Chapter 3~ E cow Twinkle type mo si Lharby

154 8 0
                                    

"Grandpa here is Kuya on skype now" sabi ng half sister ni Sir Paul na si Twinkle. " Iho, kailan mo balak umuwi dito sa Laoag! Akala ko nga magkasabay kayo ni Twinkle na uuwi dito sa Pilipinas? The whole farm is waiting for you! This will be yours apo!" wika ni Ninong Don Mariano kay Sir Paul. "Grandpa ibigay mo nalang ang farm sa kanila ni Tito Eli, Tito Rico or kay Tito Bamboo, I told you several times that I don't know how to run that business. I love you Grandpa pero my life is here in Australia" pangatwiran ni Paul sa Lolo niya. "Wait,wait apo! You are not in Australia right now, nasaan ka? Sabi ni Twinkle magkasabay kayo lumabas ng Australia,nasaan ka?" (nag peace sign si Twinkle kay Paul sa Skype dahil nasabi niya sa kanilang lolo ang kaniyang whereabouts"

"We are here in Moscow,Russia lolo nag 3 days trip lang kami ng fiancee kung si Rozel, dito ako nagproposed, we are planning to get married next year" pa simpleng sagot ni Sir Paul kanyang grandpa. "Moscow! What a coincidence! Umuwi ka dito, ang daming cow dito na naghihintay sayo! If you want my blessing get here! Gusto ko makilala ng personal ang magiging future wife mo apo, Do me a favor!" pakiusap ni Ninong Don Mariano. "Alright grandpa! I will be there on Saturday! Bye for now grandpa,I love you!" huling salita ni Paul at nag log-out sa kanyang skype account.

Inikot ni Ninong Don Mariano ang kanyang apo na si Twinkle sa kanilang Barn dahil first time nito makatapak ng Pilipinas. Nag migrate kasi ang mama nila ni Sir Paul sa Australia ng mga pitong taon na ito dahil sa pag-iwan ng Daddy ni Paul sa kanila at sumama ito sa bestfriend ng mommy niya. Sa Australia nakilala ng mommy ni Paul ang Daddy ni Twinkle at doon na siya pinanganak. Nang mag 10 years old na si Paul penitition ito ng mommy niya at hindi na nakabalik muli.

Pinakilala ito sa mga trabahante lalo na kina Lharby, Clark at Ako. Mukhang type ni Twinkle si Lharby dahil gusto nito ang chinito,maputi,may katangkaran at maganda ang pangangatawan. Kaya panay dikit na dikit ito kay Lharby at napupusuan niya ito. Si Lharby naman patay malisya lang habang ako pa smile smile lang sa mga nakikita. "Hay naku 19 years old na ata ito pero nagdadalaga lang itong si Twinkle, Twinkle, Twinkle little star!" pakiwari ko sa aking sarili habang minamasdan si Lharby na panay iwas kay Twinkle na dumikit ito sa kanya na parang higad na gustong ubusin ang cabbage.

Nagpaiwan si Twinkle sa Barn at bumalik si Ninong Don Mariano sa mansion na 100 meters away lang sa Barn. Nag-eenjoy si Twinkle na makakita ng mga baka dahil sa Australia nasa city sila at unang beses niyang makakita at mahawakan ang mga baka in flesh. Gustong gusto talaga nito mag bonding kay Lharby kaya panay tanong at pisil sa mukha ni Lharby habang ginagatasan nito ang isang baka. Nagpaturo si Twinkle kung pano gumatas ng baka at ginabayan naman ito ni Lharby na ubod naman ng gentleman. Nakatitig sakin si Lharby at di ko alam kung ano ang ibig sabihin ng kanyang mga tingin.

Ang sweet nilang tingnan habang nag-gagatas ng baka. Sinubukan ni Twinkle na mag gatas ng baka at ng hinila niya ang nipple ng baka at napisil niya ito paharap sa kanyang mukha kaya sa pisngi niya tumama ang gatas. Tinawanan siya ni Lharby " Oh! Sabi ko na sayo eh na wag ka ng sumali dito kitam nagatasan tuloy mukha mo! Yan oh tumutulo ang gatas sa iyong labi! Twinkle, may gatas kapa sa labi" pang aalaska ni Lharby kay twinkle.

ALDUB: My Baka Boss (E cow na kaya?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon