Chapter 4~ E cow Champaka at ang black palabok!

114 7 0
                                    

Maganda ang aking gising dahil huwebes na naman at day-off ko. Pumunta kami ng kapatid ko na si Champaka, Chrysanthemum at Chamomile kasama si Papang Ernesto para mag ukay-ukay sa bayan. Unang sweldo ko ngayon at dapat ililibre ko ang aking kapatid at si Papang sa bulaluan sa bayan. Day off din ni Chamomile at walang pasok din sina Chrysanthemum at Champaka dahil holiday. It's February 7 at Pamulinawen Festival.

(The Pamulinawen Festival is the annual fiesta of Laoag City, Ilocos Norte. Held on the 10th of February, the fiesta honors St. William the Hermit, the patron saint of Laoag, whom residents believe intercedes to save Laoag from calamities.)

May mga kalesa festival sa bayan at mga float na may mga palamuting bawang. Kaya takot lang ang mga aswang gumala pag makikita nila ang toneladang bawang sa parada.

Namili kami ng mga ukay-ukay sa tindahan ng kanyang kumpareng si Mamerto at sinuwerte si Papang Ernesto dahil yung short na gusto niyang bilhin may nahipo siya sa bulsa na isang singsing. Alam na alam ni Ate Chamomile na ginto ito at may batong diamante na tampok dahil nagtatrabaho ito sa Cebuana Lhuillier. Kaya sinuri ito at nagsabing " Nasa 65,000 ang halaga nito! Ang swerte nga naman! Dalhin na nating Papang sa Cebuana Lhuillier at ng ma damang dama ang perang padala ng langit"

Suminyas si Papang ng tahimik sa amin dahil baka marinig ng may-ari ng ukay at kunin pa ang singsing. Nagsabi nalang si Papang na babalik kami mamaya sa ukay at kakain muna dahil nagugutum siya. "Balik kayo Pare ha? Bagong bukas ang mga paninda ko at may mga branded ako na mga blouse at mga tshirts para sa mga dalaga mo at dyan sa feeling dalaga mo na anak (tinuro si Champaka) sabi ng kumpare nitong si Mamerto.

"Kung maka feeling naman ito si Kuya di niya alam anak niyang si Alsemo nagiging si Natalie Embalso sa comedy bar diyan sa Gabi ng Lagim KTV Bar" sagot ni Champaka habang hawak hawak ang skinny jeans na binili at kinapkapan ang bulsa at baka swertehin din at may madudukot na biyaya dahil bumubukol ang bandang bulsa ng nabili. Sumigaw ito ng malakas at nataranta dahil na kapa niya ay isang maliit na tuko sa bulsa at kinagat pa ang hintuturo niya.

Kinuha ni Chamomile ang tuko at pinakawalan dahil kagaya ko mahilig sa mga hayop si Chrysanthemum at nag-aaral ng BS Biology. Namutla si Champaka at nanginginig sa takot dahil may phobia ito sa mga reptiles at amphibians except sa ahas, ahas ni Zuma.

Dumiretso kami sa Cebuana Lhuillier at pinatingnan namin sa Boss ni Ate Chamomile at ang appraissal nito ay 82,210 pesos.Ate "Pano senyor,yun na pinakamataas na appraisal ko, laban or bawi?" Tiningnan kami ni Papang isat isa at nag hand gesture kami na laban samantalang si Champaka na nakayakap sa larawan ni Ogie Alcasid sumisenyas ng laban ang kanan na kaman at nanghihingi sa kaliwa ng pera. Kaya tinanggap na ito ni Papang.

"Malaking tulong to mga anak sa ating! Babayaran ko na ng buo ang kulang natin na 25 thousand sa lupa na kinatitirikan ng bahay at makukuha na natin ang titulo. Maglalaan din ako ng para sayo ng 30 thousand para lagyan ng maliit na Animal Clinic sa gilid ng bahay para maliban sa work mo sa kay Ninong mo Don Mariano ma practice mo din ang profession mo sa ating pamayanan at makakatulong sa mga alaga ng kapwa. Yun ang gusto ng Mamang mo at dapat tuparin ko pangarap niya" mangiyak ngiyak na pagkasabi ng Papang Ernesto at nagyakapan kami.

"How about sakin Papang? Dapat mag pa braces ako dahil ako nalang sa batch namin ang walang braces!" pagmamaktol ni Champaka. "Anong braces! Ang arte mo, beam toothpaste solve na ngipin mo! Dapat sayo Champ braces sa leeg gaya ni GMA dahil baka magka osteoporosis ka sa kakaikot ng ulo mo pag may nakikita kang mga gwapo!" hirit ni Chrysanthemum!

"Tumigil ka nga Madre Cacao! If I know parati kita nakikita nakatunganga sa bintana at nakatingin sa poste para tingnan ang mga binatang trisekel driver na nakaparada at umiihi dun!" Pagtataray ni Champaka kay Chamomile. "Bakit mo alam baklet ka!?" balisang tanong ni Chamomile. "Natural Ate, Kalandian runs in our royal blood! Ganun din ginagawa ko pag umalis ka! Bongga lang may shifting tayo sa sightseeing!" tuwang tuwang paliwanag ni Champaka at nag appear pa silang dalawa ni Chamomile.

" Ang babastos niyo! Mamaya dadalhin ko kayo kay Padre Porras para ma exorcist sa mga kalandian niyo! Ipangumpisal niyo yan! Tamang tama bibili din ako sa hardware at isasara ang bintana na yan para gawing altar at maalis ang pagkakasala sa bintana!" galit na sumbat ng Papang sa pagbubukingan ng dalawa kung kapatid.

Instead na ako manglibre sa pamilya ko pinakain kami ni Papang dahil sa biyayang natanggap namin. Nagpasalamat siya dahil kung hindi raw siya sumama kanina malamang sa ibang tao na padpad ang biyayang ito. "Mga anak hulog talaga kayo ng langit sa akin, mahal na mahal ko kayo!" nagsintesintehan naman ulit si Papang.

Busog na busog talaga kami lalong lalo na sa paborito kung black palabok na gawa sa tinta ng pusit. Pati na din si Champ.

Hindi na kami bumalik sa Ukay-Ukay at nag-asal mayaman kami muna kahit dalawang oras lang at pumunta sa isang department store para mamili ng mga damit at sapatos. Hindi naman masyadong mahal yun mga pinili naming magkakapatid dahil inisip namin na dapat magtipid at hindi puede na "One day millionaire,whole year suffer".

Paglabas namin sa Department Store nagulat ako na may sumisigaw sa aking pangalan. Feeling ko tuloy kalalabas ko sa Mansyon ni Lola Nidora at may nakakilala na sakin. Yun pala si Lharby at Clark nasa multicab. Lumabas si Clark  at lumapit sa akin at mukhang rescue 911 ang mukha sa panic. Bago ito magsalita pumagitna si Champaka at nagpakilala "Hello my name is ____" di pa siya nakatapos magsalita sumagot na si Clark " Ursula, I know" at tinabig si Champaka at nagsalita ulit si Clark " Mawalang galang na po sainyo (tumingin kay Papang at dalawa ko pang kapatid maliban kay Champ) Kailangan po ni Don Mariano si Dra. Natividad dahil kinagat ng doberman ang apo niyang bagong dating galing Australia"

Tumingin ako kay Papang at ngumiti ito na medyo matamlay "Puntahan mo na anak,umuwi ka nalang mamaya pagkatapos" Hinawakan ng Papang ang ulo ko na parang bini-bless niya ako at ang mga kapatid ko naman na si Chrysanthemum at Chamomile ay niyakap ko at nag pabebe wave ng kamay kay Lharby dahil kaibigan nila ito at crush na crush din nila. "Paalam Ariel! Ursula will haunt you" wika ni Champ kay Clark. Tapos bumaling ang tingin sa ama at nagsabi "Papang ang vital stat ko ay 42,25,35 bakit tinawag niya akong Ursula".

" Mag toothbrush ka!" At natumbok niya ang ibig sabihin ni Papang dahil sa kinain naming black palabok at dumikit ang tinta ng pusit sa kanyang ngipin.

ALDUB: My Baka Boss (E cow na kaya?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon