Chapter 14~ Hindi Lang E cow Paul Ang Nahihirapan

71 3 0
                                    

Naging maganda ang aming relasyon ni Paul. Mas lubusan naming nakilala ang isa't isa. Tama nga siya, kung minsan hindi mo na kailangan patagalin ang panunuyo. Kung meron namang pagmamahal sa puso mo tanggapin mo na ang inaalay na pag-ibig at kung kayo ay nasa relasyun na pag-igihan niyo na kilalanin ang bawat pagkatao ng iyong kasintahan. Linangin ang kabutihan at baguhin ang kamalian.

Ganun naman talaga dapat sa relasyun. Kagaya namin ni Paul ako, siya ang Nature at ako naman ang Nurture. Siya ang nagsimula na buksan ang relasyon at ako naman ang taga suporta at kabahagi ng papaganda ito para tuluyang lumawig at mamulaklak ang relasyon.

Walang perpektong relasyon. Bago man ito or matagal sinusubok ito ng panahon. May mga tao na iba ang pagtingin sa akin kasi langit at lupa ang aming agwat. Pero sabi ko sa sarili ko at paulit ulit na ni reinforce ng boyfriend ko na we should not allow people from outside to reciprocate our relationship. If we have peace within our relationship nobody can touch us no matter what.

Kagaya ng isang pagkakataon na may nagpa check-up sa Vet Clinic kung mag-inang si Sonia at si Danica. Narinig ko ang kanilang pag-uusap sa waiting area habang inu ultrasound ko ang alaga nilang pusa na buntis pero dapat operahan ang kaliwang mata dahil natusok ng barbeque stick.

"Alam mo ba yang si Jasmaine, nakabingwit ng malaking isda. Dapat ganyan din ang gayahin mo Danica. Biruin mo na naging boyfriend niya ang taga pagmana ng bakahan ni Don Mariano at lahat ng ari-arian ng matanda. Utak talaga ang gamitin mo, kaya Ikaw Danica dapat sagutin mo na si Sergio ang anak ng Bombay na nagpa Five Six sila yung may-ari ng dalawang gasolinahan sa bayan at ng PickUp She Bar. Hindi yung manliligaw mo na isang marino. Hay naku baka mag scuba diving ang buhay mo sa kanya! Tandaan mo ikaw ata pinakamaganda sa lugar na ito, at ilang beses manalo sa Mutya ng Laoag."

Hindi sumagot si Danica. Pero pabiro ko niloko si Aling Sonia " Oo nga po si Danica po talaga ang pinakamaganda sa Bayan natin especially pag ang beauty pageant canvassing ang batayan. "

Hindi na kumibo si Aling Sonia. Matapos operahan at tangalin ang kaliwang mata ng pusa nilang natusok ng barbeque stick dahil napag kamalang aswang ng kanyang lasing na asawa nag bigay ako ng reseta ng mga gamot na inumin at pinaalam ko na buntis ang pusa at humirit ako para maitama ang maling pagtiningin ni Aling Sonia sa akin.

" Kagaya po ng pagtanggal ko ng nasirang mata ng Pusa, ganun din po sana ang pakiusap ko na tanggalin niyo po sa inyong diwa ang kaisipan na suwerte ang pagbingwit ko kay Paul. Dahil hindi po siya tilapia. Nagmamahalan kami at kung ano man ang agwat namin sa buhay, mayaman man siya at ako ay mahirap iisa po ang kaming kinakatayuan at pag-ibig po ang pumantay sa aming kaibahan. Pag-ibig na malinis, dalisay at hindi mapanghusga. Maraming salamat po, at balik kayo sa next check up para tangalin ko ang tahi sa mata ng pusa"

Diba maka hugot lang ako. Pangisi-ngisi lang ang mag-inang Sonia at Danica palabas ng Clinic. Nakakatuwang makita mukha ni Danica na parang bagis ( Ilonggo term na ibig sabihin ay shark)

Napadaan sa Clinic si Mark kasama ni Marjorie dahil luluwas daw sila ng Siquijor para mag medical mission. Binulong pa sa akin ni Marjorie na sila na daw ni Mark. I am so happy kasi may magmamahal kay Mark na isa sa pinakamabait at maalagang babae na nakilala ko at si Marjorie yun.

Humingi si Mark ng vitamins sa kanyang alagang si Silver . Niyakap niya ako at di ko namalayan nasa labas ng clinic si Paul at si Clark dahil susunduin nila ako dahil hinahanda na ilipat ang mga baka sa malaki nilang covered court dahil may paparating na Bagyong Lando na feeling ko asawa ni Yo Landa.

Lumabas sina Mark at Marjorie at nakipagkamay pa si Mark kay Paul at umalis.

Pumasok si Paul sa Clinic samantalang si Clark nasa labas pumasok sa loob ng kotse.

Hindi niya ako tinawag na MINE at na feel ko nagseselos ito "Ready ka naba Jasmaine? Inayos na dun nina Lharby at Rufo at mga tauhan ang mga baka. E check mo nalang ang condition nga mga ibang baka dun. Malapit na kasi sa PAR si Lando ang asawa ni Landi" pagkasabi ni Paul.

Medyo naramdaman ko yung last line na "Lando asawa ni Landi" at alam ko ako tinutukoy nun.

"Wait Paul! (Hindi ko rin siya tinawag na AMYOURS) Did you say Landi? Kung nagseselos ka please not now,not today, not tomorrow, not the day after tomorrow or until this relationship last! The least thing that I will do is to flirt and I will never do that! Ibahin mo ako sa mga ex's mo" medyo malakas na ang timbre ng pananalita ko dahil hindi ko matanggap na ako ay maglalandi pa.

"How do you think a man will feel that he is staring at his girlfriend receiving a hug from another man? " tanong ni Paul sa akin.

" Then be authentic to what you feel! Kung nagseselos ka sabihin mo but never call me a flirt! Iba ang nagsasabi ng kanilang naramdaman sa nag a-accusse at nagbibintang ng kasalanan... Mark is my friend, nagpapaalam siya kasi pupunta sila sa Siquijor, and the girl who is with him is his girlfriend, You should have let me give my reason before you created your own conclusion!" Napaupo ako napaiyak.

Lumapit sa akin si Paul, hindi na sumagot. Niyakap ako ng mahigpit at nag sorry. Nag-iyakan kaming dalawa. We apologized and we compromised. We know marami pa kaming pagdadaanan. Hindi lang ako ang nahihirapan siya din. Pero malakas ang loob namin in due time true love will win.

ALDUB: My Baka Boss (E cow na kaya?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon