LY~Chapter 26..

98 10 2
                                    

Losing You..

Written by: SweetSmillee

--

LY~Chapter 26..

"Insecure"

Kanina pa kami dito sa restobar ni Mark, pero hindi ko alam kung sasama ba siya ngayon dito sa get together party naming magbabarkada. Medyo dumadami nadin ang mga tao dahil dumidilim na din. "Pare si Charles ba dumating na?" Tanong naman sa amin ni Mark, na busyng busy sa pagaasikaso ng restaurant at bar niya.

"Hindi pa, baka sinundo yung the one and only girl bestfriend niya." Sagot ni Harvey, kaya napatingin ako sa kanya at muntik na ako mabilaukan sa iniinom ko.

Sana nga dumating siya, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, alam ko naman sa loob ko na hindi ko pa talaga siya totally gusto, dahil gusto ko lang inisin si Charles sa lahat ng panggago na ginawa niya sa akin dati, yun lang talaga. Dahil hindi ko alam kung ano ba ang nakikita nilang lahat kay Charles na wala sa akin? Kaya this time, sisiguraduhin kong ako naman ang mananalo, na ako naman ang pipiliin at hindi si Charles.

Nagsidatingan na ang iba pang mga invited sa get together ng barkada, Napangisi din naman ako nung nakita ko si Stacy, maganda siya, sexy, matangkad kaso nga lang siguro iba talaga ang taste ko sa isang babae, dahil hindi talaga ako magkagusto sa kanya  kahit inamin na niya sa akin na gusto niya ako. Sumunod naman na dumating ay si Dianne na gusto naman ng isa sa mga barkada.

Ilang minuto ang nakalipas, dumating nadin si Charles kasama ang dalawang malapit sa kanya na babae, pero syempre alam ko naman na nagiisa lang ang girl of his life niya, yun ay walang iba kundi si Louise. Hindi ko maiwasan ang mapatitig sa kanya, ang ganda niya kasi at ang amo ng mukha niya, kaya hindi na nakakabigla kung maraming nagkakagusto sa kanya. Umiwas ako ng tingin simula nung nilapitan sila ni Mark baka kasi mahuli niya ako na nakatingin sa kanya.

"Salamat dumating na kayo, tagal niyo ah? Baka naman saan pa kayo nagpupunta kanina?" bungad agad na salita sa kanila ni Mark. Napangisi ako ng patago dahil binatukan ni Charles at Clark si Mark. Napatingin din naman ako kay Harvey sa sinabi niya na"Inggit lang si Mark sayo Charles, ang ganda kasi ni Louise." WTH? Bigla tuloy napakunot ang noo ko at napailing ng kaunti ang ulo ko.

 "Aish oo na. Ang ganda naman kasi ni Louise eh, totally nagaayos lang siya kapag may mga party."  Sabagay sang ayon naman ako sa sinabi ni Mark, simple lang naman kasi si Louise kaya kapag nagayos siya mas lumilitaw pa lalo ang ganda niya. Hindi ko na namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya at napatingin din naman siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin at ibinaling ko nalang kela Stacy at Dianne ang atensyon ko.

Para tuloy akong nakaramdam ng inis, hindi ko alam kung bakit? Aminado naman kasi ako sa sarili ko na hindi ko pa siya totally na gusto at trip trip ko lang naman si Louise pero bakit ngayong nakikita ko na close talaga silang tatlo, naiirita akong makita siya at ci Charles na masyadong malapit sa isa't isa.

"Hey AD, sinong tintingnan mo? Kanina ko pa napapansin na panay ang tingin mo dun sa babae na kasama ni Charles ah? hmm?" Sabi sa akin ni Stacy.

"huh?Sino? Wala ah, may iniisip lang ako, I'm sorry Stacy" sabi ko sa kanya.

"Duuuuuh, alam mo kung hindi kita bestfriend, siguro maniniwala ako sasabihin mo, pero sa nakikita ko kanina pa, kaninang kanina mo pa talaga si Louise, anong meron AD?" Don't Deny it." sabi naman niya sa akin, aish, hindi talaga ako makakaligtas sa bestfriend ko ng to.

"Okay, okay fine, you win" sabi ko naman sa kanya at ngumiti naman siya sa akin at pumalakpak pa ng tatlong beses, napailing nalang tuloy ako sa ginawa niya.

Losing You..[Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon