LY~Chapter 23..

141 33 14
                                    

Losing You..

Written by: SweetSmillee

--

LY~Chapter 23..

"Disappointed"


Akala ko talaga hindi siya papayag na makipagusap sakin e. Sana lang maging maayos ang paguusap namin, gusto ko nadin namang makipagayos sa kanya ng dahil sa nangyari dati. Hindi ko nga lang alam kung anong magagawa ko kapag this time siya padin ang magiging karibal ko.


Nandito padin ako ngayon sa labas ng Auditorium, umalis na kasi si Charles matapos niyang sabihin na magkita nalang kami mamaya sa parking ng 4pm. Ilang minuto din akong nakatulala at nakaupo dito, at napapaisip kung ano ang mangyayari mamaya. Napagdesisyunan ko na din lumabas ng Auditorium matapos ang ilang minuto pa.


Pumunta nalang ako sa may gym para tumambay, sakto naman pagdating ko nandun sila Mark, Harvey at Lester, nakita ako ni Mark kaya tinawag niya ako na pumunta sa pwesto namin. Nagbrofist naman kami pagkalapit ko sa kanila.


"Yow bro!" Bati ni Harvey


"Nyare sayo? Bakit ganyan mukha mo?" Sabi ni Lester, himala pinansin ako ng tahimik na ito.


"Wala to, baliwala lang to." Sabi ko sa kanila, at malamang may isang kontra nanaman at yun ay walang iba kung hindi si Marcus.


"Sus, ang sabihin mo, hindi padin kayo, okay ni Pareng Charles, tama ba?" Sabi niya, napatingin naman ako sa kanya, nakita ko naman na binatukan siya ni Harvey at Lester ng dahil sa sinabi niya.


"Hoy, ikaw talaga Marcus kahit kelan, yang bibig mo talaga." Sabi ni Harvey sabay batok.


"Mark kita mo ngang problemado yung tao, gagatungan mo pa" sabi naman sa kanya ni Lester.


"Okay, okay. Sorry!" Sabi niya na napataas pa ng dalawang kamay na parang sumusurrender siya.


Sa totoo lang, tama naman kasi ang sinabi ni Mark e, kahit na lokoloko yan, siya naman ang pinakakeen observer sa aming lahat, mga bagay na hindi naman napapansin o napupuna, siya agad ang makakapansin nito. Alam ko naman na alam nila ang kung ano mang away na namagitan sa amin dalawa, pero ni minsan hindi sila gumawa ng way para pagawayin pa kami, bagkus sila pa mismo ang gumagawa ng paraan para pagayusin kami.


"De huwag niyo na kaming alalahanin, magkakayos din kami Charles mga pare, hindi ko nga lang alam sa paanong paraan." Sabi ko sa kanila, na tinanguan naman nila.


Napatingin naman ako sa wrist watch ko at napansin kong mag4pm na pala, kaya napagdesisyunan ko ng mauna sa kanila, dahil nga sa may usapan pa kaming masinsinan ni Charles. Hindi ko nanaman sinabi sa kanila ang tungkol dun, dahil alam naman nila na hindi magiging maganda ang kalalabasan, pero iniisip ko padin na magiging maayos ang paguusap namin na ito.


"Paano, mauna na ako sa inyo mga bro, kita kitd nalang mamaya sa party." Sabi ko sa kanila.

Losing You..[Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon