LY~Chapter 25..

89 17 4
                                    

Losing You..

Written by: SweetSmillee

--

LY~Chapter 25..

"Get Together"

Nakabalik na ako ng VIP room, nakakainins imbis na saglit lang ako, natagalan pa ata ako ng dahil sa walangyang Andrei na yun. Napakayabang talaga niya. Err. Pagkapasok ko sa loob, napansin ko na nasa lamesa na ung pagkain na inorder namin ni Leigh kay Mark kanina. Napansin naman siguro ni Leigh ang itsura ko kaya nagsalita naman siya kaagad pagkaupong pagkaupo ko.

"Oh anyare sayo? Bakit ang tagal mo naman makabalik, okay ka lang ba?" Tanong naman niya sa akin, napansin ata ako nila Kuya Clint at Kuya Clark kaya lumapit naman sila kung saan kami nakapwesto ni Leigh.

"Oh bakit baby may masakit ba sayo? Okay ka lang ba?" Alalang tanong ni Kuya Clint sa akin.

"Bunso, you okay? Bakit ganyan itsura mo, may nangyari ba sa labas nung nagC.R ka?" Tanong naman sa akin ni Kuya Clark. Napakunot naman ang noo ko, kaya napatingin naman ako kay Leigh na nagpeace sign naman sa akin at nagsalita.

"Sinabi ko kay Kuya Clark na nagcr ka lang, kanina kapa kasi nila hinahanap e. Oo nga besty bakit ba kasi ang tagal mo?" Sabi naman sa akin ni Leigh.

"Ah yes mga Kuya, I'm okay lang, madami lang tao sa C.R kanina kaya ako natagalan." Palusot ko kela Kuya, sana lumusot itong sinabi ko.

"Haaay, salamat akala ko napano kana bunso eh, basta kapag may naramdaman ka magsabi ka agad ah?" Sabi ni Kuya Clark sa akin.

"Don't worry Kuya, magsasabi agad ako. Sige na balik na kayo dun, naabala pa tuloy kayo ng dahil sa akin." sabi ko kela Kuya at sinunod naman nila ako bumalik sila sa kanilang ng business kanina. Si Kuya Clark, tumabi kay Ate Leanne, si Kuya Clint naman kausap yung mga kaibigan niya. Kung kela Kuya makakaligtas ako sa kaibigan ko mukhang wala akong lusot.

"Hoy, magsabi ka nga, bakit ganyan pagmumukha mo? Parang pinagbagsakan ng langit." Sabi sa akin ni Leigh na may kasamang hampas pa sa braso ko.

"Wala noh, okay lang talaga ako. Tara kumain na nga lang tayo." Sabi ko sa kanya, sabay himas ng braso kong hinampas niya. Nagugutom nadin ako mukhang masarap naman tong dinala/inorder namin kay Mark kanina.

"Maniwala? Wala talaga? Kahit na sabihin ko sayo na nakita ko na sumunod sayo si Andr--" sabi niya sa akin, hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya baka kasi may makarinig pa sa amin, tinakpan ko ng kamay ko ang bibig niya.

"Ssshh, pwede ba huwag kang maingay, mamaya may makarinig sayo e." Sabi ko sa kanya.

"So kwentoo na dali, anong nangyari kanina?" Sabi ni Leigh, grabe naman sa pagkaexcited itong bestfriend ko oh.

"Kasi yang mayabang na lalaki na yan may paghatak sakin kanina pagkalabas ko ng C.R feeling close e." Sabi ko Leigh, aba ang mukha parang nageexpect ng iba pang kwento.

"Oh tapos ano?" Sabi niya sa akin.

"Ay teka bes nagmamadali ka? Kung hindi nalang kaya ako magkuwento?" Sabi ko sa kanya, naiinis pa nga ako sa inasta ng mayabang na Andrei na dadagdagan pa nitong bestfriend ko.

"Ay sorry naman besty, excited lang naman ako. Sige mamaya nako rereact pag tapos kana magkwento." Sabi niya naman at umaksyon pa na inizipper ang bibig niya.

"So ayun nga, sinusundan niya ako, ayaw niya nga akong lubayan e, sinabi ko tigilan niya ako kase hindi ako katulad ng mga babae niya at baka mamaya, awayin pako ng dalawang kalandian niya, ayun oh.." sabi ko kay Leigh at tinuro ko naman si Andrei na nakikipaglandian dun sa dalawang babae na kasama niya. Hanep ano? Di nakuntento sa isa, dapat dalawa kasama ngayon? Napailing nalang ako at nagpatuloy sa pagkukwento, habang nilalantakan namin yung pagkain.

Losing You..[Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon