LY~Chapter 9..

181 61 57
                                    

Losing You..

Written by: SweetSmillee

--

LY~Chapter 9..

"Confess"

Pagkaupo naman niya sa driver seat, pinaandar naman agad ni Charles yung sasakyan niya. Ang tahimik naman namin, wala atang gustong magsalita niisa sa aming dalawa.


Naisipan ko nalang tuloy magpatugtog, kaya kinuha ko yung iPod na nakasalpak malapit sa stereo ng sasakyan niya, at naghanap ako ng pwedeng patugtugin. Nung nakapili na ako, agad ko namang pinatugtog iyon.


(now playing: When September Ends by Green Day)


Summer has come and passed
The innocent can never last
Wake me up when September ends


Like my father's come to pass
Seven years has gone so fast
Wake me up when September ends


Nagsimula na tumugtog yung music na napili ko, napansin ko naman na napatingin bigla si Charles sakin, kaya napatingin din ako sa kanya kaya, nagtama tuloy ang mga mata namin, umiwas nalang ako ng tingin sa kanya, dahil parang lalo lang naging awkward ang nararamdaman ko sa ngayon.


Here comes the rain again
Falling from the stars
Drenched in my pain again
Becoming who we are
 

Tumingin nalang ako sa labas para lang maiwasan ko ang magpatitig sa kanya. Pero ramdam ko naman na, may pagkakataon na napapasulyap siya sakin, dahil nakikita ko naman iyon sa peripheral vision ko.


As my memory rests
But never forgets what I lost
Wake me up when September ends


Napaisip naman ako siguro mas maganda kung ngayon ko nalang sabihin sa kanya yung Plano ko na yayain niyang lumabas sila ni Leigh. Tama ngayon na nga lang.


Summer has come and passed
The innocent can never last
Wake me up when September ends


Magsasalita na sana ako kaso naunahan naman niya ako.


"LA, naiilang kaba sakin?" Tanong niya. Hala patay napansin niya ata na parang naiilang ako sa kanya. Pero syempre hindi ko yun aaminin sa kanya.


Umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya at nginitian ko nalang siya. Napansin ko din na tumigil yung music, alam ko di pa yun tapos eh, siguro inistop niya. Bahala na nalang, hindi ko nalang papahalata sa kanya na naiilang ako.


Napapansin ko din na parang bumabagal ang pagpapatakbo niya sa sasakyan. Matapos ang ilang minutong katahimikan, napansin ko na hininto na talaga ni Charles ang sasakyan niya, dahil tumigil nadin siya sa pagmamaneho.


Napatingin naman ako sa paligid, akala ko kasi nandito na kami sa tapat ng bahay kaya siya tumigil sa pagmamaneho, pero mali pala ang akala ko. Nandito lang naman kami sa favorite place niya palagi niyang napupuntahan sa tuwing my problema siya. Dinala na niya kasi ako dito Nung time na malungkot siya.

Losing You..[Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon