LY~Chapter 15..

187 51 34
                                    

Losing You..

Written by: SweetSmillee

--

LY~Chapter 15..

"Sa Condo"

Nakasakay kami ni Leigh ngayon sa sasakyan ni Mark, syempre halata namang si Mark ang nagdadrive. Tahimik lang akong nakaupo dito sa passenger seat, si Leigh na ang pinaupo ko sa unahan. Nasa biyahe na kami papunta sa condo ni Charles, yung iba naman nasa sasakyan ni yabang este ni Andrei.


Hindi ako mapakali simula nung nalaman kong may sakit siya, kasi pakiramdam ko, kasalanan ko kung bakit, para tuloy akong nakokonsensya, sa ginawa ko kagabi. Okay lang naman na sabihin niya sakin ang totoo pero kasi nagsinungaling pa siya, alam naman niyang mabilis akong nagaalala sa mga taong mahala sa akin, kung hindi ko pa hinablot phone ni Mark kanina, hindi ko pa malalaman.


Oo nga pala, kelangan kong magsorry sa inasta ko kay Mark kanina, pero nagpapasalamat nadin ako sa nangyari kanina kasi kung hindi ko ginawa yun, malamang hindi ko malalamang may sakit siya.


"Mark, sorry about what happen earlier" sabi ko sa kanya. Napalingon naman siya sa pwesto ko at ngumiti siya.


"Wala yun, I know naman na nagalala ka lang para sa kanya." Aniya


Konting katahimikan ang nangyari matapos ang paguusap namin na yun. Ilang minuto lang nandito na kami at tinigil ang sasakyan sa tapat ng condo na tinitirhan ni Charles.


Nasa likod naman ng sasakyan ni Mark ay yung sasakyan ni Andrei, at lumabas nadin sila sa sasakyan, kaya lumabas nadin kami nila Mark. Nauna na kami ni Leigh na pumasok sa elevator, paakyat kung saan ang unit niya.


Wala pang ilang minuto tumunog na ang elevator at hudyat na nasa tamang floor na kami, which is yung 4th floor. Dali dali naman kami lumabas ni Leigh. Sana okay lang si Charles, nagaalala talaga ako sa kanya, bihira lang kasi siya magkasakit pero kapag tinamaan, matagal gumaling.


Nandito kami ngayon sa tapat ng room niya. Rm412, kumatok muna kami ni Leigh, pero walang nasagot ng tao sa loob, ilang minuto pa ang lumipas, wala parin nasagot at sakto dumating nadin naman sila ni Mark.


"Walang nasagot?" Sabi Mark.


"Wala eh" sabi ko.


Buti nalang alam ko yung passcode nitong unit niya kaya nienter ko agad yung passcode at successful naman, tnry ko lang baka kasi nagpalit na siya, yun pala hindi naman, nakapasok na kaming lahat pero nianino niya hindi namin nakita, nasan kaya yun.


"Charleeeees?" Pagtawag ko pagkapasok namin.


"Yow, pareng Charles nandito na kami" sabi naman ni Mark.


"Besty, check mo yung room niya, baka nandun." sabi ni Leigh, tong babae na ito, ako pa ang inutusan, hindi nalang siya ang gumawa e.


"Bakit di kaya, ikaw nalang ang gumawa?" Sabi ko sa kanya ne medyo naiirita na ang boses.

Losing You..[Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon