Chapter 12~ Pasada si Sir Paul ng Trisi-cow (Tricycle)

72 4 0
                                    

Broom, broom, broom! Ang lakas ng tricycle na huminto sa harap ng aming bahay. Lumabas ako dahil nakakabulaho. May mga parang clip na gawa sa tangkay ng kamoteng kahoy ( cassava) ang aking ulo na gawa ni Chrysanthemum at Champaka sa akin para daw kumulot buhok ko. Nakasuot lang din ako ng manipis na tshirt at medyo banaag ang bra ko at ang pusod ko na medyo may kalaliman na puedeng timplahan ng milk tea from BearBrand.

Nakita ko kaagad si Lharby nakaangkas sa tricycle at may kasamang gwapong lalaki na di ko masyadong ma identify kasi sa kanya nakatutok ang sinag ng araw. Nakangiti ito at yung ngipin parang killer smile dahil mga ngipin nito kumukutitap na parang bombilya sa parol ng Bulacan.

Bumaba ito ng dahan dahan at dun ko napagtanto na si Sir Paul. Parang nag vibrate ang mata ko at gusto lumipat sa noo ko para matutukan pagmumukha nito. Nang bagya na ako magsalita para magtanong kung bakit nandito siya bigla niya akong binuhat at kinarga na pang isang batang babae na pinasan sa kanyang balikat. Sumisigaw si Sir Paul sa kay Papang Ernesto na kikidnapin niya daw muna ako ng isang araw at ibabalik din. Ito naman si Papang hindi manlang pinigilan at nag gesture pa na humayo daw kami at sa tanda ni Papang kinilig din ito. Kakilig kilig ba ang ginawa nito or karumal dumal.

Pinasok niya ako sa tricycle na puno ng petals ng roses. Ang mirror, meron pang nakalagay na "Will you be my Girlfriend for today and for the rest of the coming days?"

Gusto ko lumabas sa tricycle pero hinarangan ako ni Lharby habang pinapaandar ni Sir Paul ang tricyle. Nang makambya niya na ang tricycle mabilis niya pinatakbo ang motor at napaiwan si Lharby para bumalik nalang mag-isa sa Mansion.

Hindi ko alam kung ako gagawin ko at kinakabahan ako dahil sobrang bilis ng takbo ng tricycle. Sumisigaw ako sa kanya " Ihinto mo! Natatakot ako at baka ma aksidente tayo! Nababaliw kana ba!" Tumatawa lang si Sir Paul. Tinapik ko ang paa niya at hinahawakan ng mahigpit ang kanyang damit at patuloy sa kakasigaw.
" Ibaba mo ako dito! Hindi pa ako ready ma meet ang Mama ko at gusto ko pa magkapamilya!"

Hininto ni Sir Paul ng dahan dahan at tiningnan ako ng parang seductive ang dating. Ang landi nito, parang yung lips niya namumula at naglalaway. "Ano ba?!, epekto ba yan ng kagat ng aso last time? na complete mo naman vaccination bakit mukha kang may rabbies?, iuwi mo nga ako!" Asar na sigaw ko.

"Paandarin ko ito ng malakas kung ayaw mo sagutin ang nakasulat diyan sa mirror sa harap mo!" Sagot ni Sir Paul. Tiniris ko ang kanyang paa at muntik ko na maabot singit niya dahil umilag ito. Pinaandar niya ulit ang tricylce at sobrang bilis ito. Wala akong nagawa. Napakasadista naman nito manligaw at mabilis pa sa 24 oras. Pinag-erase ko lahat ng sulat niya sa mirror at binugahan ko ng hangin galing sa aking bunganga at parang nag form ng fog sa mirror at sinulat ko dalawang letrang O for "Oo" at sumigaw " Ayan na ang sagot, tingnan mo ang mirror. Huminto ito at tiningnan ang mirror. Nakita niya ang salitang "Oo"

Bumaba ito sa pagdrive ng tricycle. Lumapit sa akin at tinulungan ako na umalis sa tricycle and hug me. Tinanggal niya ang earings na bigay ni Mark sa akin at pinalitan din ng earings na galing naman daw sa Lola ng kanyang Lola. Diba ang bonga lang, kung may pasaload sa talkntext meron din palang pasahan ng hikaw. Hindi kaya ako ma multo ng mga ninuno nito.

ALDUB: My Baka Boss (E cow na kaya?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon