LY~Chapter 14..

179 54 27
                                    

Losing You..

Written by: SweetSmillee

--

LY~Chapter 14..

"Mark's Pov"

Yow, I'm Marcus Castro, Mark for short. Favorite bestfriend ni Charles, seriously kahit madami akong nakafling basta kapag nafall ako sayo, sayo lang ang buong atenyon. Okay enough, nagiging corny and cheesy na ako,nahahawa kasi ako sa siraulo kong bestfriend.


Gwapo ako, malamang wala naman kasing pangit saming magbabarkada. Brownish hair, matipuno na tipo ng mga babae. Brown eyes at medyo may pagkabadboy look sabi ng iba at aminado naman ako doon.


Okay enough enough for that, siguro nagtataka kayo kung bakit ganun nalang makipagusap sa akin si Louise diba? Lahat ng barkada kasi ni Charles ako at si Luke lang ang kinakausap niya. No wonder, gwapo ako at malakas ang appeal.


At lahat ng story okaya pinagdaanan nila as bestfriends, at pagdadaanan pa nilang dalawa alam ko at malalaman ko, dahil simula't sapul ata nung mga panahong nagkagusto si Charles kay Louise nagkukwento na siya sa akin at walang mintis iyon. Syempre safe naman ang lahat ng yon sakin.


Nahihirapan nga ako sa sitwasyon nilang tatlo. dahil kahit di naman nila aminin, alam ko namang may feelings sila para sa isa't isa, pero di nila yun masiadong ineentertain, lalo na si Louise. Paano ko nalaman? Keen observer kaya ako, kaya bawat galaw nila napapansin ko.


Si Louise kasi, maganda, napakabait pa at maasikaso niyan, kaya kapag naging kaibigan mo siya ang swerte mo sa kanya, kaso yari ka diyan kapag pinabuaan mo sarili mo magagalit yan sayo, sympre nagaalala.


Si Charles, siraulo man yan pero mabait, talented, at maasikaso din yan, yun nga lang minsan nagiging overprotective siya sa mga taong malapit sa kaniya.


Si Leigh maganda din yan, mabait, yun nga lang minsan may pagka magaslaw amg galaw niya pero hindi naman OA, para bang minsan pag trip ka niya pagtitripan ka talaga niya.


Natatandaan ko pa, fourth year kami nun dapat nga may laro kami ng basketball, trip trip lang pero hindi naman namin naituloy dahil etong si pareng Charles, hindi sumama, wala daw siyang gana or sa mood maglaro at kita nanaman sa mukha niya ang pagkainis at pagkaasar.


Umuwi na sila Luke, Andrei, Harvey at Lester dahil nagkanya kanya nalang ng lakad pero nagpaiwan ako, dahil hindi naman sa pagiging tsismoso pero, diba kapag ang isang kaibigan may problema dapat ay dinadamayan? Kaya yun ang ginawa ko.


Pinagmamasdan ko lang siya ng mga oras na yun, bumubulong bulong pa nga si loko eh, pero napansin niya ata ako kaya tumingin siya sakin at nagsalita.


"Oh ikaw, Wala kabang lakad? Puntahan mo na mga chicks mo, hayaan mokong magisa dito" sabi niya oh diba ang emo ng kaibigan ko?


"Sus, brad halata namang my problema ka eh, bakit hindi mo nalang ikwento sakin, kanina pa kasi mainet ulo mo" sabi ko sa kanya, kaya napakunot siya ng noo sa sinabi ko.


"Asa, wala kong problema, kulit mo pwede ba manahimik ka nalang kung ayaw mokong iwan dito" sabi niya naman sakin, sabay titig ulit sa tintingnan niya, sige deny patong gagong to, sasapakin ko to eh.

Losing You..[Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon