LY~Chapter 3..

261 65 53
                                    

Losing You..

Written by: SweetSmillee

--
LY~Chapter 3..

.School Activities.

"LA, gising na may pasok kapa."

Rinig ko ang boses ni kuya na sinasabi ito ngunit parang nageecho ata ang boses niya, nanaginip lang naman ako diba? Ay shocks monday na pala.

"LA, gumising kana please."

Kaya unti unti ko naman iminulat ang mga mata ko, at nakita ko ang ekspresyon na mukha ni kuya na alalang alala.

"Hi kuya Clark! Goodmorning!"

Bati ko sa mukha niyang di na maipinta sa pagaalala.

"Bunso pwede, wag kang magbiro ng ganun, alam mo naman na natatakot ako e."

Napangiti nalang ako kay kuya at napailing, di ko naman kasi siya intensyong takutin ng ganon, napasarap lang talaga kasi ang tulog ko. Pero sympre di ko naman kasi sila maiiwasan na magalala sakin. Haaay.

"Kuya, sorry! Napasarap kasi ang tulog ko, okay lang po ako."

"Osiya, sige na magayos kana at para makakain kana at makapasok ka nadin." Matapos nun ginulo niya ang buhok ko at lumabas na siya ng kwarto ko.

Nagmadali naman ako pumasok sa cr para makapag shower na, hindi naman ako matagal maligo kaya natapos agad ako ng ilang minuto, at agad din ako nakapag bihis at bumaba na sa kitchen.

"Bunso ako maghahatid sayo ngayon ah? Yung driver kasi natin isinama nila mom kanina."

Sabi ni kuya pagkababa ko, at kumain nadin naman agad ako, habang kumakain, bigla kong naramdaman na nagvibrate yung phone ko, kaya tiningnan ko naman agad kung sino yung nagtext.

*1 message received*

Fr: Leigh

Besty, don't be late okay? Ngayon yung start ng mga school activities natin. Wait kita sa tambayan natin. Seeyou.

Agad naman akong nagreply sa kanya at sinabi ko na kumakain lang ako at ihahatid ako ni kuya. Kaya nung natapos na ako kumain at nagtooth brush, kinuha ko yung bag ko at sumakay na sasakyan kuya.

After 25minutes nakarating na ako sa school, medyo malapit lang din naman kaya kung matraffic man, walang problema kung lakarin, kaso nga lang hindi ako pwede sa ganun e.

"Sige kuya, pasok na ako ah? Salamat sa paghatid po, ingat."

"Ikaw ang mag ingat bunso okay? Osiya mauuna na ako. Be good girl"

"Yes kuya."

Matapos nun, pinat ni kuya ang ulo ko, medyo ginulo naman niya ang buhok, aish si kuya talaga, kaya bumaba na ako ng sasakyan at pumasok na ako ng school. Pagkapasok ko naman nakita ko naman agad si Leigh at si Charles, kinayawan ako ni Leigh at lumapit naman agad ako sa kanila.

-

Agad naman akong hinatak ni Leigh talaga tong bruha nato, kunh hindi ko lang kaibigan siguro nabalibag ko na? Hahaha. De joke lang di po ako ganun, mabait po ako.

"Charles, saan ka sasali na club/department?" tanong ko sa kanya.

Sana pareho nalang kami sa music department para naman may kaibigan ako, pero na sakanila naman nila kung saan nila gusto.

"Dance department, ikaw LA anong club ang sasalihan mo?" sagot nito sa akin. Oo napansin niyo magkaiba ang tawag nilang dalawa sakin ni Leigh? Pwera sa family ko siya lang ang tumatawag sa real nickname ko.

Lukaret kasi si Leigh gusto lang niya maiba ang tawag sakin, samantalang malalapit at mga importanteng tao lang naman ang tumatawag ng ganun na nickname ko.

"Music department kami sasali ni Leigh, alam mo naman kung ano hilig natin tatlo." Tinanguan niya lang din ako matapos kong magsalita.

Naisip ko, kung ngayon week ko na kaya sila yayain, ibig kong sabihin ngayon week ko na kaya ituloy ang plan A na balak ko? tutal puro school activities lang ang gagawin namin ngayong week. Hmm tama sige si Charles nalang muna ang sasabihan ko.

"Ahm Charles magiging busy ka kaya ngayong week ng school activity natin?" tanong ko sa kanya at napatingin naman ito sa akin.

"Hindi ko pa alam LA siguro? lalo na kapag nakapasok ako sa dance department, bakit?" balik naman niyang tanong sakin, matapos niyang magsalita.

"Uhm, naiisip ko kasi na baka pwede magbonding tayo nila Leigh? ngayong week kung okay lang naman sayo yun Charles?"

Napatingin naman ito sa akin, na napakunot ang noo, nagtataka siguro siya sakin bakit ako biglang nagyaya. Kasi malimit na si Leigh lang lagi ang niyaya ko kasi nga mahilig kaming magshopping dalawa ni Leigh. Akala ko naman tatanggi siya sa tanong ko pero bigla naman siyang ngumiti sa akin.

"Alam mo LA, mukhang nagbago na ang isip ko, sa music department nalang din ako sasali para naman pareho tayo ng schedule kapag my practice, para kapag gusto mong umalis matutuloy tayo".

Ako naman ang nagulat sa sinabi niya, sigurado ba siyang sasali siya sa music dep? Oo alam ko, hilig din niya ang music pero passion niya talaga ang pagsasayaw, pero ng dahil lang sa nagyaya ako na umalis ngayong week, nagbago na ang isip niya kaya mag music dep nalang din siya, kaya napatanong nalang ako kung sigurado ba siya.

"Si-sigurado ka ba diyan Charles? eh diba passion mo ang pagsasayaw?" sabi ko sa kanya na medyo gulat parin ang expression ng aking mukha.

Tinanguan niya lamang ako bilang sagot sa tanong ko, at tumingin sa taong tumatawag sa akin ngayon, walang iba kundi ang isa din naming bestfriend, si Leigh. Pagakalapit ni Leigh, niyaya na niya agad ako para makapagpamember na kami sa music dep.

"Tara besty, open na daw yung registration booth para sa music dep, palista na tayo." sabi naman ni Leigh nung pagkalapit niya sa akin.

Tinanguan ko nalang siya bilang pagtugon ko at tumayo na ako, para sana makapunta nasa music section at para makapagregister na kami, pero hindi padin talaga ako makapaniwala na sa music dep siya sasali. Dahil nung tumayo ako, tumayo nadin siya at sumama na samin ni Leigh pero bago kami makaalis or makalakad galing sa pwesto namin at papunta na sa room kung saan kami magpapalista, narinig ko muna siya na may sinabi pero pabulong ito, ngunit hindi niya siguro aasahan na maririnig ko yun. Kaya nagulat nalang ako sa narinig ko.

"Para sayo LA, dahil gusto kitang bantayan at alagaan, dahil gisto kita."

Yan ang narinig ko na sinabi niya, kaya napatingin ako sa kanya na nakakunot ang noo habang naglalakad kami. Hindi pala alam ni Leigh na sasali na si Charles sa music dep dahil nung nakarating na kami sa room kung saan ang registration, nakita kong nagulat ang reaction niya nung nakita niyang kasama namin si Charles na kumukuha din ng form.

Parehong pareho kami ng reaction ni Leigh, pero hindi na niya tinanong si Charles kung bakit sa music dep sumali, dahil sa bagay alam naman ni Leigh na mahilig din sa music si charles kaya, pinagkibit balikat nalamang niya ito, habang kumukuha kami ng form para maging member sa music dep.


Losing You..[Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon