LY~Chapter 4..

245 64 42
                                    

Losing You..

Written by: SweetSmillee

--
LY~Chapter 4..

.Welcome Home.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko, kasi naisapan ko na, hindi na muna ako papasok, dahil wala namang gagawin tsaka hanggang ngayon open padin ang mga booth para sa registration. Sa isang araw pa naman ang opening, kaya napagdesisyon ko na dumito na muna sa bahay.

"Para sayo LA, dahil gusto kitang bantayan at alagaan, dahil gisto kita."

"Para sayo LA, dahil gusto kitang bantayan at alagaan, dahil gusto kita."

"Para sayo LA, dahil gusto kitang bantayan at alagaan, dahil gusto kita."

Matapos ang isang araw hanggang ngayon, paulit ulit pading nagrereplay sa isipan ko yung sinabi ni Charles. Bakit para sakin? Bakit niya akong gustong alagaan, eh hindi naman niya ako priority para gawin niya sakin yun. At tsaka gusto niya ako? Nahihibang naba siya.

Oo alam kong alam niya ang tungkol ang background ko, silang dalawa ni Leigh, pero hindi ko naman hahayaan na maging pabigat ako para sa kanila. At ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magkakagusto siya sakin, dahil nga magkaibigan kami. Siguro akala niya lang yun na gusto niya ako, dahil gusto niya akong alagaan. Oo yun lang.

Hindi ko naman masisisi si Leigh, kung bakit nagkagusto siya kay Charles, kasi mabait naman, gentleman, gwapo at higit sa lahat malaki ang pangagatawan nito. Pero never talaga ako naattract kay Charles, siguro nga kasi magkakaibigan kaming tatlo, lalo na siya dahil kababata ko siya. Parang kapatid nadin ang turing ko sa kanya.

BESTFRIEND/KAPATID lang talaga ang turing ko sa kanya, naguguluhan ako sa sinabi niya, na sana hindi ko nalang pala dapat talaga narinig ang mga iyon. Pero sana talaga wala lang yun.

Ugh. Hindi ko tuloy naituloy yung sasabihin ko, nawala kasi sa isipan ko bigla eh, paano ba naman kasi iba ang sinagot sa akin ni Charles nung time na nagtanong ako, kaya di ko alam kung kelan matutuloy yung pinaplano kong date para sa kanila, Ugh. Nakakaloka naman ito.

Nagplay nalang ako ng music sa cellphone ko, pero bago ko iplay naglagay na muna ako ng earphones sa tenga ko para, rinig na rinig ko ang music habang tumutugtog ito. Habang nakikinig ako nagbasa nalang ako ng story sa wattpad na nagustuhan ko.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko, nakatanggap naman ako ng tawag mula kay Charles. Ang weird bakit naman kaya siya tumawag madalas text lang naman ang ginagawa niya.

Nagdalawang isip naman ako na sagutin ang tawag niya kaya hinayaan ko nalang magring ito. Di naman nagtagal natapos din ang tawag niya at di na muli Siya tumawag, kaya nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa at tinanggal ko nadin ang eaephones ko dahil ayoko narin makinig ng music. Pero habang nagbabasa ako nakaramdam naman ako ng antok kaya uni unti namang napahiga na ako sa kama ko.

-

Nagising ako at napatingin ako sa cellphone ko, at pagtingin ko 7pm na pala, napahaba ata ang tulog ko. Ilang sandali may kumakatok sa labas ng pintuan ko at narinig ko si manang Cecile na tinatawag ako.

"Anak, kakain na ng hapunan" sabi ni manang kaya pinagbuksan ko naman muna agad siya ng pinto ko.

"Ah sige po manang, baba napo ako, kanina niyo papo ata ako ginigising nakatulog po kasi ako, pasesnya napo." sabi ko naman sa kanya. Pero habang sinasabi ko iyon, nakarinig naman akong mga taong nagkukuwentuhan sa may sala, kaya bago umalis si manang tinanong ko muna siya.

Losing You..[Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon