Chapter 15~ Si Paul Ay Hindi Coward

63 5 0
                                    

Itinaas na ng Pag-asa ang signal no. 3 sa aming bayan. At malakas ang buhos ng ulan at ang hangin grabe ang bagsik. Natumba na ang poste sa aming harapan at medyo pumapasok na ang tubig sa aming bakuran at papasok sa aming clinic. Si Papang at Champaka naglagay ng sandbag sa harap ng clinic para hindi mapasok ng tubig.

Ang mga alaga naming Python nilagay na muna namin sa itaas ng 2nd floor ng bahay at tinago sa cabinet ni Camomile para hindi mawala. Yung alaga naman naming mga aso, love birds at unggoy inakyat narin.

Hindi lang namin namalayan na mga dalawang oras inabot na ang aming unang papag ang tubig at paakyat ito sa second floor ng bahay. Nagpakawala kasi ng tubig ang dam kaya tumaas ang tubig. Naririnig ko na sa labas na sumisigaw ang mga taga barangay sa megaphone na pinalilikas na lahat ng tao.

Ayaw iwanan ni Papang Ernesto ang bahay kaya hindi din kami umalis. Wala nang kuryente at wala din signal ang mga cellphone. Iniisip ko kung nag-alala kaya si Paul sa akin.

Sinubukan ko bumaba sa hagdan pero hindi na ako makababa kasi puno na ng tubig ang buong ground floor namin. Lumapit ako kay Papang at natatakot na ako sa aming buhay. Kami nalang ata ang naiwan sa aming Baranggay.

Nagdadasal sina Camomile, Chrysanthemum at Champaka ng Rosary at pinagdadasal ang kaligtasan namin. Sabi ni Papang Ernesto " Naku mga anak, baka sa kabilang buhay na tayo magkita nito. Tandaan niyo mukha ko dun sa langit ha baka hindi niyo ako makilala doon"

Ano ba itong si Papang napaka morbid naman ng kanyang salita. Mga patay patay at langit na pinagsasabi. Ganito ba talaga? the family that stays in flood together will die together. Oh my cow hindi to puede, can't be, borrow one from three!

"Ate Jasmaine nasaan na ba ang boyfriend mo? Di niya ba alam na palubog na tayo dito?" Sabi ni Camomile

"Pano niya malalaman na palunod na tayo dahil wala ngang signal dito. At baka takot din yun. Hay naku Ate pag oras ng peligro hindi na maasahan kahit nobyo" Susog ni Chrysanthemum.

Napabuntong hininga nalang ako. Nagpikit ng aking mata at napadasal ng "Our Lady of Mercy, Pray for us" napatulo ang aking luha. Bago pa pumatak ang luha ko sa sahig narinig ko ang ingay ng "wang wang" at papalapit ng papalapit ito sa amin.

Sumisigaw si Champaka ng "It's Paul, It is Paul! God is good! Paul andito kami save us!"

Nakadungaw kami sa bintana. At palapit na si Paul sa amin kasama si Lharby at si Rufo lulan ang malaking speedboat. Hinihagis nila ang limang lifevest sa amin hambang naka stop ang speedboat sa gilid ng bahay na kaharap ng bintana. Hinagis nila ang tali at tinali ito ni Papang sa isang haligi ng bahay para makababa kami. Umakyat si Lharby sa bintana sa pamamagitan ng lubid para tumulong sa pagpapababa samin.

Kinuha namin ang Python sa Cabinet at lahat ng hayop at pinababa para maisama sa paglikas. Tapos sunod-sunod na kami bumaba gamit ang lubid at huling bumaba si Papang. Ayaw pa sana umalis dahil maraming ala-ala sa bahay pero alam niya na ilang oras nalang buong lugar ay lulubog na.

Nagyakapan kami ni Paul at nag-iyakan dahil akala niya hindi niya na kami madadatnan pa. Kasi pinuntahan niya ang evacuation center ang pamilya nalang namin ang hindi nakatala doon.

Ang tapang ng aking Boyfriend sinuong niya ang malakas na ragasa ng tubig para sagipin ang aming buhay.

Mga dalawang minuto lang na pag-alis namin nawala na sa aming paningin ang aming bahay at tuluyan itong natabunan ng malakas na rumaragasang tubig na may kasamang mga malalaking troso. Mabilis ang patakbo ni Paul. Di ko pala aman na isa siyang Public Safety Officer sa Australia maliban sa pagiging Naval Architect.

Mabilis na nilisan namin ang aming lugar. Niyakap kami buo ni Papang at hinahawakan ang aming mga ulo na huwag nang lumingon habang doon ko nakita ang kanyang luha ng kahinaan at puso ng katatagan.

Lumapit ako kay Paul at nagpasalamat sa pagsagip sa aming buhay. Sinabi ni Paul " You know what JasMaINE,I will do everything for you, my life for you I will give because of you I will live... I will continue to love you like I will never stop"

Humagulgul ako sa yakap sa aking boyfriend habang basang basa kami sa bagyo at minamaniho niya ang speedboat pabalik sa pinaligtas na lugar. 

ALDUB: My Baka Boss (E cow na kaya?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon