LY~Chapter 8..

195 59 39
                                    

Losing You..

Written by: SweetSmillee

--

LY~Chapter 8..

.Leigh's Family Dinner.

Nagpunta naman agad kami sa cr ni Leigh para makapag bihis agad kami at para makauwi nadin naman siya, kanina pa nga siya reklamo ng reklamo sakin na wrong timing daw masyado yung family dinner nila. Naintindihan ko din naman si tita kanina, kasi gusto niya kumpleto lang ang family niya para sa dinner kasi, malimit lang din sila magkaroon ng ganoon, dahil katulad nila mom and dad busy din sila sa business.


Magkasosyo ang mga parents naming tatlo nila Charles at Leigh kaya nga kami magkakaibigan eh, ng dahil nadin siguro sa mga magulang namin. Nagulat nalang ako ng nakadress na si Leigh, readyng ready naman pala siya para sa family dinner nila eh, kaya hindi ko maiwasan na hindi ko siya asarin.


"Besty my dress ka pala?, ready ka naman pala para sa dinner niyo eh?" tanong ko sa kanya na natatawa na ang aking mukha.


"AHH, nakakainis, buti nalang kamo may dala akong extra na damit, just incase magkaroon ng mga ganyang biglaang family dinner noh." aniya na halata naman ang pagkainis sa kanyang mukha.


"Sus, nakapaGirlscout mo talaga, always prepared, ikaw na talaga besty. Pagbigyan mo na si tita,miss kalang nun." sabi ko sa kanya na nakangiti na. Alam ko naman na miss lang siya ni tita eh kaya ganun nalang ang pag alala nun na baka hindi sumama si Leigh sa dinner nila as family.


"Osige napo, manenermon ka nanaman about sa family thingy na yan eh.. Kung hindi lang kita bestfriend siguro inaway na kita, kanina pa. hahaha. Joke lang besty, buti nalang nagenjoy tayo sa gala nating tatlo. Tara na nga at baka naiinip na si Charles satin, kakaantay." aniya sakin na nakangiti nadin at nawala na ang pagiging busangot ng kanyang mukha.


Pagkadating namin dun sa lugar kung saan namin inwan si Charles kanina, nandun padin naman siya pero my kausap na siya sa kanyang cellphone, pero nung nakita naman niya kami, napangiti naman siya samin at agad naman niyang binaba ang kanyang cellphone, tapos na siguro siya makipagusap sa kung sino man ang kausap niya.


"Let's go my beautiful ladies" aniya sa amin ng nakangiti. Tumango nalang kami sa kanya at agad na kaming lumabas ng mall para makapunta na sa sasakyan niya.

-

Matapos ang kalahating oras na biyahe nakarating na kami ng bahay nila Leigh, hindi naman kalayuan itong bahay nila samin kaya siya na yung una naming hinatid dahil siya yung kelangan makauwi sa amin agad. Buti nalang tuloy tuloy lang ang biyahe namin at walang traffic kaya walang naging problema sa biyahe.


Dating gawain padin si Charles, pinagbuksan niya muna ng pintuan ng sasakyan si Leigh, kaya nakababa na ito, matapos sa kanya yung pintuan naman kung saan ako nakaupo.


Pumasok kami sa loob ng bahay nila, syempre nauna si Leigh sa amin, at nakasalubong naman namin si manang josie, nung nakita niya kami, binati naman niya agad kami.


"Oh mga anak nandito na pala kayo, naku bakit ngayon lang kayo?" aniya samin, nung nakasalubong namin siya, parang si manang cecile lang din, dahil matagal nadin kasambahay nila Leigh si manang kaya parang anak nadin ang turing nila samin.

Losing You..[Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon