Chapter 16~ Ang Ganda ng BulalaCow

83 5 0
                                    

Naging State of Calamity ang aming bayan.  Maraming kabuhayan ang nawasak. Maraming pamilya ang nawalan ng kaanak lalong lalo na mga magulang at mga kapatid. Isa ito sa malaking delubyo na naranasan ko sa aking talambuhay.

Kahit sa barn nila ni Paul ay nalagasan ng sampung baka. Pero patuloy parin ang buhay. When you survive a tragedy whether physical or emotional distress you have enough reason to live. A reason to fortify your hope and a reason to keep your faith to cope.

Pinatira kami nina Ninong Don Mariano sa kanilang mansion habang patuloy kami tumutulong sa rehabilitasyon ng aming bayan. Ang aking mga kapatid ay tumutulong sa pag repacked ng mga pagkain at relief goods na ipamimigay sa nasalanta ni Lando. Nag organisa kasi mga kasamahan ni Ninong Don Mariano at Daddy ni Clark ng mga friends nila sa abroad at sa Pilipinas sa pagpadala ng relief goods both in kind and in cash. Hindi na pinadaan sa gobyerno at baka hindi pa makarating sa mga na biktima.

Bumalik sina Mark at Marjorie at tulong tulong kami kasama ng NGO ni Mark sa pag medical mission sa pangangailangang pangkalusugan na sinalanta ng aming baranggay at karatig lugar din namin.

Si Ma'am Rose Ann ay nag render din ng pagtuturo sa mga batang hindi nakapasok pansamantala kahit retired teacher na ito kasama ang mga kaibigan nitong guro na miyembro ng Legion of Mary.

Araw-araw nag rarasyon kami ng pagkain sa mga napinsala at doon ko nakita ang payak at dalisay na puso ni Paul.

Almost one month din namin yun ginagawa habang tuluyan nang makaahon ang aming bayan ng bahagya. Bumalik na si Papang sa bahay at kami rin after a month at di naman masyado malaki ang nasira dito. Yun lang sira na ang mga gamit kagaya ng tv, refrigerator at mga damit kaya unti unti naming inaayos hangang sa naging okay na ang lahat. Tinulungan kami ni Ninong Don Mariano para makapagsimula ulit. Pati ang Vet Clinic ko si Paul ang nag design nito.

Isang gabi pagkatapos namin manggaling sa isang evacuation center napagpasyahan namin na mag picnic dahil ang liwanag ng buwan doon sa barn nila ni Paul. Kasama sina Lharby, Clark, Twinkle, ang bangbang clang clang na katulong na si Rapunzel at aking mga kapatid nagtungo sa Indian Mango tree at doon nag bonfire kami habang kumakain ng mga isaw, betamax, hotdog at pork barbeque na inihanda ni Rapunzel.

Bigla nalang  sumigaw si Rapunzel ng " Look at the sky, after typhoon we have alien invasion! This is what I read in the book of revelation!" tarantang taranta habang tinuturo ang umiilaw sa kalangitan.

Sinagot siya ni Clark " Hoy Bobita Paner! Meteorites yan! Bulalakaw! Hindi gaya mo isang bakulaw na may singaw!"  Nagbilat lang si Rapunzel sa kay Clark.

"Wow naman ang talino ng future husband ko, alam na alam ang meteor shower! The night is young and I feel that my love will come from the star" sambit ni Champ at titig na titig ito kay Clark.

"He!" sabi ni Clark kay Champ, at sumagot din si Champ ng " Hindi ako He, I am She!"
Di na pinansin ni Clark si Champ at nanahimik ito at kinain nalang ang footlong na hotdog na inihaw niya.

Dumami pa ang bulalakaw. At panay wish ng wish namin. Pinatayo ako ni Paul at nagulat kaming lahat dahil lumuhod ito sa harap ko habang hinahawakan kamay ko na malamig pa sa toad.

"Sir Paul, bakit ka lumuluhod kay Doctor of Animals, hindi yan pari para mangumpisal ka dahil malapit na ang paghukom!" pangungusap ni Rapunzel.

Tinakpan ni Lharby ang bunganga ni Rapunzel at nagsabi " Ang daldal mo! Dapat sayo hukom bitay!"

Kinagat ni Rapunzel ang kamay ni Lharby at nabutas ito. Ang ngipin kasi nito parang puncher sa ticket sa bus. " Aray ko, aswang ka ata Rapunzel dumugo kamay ko sayo" panggagalaiti na hiyaw ni Lharby.

Lumapit si Clark kay Lharby at parang sipsipin ang dugo sa sugat nito. Pinigilan ito ni Lharby. Tumawa ng malakas si Champ at sumigaw " Congratulations! Dalaga kana Lharby at nag menstruation kamay mo!"

Lumapit si Twinkle kay Lharby at hinugasan ang sugat ng mineral water at nilagyan ng laminis na towel para mapigil ang pagdurugo.

Binatukan ito ni Chrysanthemum si Champaka sa pagiging maingay din nito. Hindi tuloy maka moment si Paul sa drama nito.

Nagsalita si Paul habang kinuha ang isang singsing at nakatuon sa akin habang hawak hawak niya ang aking kamay
" Jasmaine, the woman I call MINE, like the shooting stars you came into my life unexpectedly. I realized that a part of my life is you. I want to create a memory with you, a story, a life, a lasting journey and a challenging world of bliss and joy. Will you be my wife? "

Kinabahan ako feeling ko ang buong drum beaters the Lasalle at San Beda nasa loob ng puso ko. Wala na ako masyadong koda pa sinagot ko siya " AMYOURS and  You will be my husband... ALDUB YOU PAUL"

Tumayo siya at niyakap niya ako. Nang biglang may malakas na putok kaming narinig at yung singsing na hawak ni Paul na bitawan niya.

Ang putok pala ay galing sa tumamang meteorites na malapit lang sa amin.

Hinanap ni Paul ang singsing at lahat kami naghanap. Medyo madilim kaya ginamit namin ang flashlight ng aming cellphone. Magimmick talaga ang kapatid kung si Champ at kumanta ng "Flashlight" habang hinahanap namin ang singsing kaya sinabayan nalang namin ito.

Napaupo kami ni Paul at medyo gumagapang sa kahahanap ng Singsing at nang nasa line na kami ng song na " Stuck in the dark but you're my flashlight" tumambad sa amin ang ipot ng baka na parang cake at nakapatong doon ang singsing at lumiliwanag ang maliit na diamante na nasa tampok ng singsing.

Naalala ko ito yung Singsing na nakita ni Papang sa bulsa ng ukay-ukay na aming sinanla. Ang galing naman ni Paul at binili niya yun para sakin dahil sa totoo lang gustong gusto ang singsing na yan. Grabe ka espesyal ang pinakita niya. At sobrang espesyal pa dahil sa ipot pa ng baka ito nahulog at maraming  ala-ala ang sumagi sa isip ko kagaya ni Dr. Banky Funky at ang trabaho ko sa barn.

Kinuha ni Paul gamit ang stick ng isaw ang singsing at hinugasan ito ng tubig na dala ni Rapunzel at alcohol. Nilinis ng kanyang panyo at isinuot ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Naki akma ang langit dahil sa meteor shower at sa mata ni Paul nakikita ko ang kislap ng bawat bituin...

ALDUB: My Baka Boss (E cow na kaya?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon