#23 'Buhay'
Maglilimang taon na akong nurse sa hospital na ito subalit hanggang ngayon, kinikilabutan pa rin ako pa rin ako sa tuwing may mga duguang sinusugod at mga pasyenteng binabawian ng buhay. Parang gusto kong maiyak sa takot. Nag-iiyakan na ang mga tao.
"Anong nangyari miss?" tanong ko sa isang aleng kapamilya siguro ng duguang lalaki na isinugod. Ngunit wala akong sagot na narinig sa kanya sa halip ay matuloy pa rin siyang nanginginig na umiiyak. Kaya tinapik tapik ko na lamang siya sa kanyang likod at tatlo pa muling duguan ang isinugod. Halos magpanic kaming lahat.
"Mamaya na ko magpapaliwanag. Nanganganib ang buhay niya. Kailangan niyang ng magamot agad!" sigaw ng kasamahan. Kaya dali dali akong tumakbo palapit.
"Anong nangyari?!" natatara kong tanong.
"Naaksidente ang sinasakyan nilang sasakyan matapos na makipagbuno niya sa mga holdaper." sagot ng kasamahan ko. Pero hindi sa akin kundi sa pulis na naroon. Habang ako naman ay nahinto sa kinatatayuan ko matapos kong makita ang duguang katawan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/46908770-288-k151637.jpg)
BINABASA MO ANG
Panandaliang Aliw [Koleksyon ng mga kwentong dagli]
Short StoryNasilip mo na ba? Tara! Pasok na! buklatin mo na! Sige na! pumayag ka na! dahil narito na ang kikiliti, hahaplos, at maghahagod sa iyong isipan. Halika na at Namnamin ang... 'Panandaliang Aliw' [Koleksyon ng mga kwentong Dagli] All right reserved ©...