ng kanyang apo.


ALDUB: My Baka Boss (E cow na kaya?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon