Chapter 10~ Salamat sa Hicow (hikaw) Mark

96 5 0
                                    

Habang nasa barn ako nila ni Ninong Don Mariano at nag inventory ng mga alagang baka at mga kambing napatitig ako sa mansyon at nakita ko si Sir Paul na sumasakay sa kabayo patungo sa amin. May bitbit siyang box na pula at may dala siyang bouquet.

Malakas ang pintig ng aking puso at lumapit sa aking tinatayuan si Lharby at Clark at binibiro nila ako. "Hay naku Dra. Jasmaine feeling ko na iinlove na si Sir Paul sayo, pag umaga parati niyang pinapatanong kung nandito ka, ito si Lharby ang parating sumasagot na hindi kana full time sa barn kasi may clinic kana. Alam mo ba Dra. Jasmaine tinatanong saking kung ano ang favorite foods mo at kinahihiligan. Wala ako ma isagot kasi ang alam ko lang na paborito mo mga hayop at gustong gusto mo na procedure sa pag-aalaga ng hayop ay magkapon ng mga barakong kabayo at aso." kwento ni Clark.

"Sinabi mo ang pagkakapun? Naku baka ma turn off yun sa akin Clark, ano kaba?" sagot ko kay Clark.

"Hay naku Jasmaine alam mo naman kasi yang si Clark kung ano, ano laman ng utak. Alam mo ba na nakita ko yan na umihi sa pregnancy test kit, tapos lumabas hindi positive or negative pero lumabas na result letra na kung babasahin nakalagay BAOG" sulsul ni Lharby. Hindi na naka sagot si Clark dahil nasa harap na namin si Sir Paul.

"Kamusta ang mga baka Jasmaine, este kamusta pala, buti naman at sumakto ang oras na pagpunta ko dito. Sabi kasi ni Lolo na pupunta ka ngayong araw, by the way I baked a carrot cake for you and ito mga roses galing pa yan sa garden ni lola. Ako mismo ang nag-ayos niya for bouquet" makatuman foundation sa mukha na pananalita ni Sir Paul.

Nahihiya akong tanggapin pero tinabig ako ni Lharby sa aking balikat para tanggapin ang bigay ni Sir Paul. Namumula naman ako at ang ilong ko parang si Rudolf Hitler ang reindeer ni Santa Claus na kumukutikutitap. Yes you read it right, Hitler and apelyido ni Rudolf, siya lang ang German na reindeer ni Santa Claus. Ano ba ito, gumagawa ako ng sarili kung history at kwento. I am uneasy kasi at di ko mawari kung ano ang purpose ni Sir Paul bakit binigyan niya ako ng present at hindi ko naman Birthday.

Ito naman si Clark ang feeling Presidential Spokeperson at siya talaga ang nagtanong on my behalf. " Sir ang sweet mo naman, what are these gifts for?" 

Sumagot ng mabilis si Sir Paul at nagbigla din sa nasabi niya " Because I like Jasmaine, Oh my, I am sorry I don't mean it. I meant it. What I'm trying to say hmmm (napabuntong hininga) I like her as a wonderful person, I am just showing courtesy kasi last time I was too harsh to her and wala talagang chance to say thank you sa kanya for taking care of all the cows here. I wish I am a cow too!" pasimple lang ang huling banat ni Sir Paul.

Parang naramdaman ko ang tatlong patak ng ihi sa panty ko sa sobrang kilig. Asyumera talaga ako at feeling ko nawawala ako sa katinuan ko. Napa holding hand si Clark kay Lharby at nagtinginan ito at nagulat sa nagawa nila. Pabirong susuntukin ni Lharby si Clark kasi lumalabas na ito sa kanyang kaliskis at namumula na ang kanyang hasang. 

Bago pa humirit si Sir Paul ulit, napatingin kami sa dumating na guy na parang ghost rider ang get up at may magarang motorcycle. Si Mark pala at nakaangkas sa kanya ang kapatid ko na si Champaka na naka costume din na parang si Rouge sa Xmen at may gumamela pa sa kanyang kaliwang tenga.

Mala takbo akong pumaruon sa kanila at kinausap si Mark bakit siya dumaan. "Sorry Jasmaine for disturbing you, I am too excited kasi when my  mom gave this earings awhile ago at sabi niya ibigay ko daw sayo kasi naalala ka niya. So I don't want to delay the moment or else the essence will be lost. Can I put it in your ears? " sabi ni Mark.

Tumalikod ako kay Mark at nilagay niya ang hikaw sa aking tenga one by one. Ang bango niya  at parang nakukuryente din ako habang dumadampi ang kanyang mga kamay sa aking tenga. 

Bigya akong niyakap ni Mark at nag kiss sa cheeks at ako ay nagulat. First time ko mahalikan sa pisngi ng tao, I mean ng lalaki. Yung una lang naka kiss sakin ay yung camel na nakita ko nang nagkaruon ng animal exhibit sa Singapore. 

Nakita ko si Sir Paul na mabilis sumakay sa kabayo. Gusto ko sana siyang lapitan at ipakilala kay Mark subalit mabilis niya pinatakbo ang trabaho. 

Nagselos kaya siya? A cow (Ako) pagseselosan? Naman hashtag #Nagmamaganda 















ALDUB: My Baka Boss (E cow na kaya?)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon