LY~Chapter 28..

37 2 1
                                    

Losing You..

Written by: SweetSmillee

--

LY~Chapter 28..

"Leigh's Side"

Hello, I'm Leigh Mendoza, LA's bestfriend. I know its kinda lil'bit awkward ang relationship naming tatlo, because I know all of you knows that I really like Charles. And also that is the reason why I ended my relationship with Luke.

Ayoko na kasi siyang saktan pa, dahil naging mabait, masaya, maayos at minahal naman ako ng totoo ni Luke, pero ako lang talaga itong may kasalanan, kaya ngayon nagbago at bumalik nanaman si Luke sa pagiging womanizer niya.

Yes, ganun siya dati likewise with his cousin Andrei, silang dalawa palagi ang tandem pagdating sa ganyang gawain, pero nung umalis si Andrei, naging close kami at nung nagkagusto si Luke sa akin, at naging kami ginawa naman niya ang lahat para mapatunayan sa akin na mahal niya ako, akala ko enough na ang lahat ng yun pero, hindi padin pala, si Charles padin talaga ang ginugusto ko.

Also I know some of you knows that Charles was inlove with my bestfriend LA, and also I know that LA, likes Charles too but it is just like as a friend, coz I know he really like someone else. Gulat kayo no? na alam ko ang bagay na yan kahit hindi nila sabihin sa akin. Pero I hope na iba nga talaga ang gusto ni LA, kasi as of now, hindi ko alam ang gagawin ko.

Based on my observations lang naman lahat ng yun sa lahat ng mga kinikilos nila. Nasasaktan nga ako minsan kapag magkakasama kaming tatlo kasi makikita mo talaga yung dalawa na super close nila sa isa't isa, siguro ganun yata kapag mag childhood friend, ay ewan.

Ang kailangan ko siguro munang pagtuonan ng pansin eh kung paano ulit kami magkakausap ni Luke, I know we are in a civil stage pero diba mas maganda yung malaman niya ang dahilan kung bakit ko iyon nagawa sa kanya, I know naman na nagiisip siya ng reason eh, pero siguro eto na yung time para malaman niya at para makapag explain din ako sa kanya.

Napaisip ako kung ano ba dapat kong gawin, kaso hindi ko talaga alam, eh kung magpatulong kaya ako kay Charles, hindi naman siguro masama yun hindi ba? Kaibigan niya ako, kaibigan din naman niya si Luke, baka sakali namang matulungan niya ako, at baka sakali din na may maisip din siya kung paano. Pero yun nga dahil sa gusto ko si Charles or somewhat na love ko na ata siya, kaya parang naiilang din ako kung sa kanya pa ako lalapit para humingi ng tulong. Erase erase. Haaaay so complicated.

Nandito ako ngayon sa may terrace ng restobar ni Mark, lumabas muna kasi ako, gusto ko kasing magpahangin muna at lumalalim nadin ang gabi. Gusto ko na nga sanang umuwi pero kasi sabi ni Charles, ihahatid niya daw kami ni LA, pauwi. Kaya heto ang ginagawa ko, nagpapalipas ng oras, naiilang kasi ako sa loob e, paano ba naman kasi si Charles, asikasong asikaso si LA, nasasaktan kaya ako, kaya mas minabuti ko nalang na lumabas muna. Si Luke ayun may kasama din siyang babae na ang pangalan ay Laurice, maganda siya infairness, mabait din at tahimik, tsaka kita ko kanina na maasikaso siya kay Luke, yun na siguro ang bagong girlfriend niya.

Sa gitna ng pagpapahangin ko, nagulat ako ng may tumabi sa akin, hindi ko expected na pupuntahan niya ako, ito na ba yung time para magusap kami? Hindi ko na kelangan humingi ng tulong para sa iba para lang maclear lahat ng kung anong meron sa amin dati? Ay hindi hindi baka kasi magaway lang kami lalo na alam ko na nakainom siya. Tumingin nalang muna ako sa langit para kahit paano makaisip ako ng sasabihin ko. Magsasalita sana ako kaso naunahan niya ako.

"Ang daming stars ngayon no? Ang gandang tingnan." Sabi sa akin ni Luke, habang nakatingin din siya sa langit.

"Ah, o..oo nga eh, maganda hindi nakakasawang tingnan." sabi ko sa kanya, bakit ako nauutal, at medyo kinakabahan din ako at the same time.

"Parang ikaw lang, hanggang ngayon hindi ako nagsasawang tingnan ka." sabi niya sa akin, hindi ko alam kung anong masasabi ko, dahil nagulat ako ng tumgin na siya sa akin at titig na titig pa siya.

"Ah eh. Tha--Thanks Luke." sabi ko na nauutal ano ba to, bakit ngayon pako nagkakaganito kung kelan dapat ko na siyang kauspin about sa nakaraan namin.

"You are always welcome Leigh, you know that" sabi niya sa akin, habang titig na titig pa siya sa akin na parang my gusto pa siyang sabihin maliban doon sa sinabi niya.

Eto na ba? Ang tamang oras para mapagusapan namin ang dahilan ng pagkakaroon ng lamat sa relasyon namin dalawa? Eto na nga siguro talaga ang tamang oras, kaya napabuntong hininga ako at ngumiti ako sa kanya na medyo may pagkapilit na ngiti.

"Ah. Luke. Pwede ba tayong magusap?" Ano ka ba naman Leigh! Masasapo ko na sana ang noo ko ng dahil sa sinabi ko sa kanya. Sa dami ng unang sasabihin kasi bakit yun pa ang lumabas sa bibig ko. Nako maling mali Leigh. Maling mali. Nakarinig ako ng mahinang pagtawa mula sa kanya, nawiwirduhan siguro siya sa sinabi ko.

"We are already talking here Leigh" sabi niya mejo magpakasarcastic ang pagkasalita niya pero binaliwala ko yun. Magsasalita na sana ako ng magsalita siyang muli na nakapagpatigil sa sasabihin ko at nakapagpatulala sa akin.

"I really wonder why of all people si Charles pa talaga ang nagustuhan mo Leigh na alam mong my ibang gusto? At wala ng iba kundi si Louise?" sabi niya sa akin, na hindi ko inaasahan na sasabihin at itatanong niya sa akin. OMY Ghad. Alam na niya? Paano niya nalaman? Naspeechless ako bigla at tila ba parang nawalan ako ng lakas at nawalan ako ng boses para makapagsalita. Dahil hindi ko talaga inaasahan ang sasabihin niya na yun.

"Hi--Hindi ko din alam Luke! I'm sorry." Tanging yang mga salita lang na yan ang lumabas sa bibig ko. Ugh ano ba nangyayari saken eto na sinimulan na niya ang topic pero parang ako ang biglang umatras at parang ayoko ng pagusapan pa. Nanghina ako bigla at parang gusto ko nalang kainin ng lupa ng dahil sa pinaguusapan namin ngayon.

Ngumisi siya sa akin pero alam kong pilit lang yun at muli siyang nagsalita.

"Don't worry about me Leigh. I'm okay. I know you are not yet ready to talk about it today but if you want to talk to me again, don't hesistate to contact me. I have to go now. Takecare Leigh." Sabi niya sa akin ng nakangiti pero alam kong pilit lang yun at tuluyan na siyang umalis sa tabi ko. Okay that's explains everything. Alam na nga niya ang dahilan ko, ang pinagtataka ko lang paano niya nalaman? Napailing nalang ako at napatungo hindi ko alam, nalulungkot ako sa naging kalabasan ng paguusap namin.

Ilang minuto pa akong nakatambay sa labas hanggang sa narinig ko ang boses ng pinakakaisa isa kong bestfriend. Walang iba kundi si Louise.

"Oh Leigh nandito ka lang pala, kanina pa kase kita hinahanap tsaka uuwi nadin tayo anong oras nadin kase." Napalingon ako sa kanya at nakita ko siyang nakatayo sa may pintuan ng terrace na tinatambayan ko.

"Sige susunod na ako Louise." Sabi ko sa kanya at ngumiti lang ako sa kanya. Alam kong nararamdaman niyang hindi ako okay. Kaya nagulat ako ng lumapit siya sa akin at yinakap niya ako. Gusto kong maiyak sa harap niya pero pinigilan ko lang.

"Best I know somethings bothering you. Hindi kita pipilitin na magkwento but you know that I am always be here for you okay? I'll wait for you outside. Cheerup my dear sister. Everything will be fine" sabi niya sa akin at kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at umalis na.

Yan si Louise kahit anong tago ang gawin mo makikita at mararamdaman niya ang kahit ano mang pilit mong tinatago na nararamdaman mo. Masaya ka man o malungkot ka man, hinding hindi ka niyan iiwan sa ere kahit anong mangyari. Isa yon sa mga katangian kung bakit nagusutuhan siya ni Charles. Mabait siya sobra at maalaga pagdating sa mga taong malapit sa kanya. Huwag mo lang siyang gagalitin dahil iba siya magalit lalo na kung involve ang mga mahahalagang tao sa paligid niya at isa pa, mas inuuna niya ang iba kesa sa sarili niya.

Ako na yata ang pinakaswerteng tao dahil nagkaroon ako ng bestfriend na tulad niya at wala nakong mahahanap pa na iba, dahil nagiisa lang siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Losing You..[Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon