Chapter 8~ A cow (Ako) ay may Vet Clinic

114 5 0
                                    

Inabot din ng dalawang linggo sa ospital si Sir Paul dahil nagkaroon ng injury at dislocated and joints niya sa ankle kaya senemento ang bahagi ng kanyang kanang ankle at pinagbawal sa kanya ang strenuous activity. Two weeks din ako nagrequest kay Ninong Don Mariano na mag leave of absence para asikasuhin ang bubuksan kung Veterinary Clinic sa gilid ng aming bahay.

Ginawa nalang nilang akong on call lamang ako pansamantala sa barn nina ni Ninong Don Mariano at kung may importanteng pangangailangan pumupunta ako.Nandiyan naman si Clark na gamay na gamay na niya ang gawain sa barn habang ginagabayan din siya ng dalawa pang veterinarian ng poultry at swine farm nina Ninong Don Mariano

Huwebes May 13, 5th Death Anniversary ng Mamang Rosa Rosal at binuksan namin ang aking maliit na Veterinary Clinic na tinawag naming #JazVetIt Clinic na parang sounds like ng salitang "Just Bite It". Idea ito ng aking mga kapatid na si Chamomile at Chrysanthemum na nagsabi na halos lahat ng hayop nangangagat at isa yun sa kanilang animal instinct for survival.

Nagpamisa kami at pinagbless ng aming Kora Paroko na si Monsignor Abay ang munti kung clinic. Si Papang ang pinag ribbon-cutting bilang tanda ng pasasalamat ko sa pagtataguyo d sa aming mga pangarap na magkakapatid ng namayapa si Mamang.

Dumating sina Lharby, Twinkle at Clark at na may dalang tatlong rabbit na nasa cage at tatlong pares ng lovebirds para pang dagdag attraction sa loob ng clinic.Naalala ko tuloy si Dr. Banky Funky na nagsabi na balang araw magkakaruon din ako ng sarili kung clinic. Tahimik kung ipinagdasal ang kanyang kaluluwa at alam ko tinitingnan niya kami sa kung saan man siya ngayon.

Dala-dala ng iilan naming mga bisita ang kanikanilang mga alaga kagaya ng mga aso,pusa at mga exotic na mga alaga. Nagulat pa nga kami dahil ang kapatid ko na si Champaka at Chrysanthemum ay medyo puyat at nangingitim ang ilalim ng mata dahil nanguha ng mga paniki sa malapit na kuweba at kanila daw pakakawalan pagkatapos ng ribbon cutting. Wala daw silang mahanap na mga paruparu para paliparin sana kaya in replacement mga maliliit na mapuputing mga paniki (albino) ang kanilang kinuha at pinakawalan. Medyo natakot ang mga bisita dahil baka makagat sila ng mga paniki. Medyo na stress din ako at kahit dalaga pa ako muntik na atang mahulog ang matris ko sa pinaggagawa ng mga kapatid ko na daig pa si Jimmy Neutron sa pagka weird.

Habang nagseserve kami ng pagkain may dumating na gwapong guy na hindi familiar sa akin at parang baguhan sa bayan. Lulan siya ng magarang sasakyan na AUV at tainted ito "Hi my name is Raffy and this is Ben, good thing na meron ng Vet Clinic na malapit dito, puede bang ipacheck-up namin ang aking ahas dahil 3 days na kasi hindi kumakain eh?" sabi ng nagpakilala na lalaki. "Nasaan ba ang ahas mo Kuya? Ano ba yan Cobra? Anaconda or ahas ni Zuma?" sagot ng bakleta kung kapatid na si Champ. "Wait lang po ha kukunin namin sa loob ng kotse" tinungo ng dalawang lalaki ang kotse at para kunin ang ahas. Binuksan nila ang kotse at nakita ko yung Ben may inalalayan na lalaki palabas ng kotse at di ko makita ang mukha dahil natakpan ni Ben ito. Pagtagilid ni Ben nakita ko si Sir Paul habang nakasaklay at paikaikang lumalakad at papalapit samin at nakangiti.

Para akong nag ice bucket challenge at nanlamig ako dahil di ko inakala na sumaglit siya sa opening ng aking Vet Clinic. Sinama niya pala ang mga dati niyang mga kaibigan dito ng kabataan niya.

May bitbit siyang bouquet of blue roses at ang gwapo niya tingnan habang nakangiti siya papalapit sakin. "Congratulation sa opening ng iyong Clinic. Thank you din sa help ng maaksidente ako and I am sorry for what I did last time to you and to your bestfriend na si Lharby" mahinang sabi ni Sir Paul habang nakatitig ito sakin ng mata sa mata at ang lips niya na medyo mamasa masa at parang masarap kagatin. Medyo ako ay nautal " Ang laki mo namang ahas, I mean totoo ngang may ahas ka, este nasaan ang dala niyong ahas? Sorry Sir Paul ha,ano ba itong nasasabi ko!" Natawa nalang si Sir Paul at kinilig ang mga bisita namin. "Si Paul ang ahas na hindi makakain,tinamaan mo siya siguro Doctora, hinahanap niya din ang pagpisil ng mga kamay mo sa kanyang puwit habang iniinject mo daw siya ng anti rabbies" panloloko na sabi ni Ben na ka hairstyle at ka outfit si Ben10. Kinuwento ata ni Sir Paul ako sa kanila.

"Excuse their rudeness Doctora Jasmine (first time niya akong tinawag na ganito ka formal),mga loko lang talaga yan,anyways may gift talaga ako na ahas para alagaan mo ito. Isa itong Albino Burmese Python" sambit ni Sir Paul.

Kinuha ni Ben at Raffy na nakalagay sa isang maling plastic container. "Wow ang cute naman ng Albino Burmese Python nato,pangalan mo yan Dra. ng JaPul para ibig sabihin Jasmaine and Paul" wika ni Clark. "Ay ang bastos naman pakinggan ng JaPol! Mahilig talaga itong si Clark my lab sa ganyang mga hindi kanais nais na mga pananalita!" sagot ni Champaka. "Ano naman masama sa JaPul? Jasmaine and Paul so it can mix as JaPol diba?" paliwanag ni Clark. "Wala naman naisip ko lang kasi something strange" dugtong ni Champ. "Naku iwan ko sayo, ang dumi ng utak mo. yan kasi panay basa mo ng tiktik at toro na newspaper kaya kung ano ano ang nasasagap mo!" dagdag ni Clark.

Kinuha ni Twinkle and ahas at hinawakan at nagsabing "Barney nalang tawag diyan dahil sa Barn naman nagkakilala si Kuya at Ate Jasmaine,okay ba kuya?"

Ngumiti lang si Sir Paul at inalalayan ng kanyang mga kaibigan na si Ben at Raffy para umupo sa isang table at sumabay sa kasiyahan namin.

Hindi din ito paaawat sa kantahan dahil kumanta ito sa videoke ng "God gave me you" habang nakatingin siya sakin. Medyo kinilig ako pero hindi ako assuming dahil hindi naman ako graduate ng Assumption para mag assume. Ang importante ngayon sa akin na nakita ko si Sir Paul na nag e-enjoy at hindi na nagmumukmuk at nalulungkot sa mga sumunod na dagok sa kanyang buhay ng dumating siya dito sa Pilipinas.

Akala ko nga suplado ito at may pag ka sutil subalit game na game din pala ito at mapagbiro. Mas nagkapalagayan pa sila ng loob ng Papang Ernesto at mga kapatid ko.

ALDUB: My Baka Boss (E cow na kaya?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon