LY~Chapter 27..

46 2 0
                                    

Losing You..

Written by: SweetSmillee

--

LY~Chapter 27..

"BestFriend"

Sinundan ko si AD nung nakita kong sumunod siya kay Louise nung lumabas ito, kahit hindi ko naman close si Louise at ang bestfriend ko ay si Andrei, hindi padin ako sang ayon sa balak niyang gawin. Babae din naman kasi ako at alam ko ang mararamdaman ni Louise kapag niloko or sinaktan lang siya  ni Andrei.


Gusto ko nga sana siyang pigilan sa gagawin niya ngunit, hindi ko na talaga siya napigilan, wala akong ginawa kundi ang tumingin nalang sa ginagawa ni AD. Naiinis man ako sa ginawa niya, desisyon niya yun, at hindi ko mababago kung ano man ang nasa isip niya sa ngayon. Hindi ko man marinig yung usapan nila pero alam kong puro kalokohan nanaman ang sinasabi ni AD kay Louise, tss.


Natapos ang usapan nila, nakita kong umalis na si Louise at hindi na siya sinundan ni AD, at napatingin naman ako sa kanya, at siya din napatingin din siya sa akin, mukhang lalapitan niya sana ako, pero umiwas na muna ako, umalis na ako kung saang lugar ako nakapwesto kanina.


Siguro nagtataka kayo kung bakit ako lang ang natawag sa kaniya ng AD ano? Yung totoo naman kasi niyan, we're childhood bestfriends, kasama na don si Charles at alam ko ang kwento nilang tatlo, kasama na doon si ... never mind that girl, kung hindi siguro dahil sa kanya hindi masisira ang friendship naming lahat, lalo na kaming dalawa, bestfriend ko siya pero sinaktan niya yung taong, alam niyang mahal ko, nagpaubaya ako kasi alam kong sasaya si AD sa kanya pero, WTH? anong ginawa niya? Iniwanan niya at sinaktan.


Naku! Talaga, huwag lang siyang magpapakita sa akin kundi malalagot talaga siya sa akin, dahil hanggang ngayon hindi ko alam ang reason niya sa ginawa niyang yun, dahil matapos niyang iwan si AD, wala na akong naging balita sa kaniya, last balita ko nalang ay yung pumunta na siya ng ibang bansa.


Masama lang siguro ang loob ko sa babaeng yun, pero kahit paano naman parang kapatid ko nadin naman yun. Ako ang bestfriend at tinuring niyang kapatid at tinuring ko ding siyang kapatid pero, wala man lang akong nairinig na explanation mula sa kanya.


Nakakainis lang pero kahit ganun ang nangyari, namimiss ko yung lokaloka kong bestfriend. Pero sa ngayon si AD ang kailangan kong bantayan dahil alam ko naman na hanggang ngayon may nararamdaman padin siya kay Ashley, kahit hindi niya yun sabihin sa akin, alam ko.


Kung may gusto man akong magustuhan si AD at mahalin niya ng totoo, siguro si Louise na yun, dahil nakikita ko naman sa kanila na bagay silang dalawa e, tsaka alam kong mabait, maalaga at mapagmahal si Louise, at hindi niya gagawin tulad ng ginawa ni Ashley. Ayan nasabi ko nadin yung pangalan niya. Pero sino ba naman ang makakapagsabi diba? Wala naman.


Umalis nadin ako sa bar/restaurant kung saan ginanap ang get together party nila AD. Pupunta nalang ako sa ibang lugar at doon nalang ako magpapakasaya sabi ko sa sarili ko.

~

Nakarating ako sa isa pang club na madalas din naming punatahan dati ni AD at Ashley, ugh nakakainis na memories na yan. Inihinto ko ang sasakyan at bumaba na ako, at dirediretao akong pumasok sa loob. Hindi na ako pinigilan nung mga bantay sa labas dahil kilala na din naman nila ako.


Wala ako sa mood uminom kanina, pero mukha atang nagbago ang ihip ng hangin pati ang pagiisip ko, kaya ngayon magiinom ako,  pero wala naman sa isip ko ang magpakalasing sa ngayon, kelangan ko lang talaga ang uminom.


Umupo ako sa harap kung saan ang lugar ay nandoon ang mga bartender, shot of whiskey please, I said to the bartender, ginawa naman kaagad ang order ko, at ibinigay naman ito kaagad sa akin.


Iinumin ko na sana yung whiskey nung may biglang tumabi sa akin, kaya napakunot naman ang noo ko, dahil nandito siya ngayon sa tabi ko, ano to? Sinundan ba niya ako?


"I knew it you're here, hindi nga ako nagkamali na dito ka pupunta." Sabi ni Andrei, oo tama kayo ng nabasa, siya nga ang tumabi sa akin ngayon.


"What are you doing here, my dear bestfriend? Sinusundan mo ba ako?" Kunot noong napatingin at tanong ko naman sa kanya.


"Nagbabakasali lang naman ako. At tama nga ako ng hinala, na dito ka nga pupunta sa lugar na ito, bakit ka ba biglang umalis sa get together party?" Tanong naman niya sa akin.


"Wala lang, gusto ko lang sana mapagisa, eh ang kaso sinundan mo ako, baliwala lang din pala." Sabi ko naman sa kanya, sabay inom ng whiskey ko, at sabay hingi pa ulit na isa pa sa bartender.


"Okay, listen Stacy babae ka, at mahalaga kadin sa akin, kaya nagaalala din naman ako para sayo, kaya kita sinundan dito." Paliwanang niya sa akin.


"Mahalaga? Kelan pa? Nagpapatawa ka ata Andrei, ang alam ko si Ashley lang naman ang mahalaga para sayo simula noon hanggang ngayon." Mahabang litanya ko sa kanya, okay it sounds like na ang bitter ko, pero yun kasi ang katotohanan naman. Sorry pero hindi ko ata kayang itago sa ngayon ang pagkainis at ang nararamdaman ko.


"Stacy naman, hanggang ngayon ba galit ka pa din kay Ashley ng dahil sa ginawa niya sa akin?" Sabi niya sa akin na umiiling iling pa at umorder nadin siya ng alak na iinumin niya.


"Siguro nga galit ako, pero mas naiinis ako sayo kung ipagpapatuloy mo ang plano mo. Pati inosenteng tao, gagamitin mo para masaktan lang ang kaibigan natin. Sabagay ano nga ba ako eh isang hamak na BESTFRIEND mo lang naman ako diba?. " sabi ko sa kanya na ptuloy padin sa paginom, ngunit siya naman napatigil at biglang sumama ang tingin niya sa akin.


"Stacy, alam mo naman na si Charles ang nagsimula diba? At oo bestfriend kita, kaya nga ako nagsasabi sayo kasi alam kong ikaw lang ang makakaintindi sa akin. Kung pwede nga lang sana nung una hindi nalang si Ashley ang nagustuhan ko, di sana walang problema." sabi niya sakin sabay lagok sa baso ng alak na hawak hawak niya. So ano nagpaparinig siya ganun


"Sa ginagawa mo, mas pinalala mo lang ang sitwasyon niyo ni Charles, haaay ewan ko sayo AD, kinain na talaga yang puso mo ng galit. Eh sa iisang babae lang kayo nagkagusto e, tapos ngayon uulitin mo nanaman? Tss." sabi ko sa kanya sabay irap at lagok sa isang shot ko pa ng whiskey at tumayo na ako. Hindi ko na siya hinintay pa na magsalita. Uuwi nalang ako kesa lalong masira ang araw ko.


"Mauuna na ako. Kausapin mo nalang ako kapag nasa matino ka ng pagiisip." sabi ko sakanya sabay, abot ng pera sa bartender at tumayo na, sabay dali daling lumabas ng bar at pumunta sa aking sasakyan.


~~


Pagkasakay ko sa sasakyan ko, hindi ko maintindihan tong lintik na puso ko dahil patuloy ito sa pagdagundong na malakas. Alam kong mahal ko pa si AD, pero hindi ko na dapat pa iniisip ang nararamdaman ko para sa kanya dahil matagal ko na itong kinalimutan.


Hindi ko namalayan na bigla nalang may tumulo na luha galing sa aking mga mata, at dali dali ko naman iyong pinaalis gamit ang dalawa kong kamay.


"Haaay AD kung ako nalang kasi, hindi ka naman siguro magkakanganyan. Pero huwag kang magaalala nandito padin naman ako sa tabi mo pero sana maisip mo na mali ang gagawin mo. Sana totoong mahulog ang loob mo kay Louise, dahil ayoko nakikita na magkakasakitan lang kayo, at kung hindi,  ako mismo ang gagawa ng paraan para maialis ka sa mga maling gagawin mo." sabi ko sa sarili ko at inistart ko na ang engine ng sasakyan ko at pinaharurot ito.

Losing You..[Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon