Chapter 13~ E cow Ang First Romance & I'm Willing to Take A Chance

72 4 0
                                    

" From now on do not call me Sir Paul, because I am yours" nakangising wika ni Sir Paul ay Paul pala, hay naku totoo ba na status ko na ito in relationship?

" So I'm yours ang tawag ko sayo? Kasi you are MaINE, ganun? " sagot ko sa kanya. Hindi ko ma process sa utak ko kung ano ang gagawin ko or sasabihin dahil this is an instant love affair. Para sa kanya ang tamang panahon ay ang pagkakataon daw na kaya mo panindigan ang pag-ibig at isabuhay ito sa bawat araw at kayang su-ungin ang lahat ng balakid at hamon.

"You know what Jasmaine, I really believe in courtship but I feel that it will be unfair to have a long courtship and we will have a short relationship because we just found out our differences and we can't sustain it then you have to give it up, I hope you understand what I mean" sabi ni Paul.

Natural nag Yes nalang ako. Choosy pa ba ako, pero of course I am still a woman at gusto ko rin pinaghirapan ang pagmamahal ko pero naiisip ko din na baka sa pag stick ko sa ideal baka mawala pa ang real na nasa harap ko na. There are many fishes nga in the ocean baka maubusan ako ng Tuna at Blue Marlins at matira sa akin Sea Horse at Sea Urchin.

He call me "MINE" and I call him "AMYOURS. This is our term of endearment. Ayaw na namin ng pa sweet2x na mga terms like cupcakes, muffins, cheesecake and pandelove kasi di naman kami bakery at hindi naman kami parating gutom na puros pastries pinapangalan namin sa aming sarili.

Pinaharurot ni Paul ang tricycle ulit. Nagulat naman ako dahil sinagot ko naman siya para maging boyfriend bakit ganun parin.

Nagsabi siya " This is a surprise to you MINE, just hold still and we will get there... Tingnan mo MINE ang mga petals na nahuhulog sa tricycle at paikoikot sa daan dahil sumasabay sa sayaw ng hangin. We are making this plain road into a path of love. The petals are us, we are sharing our love in this road and the the whole world. Up, up here we go, go, go"

Ayayay at naging poet pa at rapper pa ang boyfriend ko. May pagka Edgar Allan Poe ito at nag rap pa na parang si Eminem. Gisingin niyo ako please, may boyfriend ba talaga ako? I can't imagine having an affair with this ultra gwapo na lalaki na nagdadrive ng tricycle nato.

Pumasok kami sa isang parang arc na puno ng mapuputing Jasmine na bulaklak
at sa dulo tanaw ko ang fishpond na meron parang floating na parang kubo na may mga decorations of flowers na roses na red,white, blue and green.

Naghanap lang si Paul ng pag park ng tricycle at huminto. Binuhat niya ako palabas ng tricycle. Nakita ko si Ninong Don Mariano lumalakad na hilahila ang Bakang si Pochocho at pinintahan nila ang balat nito na " I Love You Jasmine, AMYOURS"  at napasabi ako sa sarili ko ng " Ay wow nakaplano na pala lahat ito"

Nakipagsabwatan pa si Ninong Don Mariano sa gimmick ng kanyang apo. Nag mano ako kay Ninong Don Mariano. Ngumiti ito at nagsabi " You have my blessings Iha, Oh well my Baby Boy Paul, mauna na ako at pupunta pa ako kay Monsignor dahil may kasalang bayan sa simbahan at ang ating angkan ang sponsor. Enjoy the ride mga apo, alagaan mo yan si Jasmine at iuwi mo yan mamaya sa Papang niya"

Umalis si Ninong Don Mariano at kami nalang naiwan sa kanilang malapad na fishpond kasama ang dalawang kasambahay para mag assist daw sa first date namin. Hay naku sana nakapag outfit manlang ako na gawan ni Rene Salud or Rajo Laurel pero ito ito nagmukha akong kamoteng kahoy sa mga nilagay na tangkay sa ulo ko.

Tinulungan ako tanggalin ng isang kasambahay ang mga tangkay sa ulo ko. At afternoon binigyan nila ako ng parang rob kasi medyo malamig sa lugar. Nag curl yung buhok ko na parang wire ng telephone.

Napangiti si Paul at nagsabi " You are not just beautiful, you are are super beautiful"

ALDUB: My Baka Boss (E cow na kaya?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon