LY~Chapter 16..

162 49 15
                                    

Losing You..

Written by: SweetSmillee

--

LY~Chapter 16..

"Andrei's Pov"


Hey everyone, I'm Andrei Oliver Samaniego, you can call me Andrei/Oliver what so ever do you want me to call. I'm back from the U.S actually for good. My parents, Charles, Leigh and also Louise parents, was business partners.


When were in our fourth year highschool, nagkaroon ng problema ang parents ko, kaya we decided to go to the U.S and we stayed for almost 2years there and finally napilit ko na sila mom and dad na bumalik kami dito, pero si Ate Lyra naiwan doon, dahil siya na muna ang bahala sa business namin.


Pagbalik ko dito third year college nadin ako katulad nila, kasi hindi naman ako huminto nung nagpunta kami sa U.S nagpatuloy naman ako, and luckily kasi yung school dito pinyagan akong maghome school habang nasa U.S ako, syempre ikaw ba naman kamag anak ng may ari ng school na ito e.


Nasabi ko nadin bang? Cousin ko si Luke, syempre hindi pa, but now all of you may know that we are cousins. Luke S. Cristobal. Ang middle name ni Luke is Samaniego, kasi yung mom niya and dad ko ay magkapatid, gets?


Charles and I are bestfriends but suddenly when that girl came parang nagbago na ang lahat ng samahan namin. Nagkagusto kasi ako sa girl na yun, parang bang naattract ako sa kanya kasi masyadong maamo, mabait ang mukha niya, lalo na ang bait pa niya, maasikaso at maganda pa. And then nakuwento ko yun kay Charles, ang tungkol sa kanya akala ko nung una, okay kami.


Pero simula nung niligawan at naging kami ni Ashley, don na nagbago ang lahat, palagi nalang akong napapagsabihan ni Charles about sa relationship namin ni Ashley, lagi palang nagsasabi sa kanya si Ashley ng hindi ko alam.


Aminado naman akong may kasalanan ako dahil naging pabaya din ako sa girlfriend ko, pero diba sino ba naman ang hindi maiinis or maghihinala kung palaging bukambibig ng girlfriend mo eh yung bestfriend mo? Dun ako nainis kaya, nagaway kami at ang dahilan nun walang iba kundi si Charles..


Kaya hindi ko mapigilan ang pakikipagfling sa iba, pero nahuli ako ni Ashley at yun ang dahilan kung bakit nagaway kami at iniwan niya ako. Mahal ko siya pero, siya para sakin pala hindi niya ako ganun kamahal dahil si Charles pala ang minahal niya.


"Sino siya?" Sabi ni Ashley nung lumapit siya.


"Wala lang, friend ko lang siya" sabi ko sa kanya pero alam kong hindi siya naniniwala.


"Ah, Andrei, I have to go na. Thanks sa time." Sabi ni Liz, yung kasama ko na babae, pero actually friend ko lang naman talaga siya pero may gusto siya sakin. Nung umalis siya tiningnan lang siya ng masama ni Ashley.


"What do you want?" Sabi ko sa kanya, medyo inis kasi ako, dahil nga wala siyang bukambibig kundi si Charles kapag magkasama kami.


"Ano?! Ikaw anong problema mo?!" Sabi naman niya.


"You know what, ikaw ang problema ko, palagi nalang kasi si Charles ang bukambibig mo, samantalang ako ang boyfriend mo!" Sabi ko sa kanya, na mukhang ikinagulat naman niya.


Nandito kasi kami sa park ngayon, medyo maraming tao, napalakas ata yung pagkakasabi ko kaya napalingon sila sa amin.


"Alam mo tama ka, dapat si Charles nalang ang pinili ko dapat siya nalamg ang naging boyfriend ko dahil ikaw, wala ka namang ginawang tama!" Sabi niya sakin.


"Bahala ka nga sa buhay mo, magsama kayo ng Charles mo, sa dinami dami pa ng tao siya pa talaga ang bestfriend ko pa. Bullshit!"


"Oo,dahil sa totoo lang mas mahal ko siya kesa sayo, dahil siya yung palaging nandiyan sa tabi ko kapag kelangan ko, eh ikaw? Palagi kang wala kapag kelangan kita. sabi niya na umiiyak. At umalis sa harapan ko. Bakit siya ummiyak, diba siya naman ang nangiwan. Arrrrgh!


"Bullshit!" Yun nalang ang nasabi ko.


Nagmadali akong pumunta sa condo ni Charles ng mga oras na yun, at nung pagpunta ko doon, nagaway lang kami lalaki sa lalaki, matapos ng nangyari na yun, hindi na kami nagkausap pa hanggang sa umalis ako papuntang U.S.


Nalaman ko din na naging sila ni Ashley pero hindi din naman nagtagal at naghiwalay din sila pero hindi ko na inalam pa ang dahilan basta yun nalang ang sinabi sa akin ni Luke nung nagkausap kami sa skype, bago ako umuwi dito sa Pinas.


Nung araw nadin naman yon, nagulat ako kasi kinontak ako ni Charles, tumawag siya sa skype non, dahil nagpm siya sa fb na gusto daw niya akong makausap.


Naging maayos naman ang paguusap namin, naging okay din kami, syempre naman, wala nadin naman sakin yon, tska matagal na din naman yun at inaamin ko na may kasalanan din ako kaya iniwan ako ni Ashley, na mas magugutuhan niya si Charles kesa sakin.


Simula nung bumalik ako dito naging tahimik naman ang buhay ko, pwera nalang nung nakita ko ang isang babae na bestfriend din ni Charles na palagi kong kinaiinisan at kinaasaran dati pa.


Akala ko magiging okay ang unang pagkikita namin pero hindi pala, ganun padin ang pakikitungo ni Louise sakin, para bang sa tuwing makikita niya ako, ang init ng dugo niya sa akin, at ganun din naman ako sa kanya.


Sa tuwing makikita ko siya ang init ng dugo ko or parang naiinis ako sa kanya, siguro dahil nakikita ko si Ashley sa kanya, dahil may parang may pagkatulad silang dalawa ng ugali ni Ashely pero siya may pagiging sadista.


Hindi ko pero parang nagiba ang pakiramdam ko sakanya simula nung nagkatitigan kaming dalawa, para bang may pakiramdam ako na gusto ko siyang maging akin, na gusto ko siyang alagaan, na gusto ko siyang mahalin at gusto ko ganun din ang maramdaman niya sakin.


Nakaramdam ako ng inis or pagkainggit kay Charles nung nakita kong sobrang alaga siya ni Louise, hindi ko alam anong bang meron kay Charles, para maging ganun na lang ang taong nakapaligid sa kanya lalo na itong bestfriend niyang si Louise.


Kaya nga nung nasa kusina kami nun, nakatitig lang ako sa kanya, dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na titigan siya, sana hindi niya ramdam na tinititigan ko siya, pero nung dumating sila Mark, napatingin siya sakin pero umiwas din naman agad siya ng tingin, kaya umalis nalang ako sa kusina at nagpunta akobsa sala.


Hindi ko alam pero sana this time, wala ng maging sagabal kung maging kami man, kung maging akin man siya. This time sisiguraduhin ko na sa sarili ko na, hindi ko ulit uulitin pa ang mga maling naging desisyon ko noon, itatama ko ang lahat ngayon kay Louise, oo sa kanya at wala ng iba pa.



Losing You..[Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon