#25. 'Walang Sugat'
Biglang nagising si Joey nang maramdaman niyang basa ang kanyang kama. Agad siyang napabangon at biglang naalimpungatan sa kanyang nakita dahilan para mapaiyak siya't mapasigaw.
"Inay! Inay!!" aniya habang natatarantang kinakalabit ang nakahiga niyang ina. Hindi siya mapakali sa dugong kanyang nakikita.
"Inay! Inay! Gumising ka inay!" naluluhang sabi niya. Iyak na siya nang iyak.
Nang sa wakas ay nagising na ang kanyang ina. At agad na tumambad rito ang mga bakas ng dugo sa kanilang kama.
"Inay!" tanging nasabi ni Joey.
Biglang naluha ang kanyang ina at niyakap ang kanyang Joey. "Dalaga ka na anak." masaya ngunit may lungkot rin. Dahil maaaring sa paglipas pa ng panahon ay ang pag-aasawa naman nito ang sasalubungin ng kanyang ina.
BINABASA MO ANG
Panandaliang Aliw [Koleksyon ng mga kwentong dagli]
ContoNasilip mo na ba? Tara! Pasok na! buklatin mo na! Sige na! pumayag ka na! dahil narito na ang kikiliti, hahaplos, at maghahagod sa iyong isipan. Halika na at Namnamin ang... 'Panandaliang Aliw' [Koleksyon ng mga kwentong Dagli] All right reserved ©...