LY~Chapter 18..

172 52 23
                                    

Losing You..

Written by: SweetSmillee

--

LY~Chapter 18..

"His Voice"

Nakarating naman agad kami ni Leigh ng sakto sa oras, syempre ako paba? ang bilis ko kaya magpatakbo, kaya nga ayaw akong pagdrivin nila Kuya ng dahil dun. Dumaan pa nga kami ng Mcdo ni Leigh bago kami pumunta ng school eh, dahil bigla naming naisipang kumain ng Cheeseburger with frieeeees.

Pagdating ko ng school, halata naman yung mga estudyante na nagbubulung bulungan, nagtataka siguro sila kung sino ang may ari ng sasakyan na ito, pero lahat naman ng tanong nila nasagot nung lumabas na si Leigh, lalong lalo na nung lumabas ako ng driver's seat, lahat ng mata nila nakatingim sa amin.

Mga tao nga naman talaga makakita lang ng may nagdadala ng sasakyan dito sa school kung ano na agad ang mga iniisip nila, pero wala naman akong pakialam sa kanila. Kilala ako dito sa school ng dahil sa kapatid ko hindi lang yun may shares din kasi kami dito sa school na ito at lalo na nung naging cheerleader ako for 2years, tumigil lang ako ngayon dahil mas gustong kong bumalik sa music at tska pinagbawalan nadin kasi akong mapagod.

"Girls look who's here" narinig ko sabi ni Jane. Kaaway ko siya dahil lahat na lang kinaiingitan niya sakin, ewan ko ba sa babaeng to, sabagay siya lang kasi ang pumalit sakin nung umalis ako sa group.

"What are you looking at?" Sabi ko, sa mataray na tono at tinaas ko pa ang isang kilay ko.

"Di porket nagdala kang ng kotse, magmamayabang kana." sabi niya sakin at tinaasan niya ako ng kilay.

"So? Anong problema mo? Insecure girl" sabi ko at akmang sasampalin niya ako. Subukan lang niya dahil baka iuntog ko siya sa sahig. Hahaha. Joke sympre sasampalin ko din siya no.

"Pwede ba Jane tumigil ka nga, totoo namang insecure ka eh, wala kapa sa kalingkingan niyang besty ko, kaya pwede ba? Besty tara na nga." Sabi ni Leigh sa kanya at tumingin sa akin, umagang umaga kasi sinisira niya ang araw ko. Magsasalita pa sana siya kaso, tinalukaran na namin siya kaya hindi ko na narinig yung sinsabi niya.

Ay grabe masisira ang magandang araw ko ng dahil lang sa kanya, dibale idadaan ko nalang sa pagshoshopping yung inis ko mamaya. Dumiretso naman kami kaagad ni Leigh sa auditorium para sa audition namin sa music department.

Sakto nakita namin yung nagoorganize ng program or yung nagpapaaudition pero mukhang swerte akong ngayong araw na ito dahil hindi na namin kelangan magaudition para lang makapasok, dahil daw dating member daw kami, tama pala ang sinabi ni Leigh.

"Leo, start naba ang audition?" Tanong ni Leigh, ay ano close sila?

"Ah oo eh, teka di niyo man lang sinabi sakin na dating member pala kayo." Sabi niya samin.

"Ah oo, hehe pasesnya na, magauaudition paba kami?" Tanong ko naman dun sa Leo na yun, na isa ata sa mga officer dito sa music dept, mukhang bago siya kaya parang ngayon ko lang siya nakita.

"Hindi na kelangan, tanggap na kayo." Sabi niya, na kinagulat ko naman.

"See, besty I told you. Hindi na natin need magaudition" sabi sakin ni Leigh.

"Pero kelangan niyong kumanta, dahil nung nagmeeting, pumili kami ng 4 na tao na kakanta as guest, included kayo sa apat na yun." Nalaglagan naman ang panga ko sa sinabi niya, seryoso ba ito? Buti nalang hindi masasayang yung kanta na pinili ko.

"Ay grabe ah? Shocking news yan" sabi ni Leigh napansin ko namang napangisi si Leo sa sinabi ni Leigh.

"Pasok na kayo, nagstart na kasi yung audition eh, tska yung unang guest pala kumakanta na, tara" sabi samin ni Leo, at pumasok na kami sa loob ng auditorium, tama siya kumakanta nga ang isang guest, dahil kahit hindi ako nakatingin kilalang kilala ko kung kaninong boses yun walang iba kundi si Charles at ang kinakanta niya ay Lucky.

Losing You..[Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon