Chapter 2~ Bff ko Lharby! Hoy, E cow Rapunzel may pagnanasa kay Clark!

259 10 0
                                    

       Nabalitaan nalang namin kinaumagahan na namatay si Dr. Banky Funky habang nagdarasal sa harap ng altar dahil nakita nila na nakahiga ito sa sahig habang nakasindi ang ilaw at hawak nito ang Rosaryo.

        Wala nang pamilya si Dr. Banky Funky dahil lahat ng kapamilya niya nawala at pinagtorture sa panahon ng martial law at tangi siya lamang ang pinalad na nabuhay dahil kay Ninong Don Mariano siya tumira sa mahigip na apat na dekada.

        Alam mo talaga ang tao kung mabait at malapit sa hayop dahil nang akmang ihuhulog na sa hukay ang kabaong ni Dr. Bangky Funky may dumapo na tatlong maya sa kanya kabaong at tila nagpapaalam ito at mabilis din lumipad paitaas at paikot ikot ito sg ilang beses hangan sa nawala sa paningin.

        Ibigay namin ang alagang lovebirds ni Dr. Banky Funky sa kanyang WeChat girlfriend na si Lelia kahit sa ganun paraan maalala niya ang kanyang kasintahan. 

         Sumunod na araw nadama ko ang labis na kalungkutan sa barn dahil hindi ko na maririnig ang malakas na boses ni Dr. Banky Funky,ang kanyang nakakatawang paggalaw at higit sa lahat ang kanyang mga turo sa akin sa aking Propesyon ganun din sa mga aral sa buhay.

        Hindi naman ako binigo ni Lharby pasayahin at patawanin habang nagtatrabaho sa Barn. Araw araw dinadalhan niya ako ng jasmine na bulaklak at napupuno na ata ang aming altar sa mga dala niyang bulaklak. There are times na nagdadala siya ng guitara sa barn para magkantahan kami pag hindi masyado hectic sa trabaho.

        After two weeks may dumating na magiging assistant ko na mag on the job training. Siya si Clark, at Fourth Year sa Veterinary Medicine from Central Bicol State University. Gwapo siya, malinis ang mukha at hindi oily skin at feeling ko Jazz Dishwashing gel ang ginagamit niyang facial soap dahil hindi masebo ang mukha nito. Parang balidoso ito pero may pagkapresko ito. Dito siya nag OJT dahil kasamahan ng Daddy niya sa Rotary Club ang Ninong Don Mariano and kilala talaga ang industry ni Ninong sa buong Luzon when it comes to poulty, swine and cattle industry.

         Unang day palang pagkatapos pinakilala ni Ninong Don Mariano, sinabak na namin ito sa trabaho.Medyo ayaw pa nito magpaturo kung ano ang gagawin dahil top of their class daw ito. Running for Suma Cumlaude siya at naliliitan siya na ang kaharap niya Magna Cumlaude at Topnotcher lang naman sa exam. At para ma subukan nga namin kung saan ang galing nito, dinala siya namin sa isang baka na limang araw na hindi dumudumi. Binigyan lang siya ni Lharby ng sterile na gwantis na manipis at maikli ang sleeve at nilagyan ng lubricant. Sabi ko sa kanya ipasok niya ang kanyang buong kamay sa anus (puwit) ng baka at tanggalin ang matigas na mga ipot nito. " Diinan mo pa!,ipasok mo buong kamay mo dahan-dahan at kapain mo ang loob nito at pakiramdaman mo kung may nakabarang matigas na fecal matter" Instruction ko kay Clark. "Medyo mainit po sa loob madam,wala akong makapa madam!" Sagot ni Clark na maasim ang mukha at diring diri sa nagawa at pawisan.

        "Natural mainit yan sa loob at hindi naman yan refrigerator ang pinasukan ng kamay mo! (nilapitan ko si Clark at tinulungan ko na e-push ang arm niya at ipasok sa anus ng baka,at parang may resistance pa siya pero wala siyang nagawa dahil malakas ang pagtulak ng kamay ko para maipasok niya ang kanyang braso hangang siko sa puwitan ng baka habang tinutulak din siya ni Lharby sa kanyang likuran) Hayan halukayin mo lahat ng makapa mo diyan, at hagurin mo palabas,medyo mag-ingat sa paghagod palabas at baka buong bituka madala mo!" Malakas na command ko kay Clark. Mabilis niyang hinagod palabas ang kamay niya at maraming lumabas na dumi ng baka at nagulat lang kami na may hawak na ballpen si Clark at nasusuka ito sa baho at sa pinagawa namin sa kanya. "Saan galing ang ballpen na yan?" tanong ni Lharby na natatawa sa nangyari kay Clark. " Sa loob po ng bakang yan! " (nasuka at hinimatay). Napasubsub si Clark sa likuran ng baka at bigla itong nagpalabas ng dumi na parang volcanic eruption at naligo sa dumi ng baka na si Clark. Ang dating namumutla, na hinimatay at nagkakulay berde na parang mapagkamalan mo siyang malaking blue green algae o sa simpleng salita lumot.

"Well akala ko running for Suma Cumlaude ito, Suma langit ata ang espiritu nito sa baka palang!" natatawa kung sabi.

        Tinulungan kami ng mga trabahante sa Barn at nilagay si Clark sa stretcher at dinala namin sa malapit na poso at niligo ito ng maigi habang wala parin itong malay. Ang isa sa mga katulong na si Rapunzel ay nilagyan ng white flower sa bibig si Mark kaya nasita ko. "Rapunzel bakit mo nilalagyan ng white flower ang bibig ni Clark?! Hindi yan lipgloss! Pinapaamoy yan para matauhan!"

        "Sorry po Doctora ng Hayop, akala ko kasi sa bibig to nilalagay! Eh mouth to mouth ko pa po ba siya?" tarantang pagsasalita ni Rapunzel. "At Doctora talaga ng Hayop ang tawag mo kay Jasmaine! Hay naku Rapunzel, dahil sa haba siguro ng buhok mo nabalutan na ng kuto ang utak mo noh?!" napabuntong hininga sa inis si Lharby sa maling-mali na kasambahay na si Rapunzel. Tumawa lang si Rapunzel ng todong todo at hindi manlang nakaramdam ng bahid ng sakit sa sinabi ni Lharby at bigla itong humirit pa at nag english. " This is it! My Sleeping prince, Here I am your beautiful princess who will give you a pure love kiss! I am Rapunzel, Open Sesame (Nilakihan ang pagbuslo ng nguso at parang piranha at buong bibig ni Mark sinubo niya at nagulat at nagising ito sa pagkakagat ni Rapunzel sa kanya.

        " Wow lasang menudo ang kanyang mga labi" dagdag na hirit ni Rapunzel. "Pano naman hindi maglasang menudo yan dahil ningangat mo na ang bibig niya at nagkasugat sugat! Labas mo nga Rapunzel ang iyong ngipin at dila!" Sagot ko kay Rapunzel at sumunod naman ito sa utos ko at binuksan ang bunganga at nilabas ang ngipin at dila. Natakot kami at nabigla dahil ngipin nito ang tatalim at parang lagari at ang dila niya parang sa ahas na may hiwa sa gitna. Hinimatay ulit si Clark at dinala nalang ito sa dating kwarto ng namayapang Dr. Banky Funky at doon binihisan at pinagpahinga.

        


ALDUB: My Baka Boss (E cow na kaya?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon