LY~Chapter 17..

173 50 20
                                    

Losing You..

Written by: SweetSmillee

--

LY~Chapter 17..

"My Car"


Maaga akong nagising ngayon kumpara sa mga nakaraang araw, friday ngayon at ngayon din ang araw ng audition para sa music club, actually dati nadin naman akong member doon, natigil lang naman ako, kaya ngayon bumabalik na ako.


Hindi ko nga alam kung bakit talaga sumali si Charles sa music department eh, hindi naman niya na yun kailangan dahil sa dance department, pasok na agad siya kahit walang audition dahil, dating member din naman siya.


Nagayos naman agad ako ng sarili ko at ginawa ko muna ang mga morning routine ko ng hindi ako nagmamadali, nung tapos na akong magayos ng sarili, naisip ko na munang bumaba para kumain ng breakfast. Sakto naman pagkalabas ko nakasalubong ko si Kuya Clark na paakyat ng hagdan, nagulat pa ang itsura niya ng makita niya ako, dahil obviously naman makakasalubong ko siya.


"Goodmorning Kuya Clark" bati ko sa kanya nung nakasalubong ko siya.


"Goodmorning din Bunso" sagot naman niya.


"May nakalimutan kaba sa room mo at parang nagmamadali ka?" Tanong ko sa kanya kasi patakbo siyang paakyat ng hagdan eh.


"No, LA gigisingin sana kita, akala ko kasi tulog kapa, maaga ka palang nagising ngayon" sabi ni Kuya sa akin.


"ah opo Kuya, hehe naalimpungatan po kasi ako kanina, hindi na din ako makatulog kaya nagayos nadin ako, bakit Kuya?"


"Wala naman bunso, gusto sana kita ihatid or makasabay magbreakfast, maaga kasi akong aalis ngayon para pumunta sa company natin, eh namimiss ko na makabonding ang baby bunso namin." sabi niya. Awww ang sweet ng Kuya ko ano? Kaso ang pangit lang may baby ba my bunso pa. Errr. Sinamaan ko nga Siya ng tingin.


"Biro lang bunso, to naman alam mo namang love ka ni Kuya at ikaw lang ang baby girl namin diba?" Sabi niya sabay gulo nanaman ng buhok ko, haaay ang Kuya ko naglalambing nanaman.


"okay fine Kuya, I know naman na miss moko, miss nadin naman kita eh, palagi ka kasing busy." Sabi ko sa kanya sabay ngiti.


"Tara.. Baba na tayo, breakfast is ready na bunso." Sabi niya, at tinanguan ko naman siya bilang sagot ko at bumaba na kami sa may dinning area namin.

-

Habang kumakain kami bigla namang tumunog ang phone ni Kuya Clark kaya nagexcuse muna siya sandali para sagutin ang kung sino man ang tumawag sa kanya.


"Goodmorning Baby" bati naman sakin ni Kuya Clint, pagpunta niya sa kusina para kumuha ng maiinom, galing siya sa pagjogging, dahil pawis pa si Kuya.


"Goodmorning din Kuya Clint, tara Kuya sabayan mona kami ni Kuya Clark" sabi ko sa kanya habang nilalantakan yung pagkain ko.

Losing You..[Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon